🖕🖕Gertrude's POV
Halos malagutan ako ng hininga dahil sa lapit ng mukha niya sa akin. Naduduling nadin ang mga mata kong tumititig sa kaniya. Napakabilis ng tibok ng puso ko habang magkalapit kami, pero dahil alam kong mali.
"Sir," sambit ko at itinulak siya papalayo sa akin at napatingin sa malayo para hindi na magtama ang aming mga mata.
Narinig ko ang malalim na pagbugso niya ng hangin at napayuko. "We'll get it," sambit niya sa sales lady hinila ako pero hindi ako pumayag. Wala akong pamabayad, at 'di ko pa nakuha yung damit ko.
"Ahh..."
"Three words." Lumingon siya at matalim ang kaniyang mga matang tumungin sa akin. Bakas ang pagkadominante sa boses niya, at ang kamay niyang nakahawak sa pulsuhan ko, humigpit.
"B-But, t-the dress," utal na katwiran ko, at tinignan 'yong napakagandang dress na suot ko. Siguradong akong mahal to.
"I paid it," wika niya at hinila na ako papalabas habang pinagtitinginan kami ng mga nagtratrabaho sa loob ng clothing store.
Hinila niya ako sa kung saan, at napapasama nalang ako sakaniya dahil hindi ako makapagpumiglas dahil sa higpit ng pagkakahawak niya sa akin. Lakad lang siya ng lakad hanggang sa mapunta kami sa third floor via escalator.
Ang third floor ay parang play area, maraming game booths, at iba pang puwedeng paglibangan ng mga bata. Tumingin ako sa bawat palaruan para hanapin si AK at wala na akong paki kung saan-saan ako dinadala ni boss. Basta gusto ko lang makita si AK.
"He's here," sambit ni boss nang nakatigil na kami na naka-agaw ng atensyon ko.
Pagkatingin ko sa kaniya, nahahip ng mata ko si AK na nasa bouncy house na nagtatatalon sa tuwa kasama ang mga kapwa niya bata. At sa gilid, ay naka tayo si Chase na malapad ang ngiting nakatingin kay AK.
"He's enjoying, Gertrude," saad niya at binitiwan ang pulsohan ko.
Hindi na ako sumagot pa, at pinuntahan si AK. "AK!" Tawag ko sa pangalan niya kaya napatigil siya at pumunta sa gilid ng bouncy house para makausap ako.
"It's so enjoyable, ate!" Abot langit ang mga ngiti niyang sabi.
Napahinga nalang ako kasabay ng pagkawala ng kaba sa puso ko, masaya naman siya at masaya ako dahil do'n. Lalo na't ngayon lang ulit siya nakalabas para makipaglaro sa ibang bata. "Just be careful okay? I'll be here watching you." Ngumiti ako hinaplos ang mapula niyang pisngi. "Go on."
Nginitian niya ako pabalik at bumalik sa gitna para makipaglaro sa mga kapwa bata niya. Pinagmasadan ko siya, at natawa ako nang biglang may humalik sa pisngi niyang cute ba babae.
"Gertrude?" Tawag ni Chase sa akin mula sa upuan. "Upo ka muna dito."
Lumingon ako naglakad papalapit sakaniya para makaupo sa tabi niya. "Ba't nandito ka?"
"Kase tinawag ako ni boss. Bantayan ko daw yung kapatid mo, may tinawagan lang siya," sagot niya sa akin at nagdekuwatro pa ng nakangiti.
"Ahhh." Tango-tango ko nalang at inayos ang upo dahil hindi ako kumportable sa suot kong dress.
"Gertrude? I have a question." Nagtataka ang kaniyang mukhang tumingin deretso sa akin.
Napakunot noo naman ako. "Ano 'yon?"
"Why is that, your brothers eye are the same with boss?"
Nawala ang mga ngiti ko sa labi dahil sa biglaang tanong niya. I gasped and lowered my head. "B-baka coincidence lang," alanganing sagot ko.
BINABASA MO ANG
The Bachelor
RomanceSa hindi inaasahan, muling nagtagpo ang landas ng dalawang taong may isang gabing nakaraan na nagbunga ng isang biyaya. Nagtagpo sa opisina, kung saan, siya ang boss at siya ang sekretarya, magkasamang numuhay sa iisang bubong sa ibang bansa. Mahuhu...