Chapter 4

1.5K 28 6
                                    

Gertrude's POV

"Mommy! Mommy! Wake up! Someone is calling you!" Dagdag sa akin ng anak ko habang tulog na tulog ako.

Napuyat ako sa kakaisip kahapon, 'di mawala sa isip ko yung possibe things na puwedeng mangyari ngayong muli kong nameet ang ama ni AK. "Bakit baby?" Balikwad ko sabay alis ng aking muta sa mata.

"Someone is calling you." Ngumiti siya sa akin at sumampa sa kama habang hawak 'yong cellphone kong kanina pa nagriring.

"Akin na baby." Inayos ko 'yong buhok ko at kinuha yung cellphone. Unknown number naman, pero pa'no nila nalaman yung number ko. Hayst, sinagot ko nalang.

"Hello? Is this miss Althea Gertrude?" Tanong ng pamilyar na boses sa kabila ng telepono.

Si... sino nga ba? 'Yong boss ko pala! "Ye-yes sir," sagot ko, ninerbyos ako. Ba't naman sana sila tatawag ng ganitong oras, ang aga-aga palang, may nagawa ba akong kasalanan, dahil ba hindi ko nadala 'yong kape niya? O dahil sa CEO?

"We need you in the office before eight o'clock," malamig na untag niya.

Sinulyapan ko yung orasan, jusko, seven fifteen na, paano pa ako aabot nito. Sana naman kanina pa sila tumawag, pagod ako kahapon, tapos ngayon ang aga nanaman nila, aniya naman. "Ahh... ahm..."

Pinutol niya 'yong sasabihin ko. "Come, if you don't want to lose your life."

Kinilabutan ako sa sinabi niya. Lose your life? Sobra naman ata sila, wala naman ata akong ginawa sakanila ah. "Ahmm... yes sir. Right away," utal kong sagot habang kumakabog ng malakas 'yong puso ko, ninerbyos ako sa bagay na'to.

"We'll be waiting at ninety-nine floor." Sambit niya tapos patay sa tawag kahit di pa ako nakakasagot.

"Mommy, why? Why do you look so worried?" Tanong ni AK sa tabi ko na kita ang pag-aalala sa kaniyang mukha.

"Ahmm... Baby, mommy needs to get prepared because my boss called me. Stay with ate Heze okay? Please?" Pagpapaliwanag ko sa kaniya sabay paupo sa lap ko at hagod sa kaniyang buhok.

"You will go again mommy?" Simangot niya sa akin.

"Yes, baby. Please understand me okay. Don't worry, I will get you some cake later," ngiti ko sakaniya.

"Okay, mommy." Bakas ang lungkot sa boses niya nang umalis siya sa akin at lumabas ng kuwarto.

'Hay, pasensya na anak ko, kailangan kong magsakripisyo para sa ating dalawa.'

Pagtingin ko sa wall clock, forty-five minutes nalang, paano pa ako aabot nito. Hinablot ko na 'yong tuwalya ko at tumakbo papasok sa banyo and took the fastest bath I had in my life. Pagkatapos, nagpalit na ako sa formal wear ko, pero naalala ko, sira pala 'yong sandal ko at wala pa akong pambili, jusko.

Sinuklay ko na 'yong buhok ko at naglagay ng lipgloss sa bibig ko, wala na akong paki-alam kung lagatak pa ang tubig mula sa mahaba kong buhok, basta't lumabas nalang ako. "Bams, pahiram ng sandal mo," nagmamadali kong sabi.

"Yung four inches lang ang nandiyan, Bams. Sira na 'yong iba," sagot ni Bams habang binabaliktad 'yong niluluto niyang itlog.

Ang malas ko talaga, hindi ko kaya ang mataas na takong, matutumba ako. "Bams, wala na bang iba?"

"Pasensya na, Bams, 'yan lang meron ako eh," sorry niya

"Okay lang, Bams. Susuotin ko nalang, bahala na." Kinuha ko nalang 'yong black four inch na sandal at sinuot.

"Bams, kain ka muna," offer ni Bams at sinerve ang pagkain sa mesa.

"Bams, paki sabi kay AK umalis na ako. Hindi na ako kakain, late na ako," dali kong pagpapaalam at kinuha 'yong sling bag ko na naglalaman ng mg gamit ko. Hindi pa nakasagot si Bams ay tumakbo na ako papalabas, mediyo nahirapan ako at muntik na akong matapilok dahil 'di ko talaga carry yung sandals.

The BachelorTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon