Gertrude's POV
Nanlaki ang mga mata ko sa gulat dahil sa binulong ni boss sa tenga ko, pati na rin ang maghawak niya sa balikat ko. "B-B-B-B-boss?" Nag-aalangan akong tumingin sa likod ko dahil masiyadong malapit ang mukha ni boss sa akin.
"Shhhh… Follow me if you don't want anyone to see that," seryoso niyang sambit malapit sa mukha ko n ikinalunok ko.
'Shet! Nakakahiya! Ngayon pa ako natagusan! Ba't gano'n, hindi ko naramdaman,' iyak ko sa isip ko.
Wala nang kapantay ang hiya ko ngayon, si boss pa mismo nakakita sa akin na may tagos. Napapapikit at napapalabi ako sabay kapit sa bag ko, dahil hiyang-hiya ako. 'Di ko naramdaman kanina, dahil sa kaba ko. Jusko po, lupa, lamonin mo na ako. Now na!
"Walk to where I take you," sambit niya at nagsimulang lumakad kahit nasa harap niya ako. Dikit na dikit 'yong likod niya sa akin, ramdam na ramdam ko 'yong matigas niyang dibdib, at yung kamay niya na nasa batok ko, kinokontrol ako kung sa'n dapat ako tumungo.
Nahihirapan akong humakbang, baka mas lalo akong tagusan. Nakakahiya, parang gusto ko na lang tumakbo papalayo sa presensya ni boss. Ba't kase sa dami ng makakakita siya pa? Light brown pa naman yung pencil cut na skirt ko, kitang-kita na niya yung pulang likido, jusko po!
"Walk, Gertrude." Itinulak niya ako papasok sa isang aisle na hindi ko alam kung saan patungo, pero parang papunta sa isang CR. Pinagtitinginan kami ng ibang tao dahil sa posisyon namin, kaya napapakagat labi na lang ako at umiiwas ng tingin dahil sa hiya.
"B-Boss," utal kong saad nang makarating kami sa pinaka loob ng aisle kung saan may dalawang pinto at wala ng mga tao ang nakatingin ng natatawa sa amin. Mabuti na lang, walang masiyadong tao sa CR.
"Stay here." Umalis siya sa likod ko at isinandal niya ako sa pader. Pumunta siya sa harap ko at itinukod ang kaniyang dalawang kamay sa magkabilang gilid ko sabay lapit ng kaniyang mukha.
Napatitig ako, pero napapikit kaagad dahil isang dangkal na lang ang layo ng mga mukha namin. Naduduling ako sa mga maya niyang kakaiba. Lumakas nanaman ang tibok ng puso ko. I pursed my lips, and turned my head to the right not wanting my nose to hit his.
"Stay here, don't run or some people will see what you're hiding. I'm pretty sure that will be so humiliating," mahimang sambit niya at umalis na harap ko papunta sa kung saang lupalop ng mundo na hindi ko alam.
Napalunok ako at dahan-dahang tinanaw ang likod ko, para makita kung totoo ba yung sinasabi ni boss. 'Jusko po!' May isang mediyo malaking bilog na kulay pula ang nakalagay mismo sa may puwetan ko. 'Nakakahiya, sana walang ibang nakakita.'
Napapikit ako sa hiya at napasandal sa pader sabay kagat sa labi. Hindi ako mapakali, unang araw ng dalaw ko, siguradong malakas 'to. 'Asan na ba kasi si boss? Teka, ba't umaasa ako kay boss?'
"Gertrude." Bumalik si boss na may dala-dalang paperbag. "Get in and change," wika niya at iniabot sa akin yunv paper bag.
Napalunok ako at napangiwi. Nakakahiya pa rin na tumingin sa kaniya. "T-Thank y-you," nahihirapan kong saad. Hindi na ako nagsayang ng oras dahil sasabog na ako, sasabog sa sobrang pagkahiya kaya napapikit ako pumasok sa restroom ng babae.
Dali kong binuksa 'yong paper bag. Nahulog ang aking panga at nanlaki ang akinh mga mata nang itaas ko sa aking kamay ang laman. 'Napkin, palda, panty?!'
~~
Kakatapos lang ng lahat ng mga trabaho namin dito sa Paris, naayos na lahat ng mga gusot sa kumpaniya. Nawala na yung mga corrupt na heads, pero 'yong hiya ko kay boss, hindi pa.
BINABASA MO ANG
The Bachelor
RomanceSa hindi inaasahan, muling nagtagpo ang landas ng dalawang taong may isang gabing nakaraan na nagbunga ng isang biyaya. Nagtagpo sa opisina, kung saan, siya ang boss at siya ang sekretarya, magkasamang numuhay sa iisang bubong sa ibang bansa. Mahuhu...