Gertrude's POV
Maaga palang nasa labas na ako ng opisina, hinihintay ang pagdating ni Chase para sa training ko. Naalala ko ang iyak ng anak ko kanina no'ng papaalis ako ng bahay, parang tinarak ang aking puso dahil sa iyak ng anak ko, wala na akong oras sa kaniya at alam kong miss na rin niya ako.
Masakit sakin na gan'to ang nangyayari, halos ayaw niya akong bitiwan dahil gusto niyang makasama ako. Nakakalungkot isipin na mas inuuna ko pa ang trabaho kaysa sa anak ko, pero Sabado bukas, sisiguraduhin kong babawi ako.
"Gertrude, halika na," may biglang nagsalita sa tabi ko, at pagkakita ko kung sino 'yon, si Chase pala. Nakasuot siya ng blue suit at naka-ayos ang buhok na lalong nagpaguwapo sa kaniya.
"Alam kong guwapo ako, halika na," tawa niya na ikina-ngiti ko. Hinila niya ang kamay ko papunta sa black na kotse'ng nakaparada malapit sa kalsada.
Pinasakay niya ako sa passenger seat samanatalang siya naman ay umikot sa driver seat at dali-daling ini-on yung kotse. "Heto na ang magiging kotse mo mula ngayon. Kaya mo bang magdrive?" Aniya habang binabagtas namin ang daan papunta sa kung saan.
"Oo, alam ko kahit papano," sagot ko, when I was still working at toyota motors, tinuruan nila kami kung pa'no magdrive.
"Good, cause. Not only you're a secretary, minsan magiging driver ka niya. Pero sa'yo itong kotse habang nagtratrabaho ka, bagong bili lang ito, dahil 'yong akin, niregalo na ni boss," lintaya niya.
"Iuuwi ko ba 'to?" Kase malay ko na kung iuuwi ko o hindi, baka pang official business lang 'toh.
"Oo, iuuwi mo at gagamitin mo 'to kung san mo gusto pero, dapat mas priority mo parin ang trabaho kay boss. May diesel allowance ka rin, 'wag ka mag-alala," ngiti niya at tumingin sa akin.
Napatango nalang ako, napakagalante ang kumpaniya nila. "Saan nga ba tayo pupunta?" Kunot noong tanong ko dahil kanina pa siya liko nang liko sa kung saan.
"Sa Psychos own town," simpleng usal niya.
Magkadikit ang mga kilay akong tumingin sa kaniya. "Pyschos own town?"
"That is a private town owned by our boss and his colleagues. You'll see when we'll get there," untag niya kasabay ng pagpasok namin sa isang mataas na gate.
"Ito na ba 'yon?" Tanong ko dahil pagkapasok namin sa gate, para itong mini city na may mini-stores, mini-malls, mini-park, at iba pa. Halos lahat ng nasaloob parang American style, gusali man o daan, modernized ang lahat lahat. Napakaganda, halatang mamayaman ang nakatira at ang may-ari.
"Yes, it is," tango-tango niya.
"Ang ganda naman ng town nila," manghang-mangha na usal ko at patuloy na pinagmamasadan ang aming dinaraanan. Habang papalayo kami, halos magagara at malalaking bahay na magkakapareha na ang makikita, either American or Mexican style.
"Ganyan din reaction ko no'ng una akong makapasok sa town na 'to." Tumugil siya sa harap ng isang malaking two stories na American house na kulay blue, at lumabas.
Lumabas ako at umikot papunta sakaniya habang tinatanaw ang magarang bahay na nasa hara ko. 'Sana balang araw, makaya ko ring magpatayo ng ganitong bahay, o 'di kaya maranasang tumira kasama ang pamilya ko.' Pag-iisip ko.
"Ito ang bahay ni boss, yung iba na nakita mo kanina, bahay ng kaibigan niya. Halos lahat sila mayaman dito, kaya gumawa sila ng sarili nilang town," paliwananah niya sabay bulsa ng kamay sa suit niya.
"Eh paano tayo makakapasok, naka-lock naman ata ang gate?" Saad ko.
"Akin na 'yong card mo," hingi niya sabay lahad ng kaniyang kamay.
BINABASA MO ANG
The Bachelor
RomanceSa hindi inaasahan, muling nagtagpo ang landas ng dalawang taong may isang gabing nakaraan na nagbunga ng isang biyaya. Nagtagpo sa opisina, kung saan, siya ang boss at siya ang sekretarya, magkasamang numuhay sa iisang bubong sa ibang bansa. Mahuhu...