Chapter 28

1.4K 23 0
                                        

Gertrude's POV

Tumalima kaagad ako nilapitan si boss sa gilid ng pool. Hinawi ko ang ibang bote ng beer na wala nang laman at inilapag doon ang beer at pagkain na hawak ko.

Tahimik lang si boss na nakatitig sa tubig habang may hawak na beer. Ang dalawang paa niya ay nakababad sa tubig. Tanging boxers lang ang suot niya at walang iba kaya kitang-kita ko ang kabuuan ng katawan niya. 'Kailan pa ba siya umuwi? Ba't hindi ko napansin?'

"B-boss?" Umupo ako isang metro mula sa kaniya at inilubog ang aking paa sa tubig.

"Let's drink," paanyaya niya sa akin at kinuha ang isang beer malapit sa kaniya para ilagay ito sa kamay ko. Ngumiti pa siya sa akin bago siya uminom.

'Balak ata niyang magpakalasing.' Tinanggap ko na lang yung bote at binuksan 'yon. Marami-rami na rin atang nainom si boss dahil sa mga nagkalat na boteng wala nang laman. Pero sa dami ng ubos na bote ng beer, hindi pa siya lasing.

Inayos ko na lang ang pagkakaupo ko at sumimsin ng beer. Sa oras na nalasahan ko ang unang patak, halos mapasuka ako dahil sa kakaibang pait at amoy ng alak, pero pinilit ko itong lunukin kahit gustong-gusto kong iluwa. Ang pangit ng reaction ko na halos malukot ang buo kong mukha. Madali kong pinunasan yung bibig ko at hinablot ang supot ng potato chips. Binuksan ko kaagad 'yon at dumukot ng hindi ko alam kung gaano karami, basta dineretso ko lahat sa bunganga para lang kahit papaano, mawala yung mapait na lasa.

"You don't drink right?" Mediyo may ngising saad ni boss at hinila papalapit sa kaniya ang supot.

Tumango naman ako agad, "hmm… I don't, usually." Iniwas ko ang tingin ko sa kaniya at tumingin sa paa kong nakalubog sa tubig. "When did you get home, by the way?"

Tinungga niya ulit ang bote ng beer ng deretso hanggang maubos 'yon. "This eight, you were so busy that time and I didn't want to bother your dancing and singing session," nang-aasar na saad niya. Sinulyapan niya pa ako na parang may alam siya sa akin na nakatatawa.

Kumunot naman ang aking noo at uminom mula sa bote. Napaisip ako, session? Dudukot na sana ako ng chips no'ng marealize ko ang sinabi niya. Nanlalaki ang mga mata kong tumingin sa kaniya. "Y-y-you s-saw m-me?" Nauutal kong saad dahil sa hiya sabay turo sa second floor ng bahay.

Tinoss muna niya ang kalahati sa lama ng bote na hawak niya bago niya ako tinapunan ng mapanudyong tinging. "I did. I was at the second floor when you were singing that song as you swayed your whole bod~"

"Stop." Itinaas ko ang palad ko sa harap niya para patigil siya. Ang isa ko namang kamay ay nakatakip sa mukha kong nag-iinit na ng sobra dahil sa matinding kahihiyan. "Stop," pigil ko pa at iniling-iling ang aking ulo.

Kanina kasi, no'ng inaantok na ako habang nagma-map sa sala, kumanta ako ng kanta ng isang american singer na 'I'm alive.' Ginawa kong mic yung hawakan ng map at feel na feel kong kumakanta kahit hindi naman maganda ang boses ko. Para akong manang na sumayaw-sayaw sabay hagod ng map, at sigurado akong kapag may nakakita no'n sasabihan ako ng baliw.

"It was fun watching you though. I didn't know you can sing that high, and dance, that hard," mapang-asar na saad niya mas lalong nakapagpahiya sa akin.

Alam kong mas mapula pa sa kamatis ang mga pisngi ko sa ngayon. Parang gusto kong tumakbo papalayo sa kaniya. Hindi ko naman kasi alam na may nanonood sa akin kaya todo birit at sayaw lang ako na parang nasa concert. Nakakahiya 'yon, nagmukha akong baliw.

Ibinaba ko ang palad ko at hinawakan ng mabuti ang beer at dineretso 'yon sa bunganga ko. Yun lang ang alam kong paraan para mawala ang hiya ko kay boss ngayon. Itinuloy-tuloy ko ang mabilis na paglunok ng alak kahit sukang-suka na ako. Sige lang ako, gusto ko lang maubos ang laman ng beer para magkaroon ako ng lakas ng loob na makipagsabayan kay boss.

The BachelorTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon