Chapter 21

1.2K 16 0
                                    

Gertrude's POV

"Terriong?!" Gulat na sigaw ko.

"Aleng?" Humakbang siya sa gilid ng mesa para makita ko siya ng maayos. At no'ng makita na niya ako, bigla niyang hinablot ang kamay ko at hinila ako sa isang napakahigpit na yakap. Dahil maliit ako, at malaki siya, para niya akong dalagang anak kung titignan. "Namiss kita Aleng."

"Namiss din kita Terry," bulong ko sa kaniya at niyakap siya ng mahigpit. Miss na miss ko na ang itlog na 'to, dalawang taon na mula no'ng huli kaming nagkita sa Pinas, siya kase ang savior ko noon. Napakabuti niya sa akin, lalo kay AK. Para siyang papa ni AK nong baby pa siya masiyado, inalalayan niya kase ako bukod kay August. Sa hospital at sa bahay, alam ni bams 'yon, saksi siya kung gaano kami ka-close, pero hanggang doon lang 'yon.

"You know each other?" Takang tanong ni Sir Caleb at nagkakatakang tumingin sa amin. Nasa gitna pala kami at magkayakap kaya kitang-kita nila kami.

Binitiwan ako ni Terry o Terriong, 'yon kase ang nickname ko sa kaniya imbis na Terrius. Mas maganda eh, tsaka wala naman akong naririnig sa kaniya dahil tinatawag din naman niya akong Aleng. "Yep, I know her very well. She's my friend way back three years ago," masayang sagot ni Terriong at inilagay pa ang kamay niya sa ulo ko na parang isa akong maliit na bata.

"Is it true Gertrude?" Kunot noong tanong tanong lalaki ring pumunta sa bahay ni boss, 'di ko lang kase alam ang pangalan. Basta siya 'yong naka-blue suit noon. "We doubt our friend can have someone as a friend, not a girlfriend?" Mediyo ngumisi naman sila lahat kaya napayuko ako at napangiti.

"Yes, he's been my best friend and it's been three years," tumango tango ako at ngumiti pa kay Terriong na ngayo'y nagmamalaki sa mga kaibigan niya.

"Why can't I believe it? Terrius has always been the man who goes around entering holes he can see," tawa ni Sir Caleb kaya nakitawa rin ang iba kasabay ng pag-cheers nila sa mga hawak nilang bote ng alak.

"She sai~" tatawa na sana si Terriong pero may narinig kaming nabasag kaya napatigil kaming lahat at napatingin sa kung saan galing ang ingay.

Nanlaki ang mga mata naming lahat, lalo na ako dahil nakita ko si boss na nakaupo sa gilid at kaniyang mga siko ay nakapatong sa tuhod niya. Habang hawak niya sa kamay niyang dumudugo ang piraso ng mga bitak na baso na sa tingin ko siya ang may gawa. Bigla akong natakot lalo't ngayon ko lang siya nakita ng ganito, sobrang nanalisik ang mga mata niya at ang higpit ng pagclench niya sa kaniyang mga kamay kaya mas lalong tumutulo ang dugo sa sahig.

Para naman akong binuhusan ng malamig na tubig no'ng binaling niya ang tingin sa amin ni Terrius. Napalunok ako at napahigpit ang hawak sa mga kamay ko dahil sa takot, kung nakakamatay lang ang tingin baka kanina pa kami humandusay ni Terriong dito.

"Are. You. Two. Done?" Nakakagimbal na sabi niya at binuka ang mga palad niya kaya nahulog sa sahig ang mga piraso ng bitak na baso.

"Woaw! Easy bro, we're here to celebrate," ani ng lalaking katabi ni Sir Caleb at inilagay ang baso niya sa center table.

"B-b-boss?" Nauutal na saad ko at inalis ang braso ni Terriong sa braso ko, para dahan-dahang makalapit sa kaniha. Nanginginig ang mga kamay at tuhod akong naglakad papalapit kay boss, kahit pa masama niya akong tinititigan. Ang lakas ng tibok ng puso ko, at 'di ko magawang tignan siya, mas naka-focus ako sa dugong tumutulo mula sa mga sugat sa kamay niya.

"Gertrude, no." Hinawakan ni Terrius ang braso ko at pinigilan ako papalapit kay boss. Lahat sila tumayo at nag-aalalang umiling sa akin na parang sinasabi nilang delikado si boss. Pero boss ko siya, kahit ano pa, kung sasaktan man niya ako, wala akong magagawa. Basta ang alam ko lang kailangan ko siyang gamutin, 'yon ang sigaw ng puso ko at 'yon ang susundin ko.

The BachelorTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon