Chapter 7:

1.4K 24 0
                                    

Gertrude's POV

Kakatapos ko lang hugasan yung pinagkainan niya kanina, at ngayon paakyat ako sa taas para ihanda ang isusuot niya, wala na akong choice eh. Pati ang second floor napakaganda rin, talagang elegante lahat, mapa-painting, design, chandelier, ilaw o kabinet man 'yan.

Bago ako makapasok sa kuwarto, kinaialangan ko pang iswipe yung card bago bumukas yung pinto ng room na sinabi niyang puntahan ko, isa pala 'yong malawak na walk-in closet, kasing lawak lang ng isang kuwarto ng isang bahay. Laman nito ang mga suit, damit, sapatos, at iba pang kailangan pagnagdadamit.

Lumapit ako sa cabinet kung saan nakalagay ang mga puting polo shirts niya, kumuha ako sa isa sa mga ito at hinawakan sa kamay ko. Sunod, nahagilap ng aking mga mata ang blue suit na may kasamang suit vest at may mga lining, dahil nahumaling ako sa design, 'yon ang kinuha ko. Wala naman sigurong masama kung ako ang pipili dahil ako naman ang nagprepare.

Maghahanap pa sana ako ng iba nang biglang bumukas ang isang pinto na nasa left wall, naka-konekta ata sa ibang room. Do'n, lumabas si Sir Haton na nakatuwalya at natatakpan ang pang-ibabang bahagi mg kaniyang maskuladong katawan. Lagatak ang tubig mula sa maitim niyang buhok pababa sa braso niya hanggang sa mga abs niya.

Napalunok nalang ako dahil sa aking nakikita, kakaiba nanaman ang pagpitik ng kanina lang ay tahimik kong puso, para nanaman akong nakakita ng kung ano. Nago pa mahagilap ng mata ko ang hindi ko dapat makita, tumagilid ako at tumingin sa kung saan, ayokong magmukhang bastos dahil sa pagtingin ng mata ko sakaniya. Nakita ko na lahat ng 'yan, pero iba parin kapag hindi na lasing.

"This is your clothes, sir," magalang na sambit ko at itinaas ang hawak kong damit niya gamit left hand ko pero 'di parin ako tumingin.

Lumakad siya papalapit sa'kin at kinuha ang mga damit ng may ngisi sa mga labi.  "You chose this?" Tanong niya pagkatingin niya sa suit na napili ko.

"Y-yes, sir," utal ko at pinipigilan ang sirili ko na tingnan siya dahil mediyo lumalapit na ang katawan niya sa akin, napapatakan na ako ng tubig mula sa buhok niya dahil na rin mas matangkad siya sa akin.

"Why? Did you ever saw me wear this suit?" Dinig ko ang pagtataka sakaniyang malamig na boses kasabay ng pagseryoso ng kaniyang mukha.

Naalala ko, sa boracay ko lang siya nameet no'n at hindi ko na siya nakita. Ano nga ba ang suot niya noon? Shit! Yung suit pala na 'yon ang hinubad ko sa kaniya no'n kaya parang pamilyar 'yon at napakaganda sa aking mga mata.

Dahil sa naalala ko nanaman ang mga nangyari sa gabing 'yon, tinamaan ako ng isang malaking bomba ng hiya dahilan para mapakagat labi ako at mapayuko nalang. "N-no, sir. Its just that th-the suit l-looks good," nanginginig kong pagsisinungaling at tumalikod na sa kaniya, hindi ko kinaya ang hiya at pagkabaliw ng puso ko.

"Why stutter?" Itinukod niya ang left hand niya side ko na lalong nagpanginig sa mga kalamnan ko, mula sa kamay ko papunta sa mga paa ko.

"Ahmmm... nothing sir," mahinang bulong ko at tinakpan ang aking namumulang mukha. Ramdam ko parin ang lapit ng hubad niyang katawan sa likod ko, nababasa na ako dahil sakaniya.

"Okay," paniwalang sambit niya at umalis na sa likod ko. "Wait me at the living room, take this," saad niya at may kinuha na kung ano mula sa table drawer na nasa gitna ng room.

Naramdaman ko ang isang bagay na sa balikat ko. Dahan-dahan kung inalis at binuksan ang mata ko upang makita 'yon. Isang dark blue necktie pala ang nilagay niya. Kinuha ko 'yon mula sa aking mga balikat at tinitigan 'yon, ito rin yung pinangtali niya sakin no'n bago kami nag~

'Ay jusko! Ba't ko ba naalala ang nangyari sa aming dalawa.' Suway ko sa isip ko, lagi ko nalang naiisip ang mga tagpo kung paano namin ginawa si AK. Lahat ng 'yon, sariwang-sariwa pa sa utak ko.

The BachelorTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon