Chapter 35

2.5K 35 18
                                    

Tanghali na nang makarating kami sa NAIA airport. Mainit na simoy ng hangin ang sumalubong sa akin pagtapak po palabas ng eroplano. Nagpapaalala lang sakin ng katotohanan na nandito na ako, sa kung saan ako nararapat.

Iyak ako ng iyak sa eroplano na halos umabot ako sa point na kinailangan ko ng oxygen, mabuti nalang at masyadong hightech ang eroplanong pag-aari ni Terrius.

Nahihirapan magsink in ng katotohanan sa sistema ko. Alam kong umasa ako dahil sa gabing 'yon, at kahit nakita niya ang pagkakaparehas ng tattoo namin maaring wala lang yon.

Naisip ko rin na napakatanga ko, dahil umasa ako. Kahit na alam kong wala ring pupuntahan 'yon.

Masakit, parang inaalis ang buhay ko sa akin ng sapilitan. Hindi ko kaya, pero para sa anak ko, life must go on.

Lulan kami ng SUV at kasalukuyang pauwi sa bahay namin. Para makita ko na ang anak ko. Siya lang ang makamapagpabuti ng sakit sa dibdib ko. Ang anak ko. AK ko.

"Gertrude, are you okay? Stop crying. Ayaw mo naman sigurong makita ka ng anak mo sa ganyang sitwasyon diba?" Mahinang saad ni Terry at hinawakan ang kamay ko. Sa bawat bitaw ni Terry ng salita, nararamdaman ko, na magiging okay ang lahat.

Malungkot akong ngumiti. "Terry." Hindi ko napigilang humikbi. "Salamat kasw nandiyan ka para alalayan ako. Hindi ko alam kung anong gagawin ko kung wala ka kanina."

"It's nothing. Alam mo namang nandito ako palagi." Niyakap niya ako ng marahan bago tumawa. "Nandito naman kase ako, bakit 'di nalang ako?"

I frowned. "Kilabutan ko nga Terry. Kapatid mo ako, diba? Sabi mo yon. Little sister ako sayo. Yan sabi mo sakin nong unang nagkita tayo. Kaya kilabutan ka," natatawang pinalo ko siya. Kahit papaano napapatawa niya ako.

"Okay, okay. I'm joking. Kung bakit naman kase minahal mahal mo yung kaibigan kong alam mo namang busangot lagi." Tumaas ang isang kilay niya at nagliwanag ang kaniyang mukha.

"Ay oo pala, hindi mo lang pala mahal yun. May anak din pala kayo. So tell me, Gertrude, how was the night with him, is he goo-"

Naiinis akong kinurot siya. "Terry! Ang halay mo!"

"What? It was an innocent question?" Pagpapalusot niya.

Umirap ako sakaniya at naghalukipkip. "Bahala ka jan!"

Namayani ang isang napalutong na asaran sa pagitan naming dalawa. Aso at pusa kung titignan hanggang 'di ko namalayan, naibsan ang bigat sa dibdib ko. At nakarating na kami.

Kaagad akong bumaba ng sasakyan at kumatok sa bahay. Kinakabahan ako, ng walang dahilan. Siguro dahil matagal ko silang nakita, o dahil baka yung isipin na wala manlang akong naiwu ni isa para sakanila.

"Hey, you're trembling. Chill, mahal ka parin ng anak mo."

"Pshhh! Tantanan mo ako, Terry. Kanina ka pa."

Kumatok ako at  bumukas ang pintuan. Doon nakatayo si August na gulat na gulat ang mukhang nakatingin sa akin.

"Bams!" Kaagad niya akong dinamba ng isang mahigpit na mahigpit na yakap.

"Ate nandito na pala!" Papalapit na sigaw ni Heze at kaagad din akong niyakap.

"Namiss ko kayo," naiiyak na saad ko at niyakap silang dalawa. Nakabalik na ako, sa pamilyang kinabibilangan ko.

"Mama!!!!!!!" Sigaw ng isang matinis na boses. At alam ko na kaagad kung sino 'yon.

Kaagad akong kumalas sa yakap at lumuhod. "Baby!" Ipinalibot ko ang aking braso sa anak ko. God, sa kabila ng lahat ng sakit. Magiging maayos ako basta nandito sa tabi ko ang anak ko. "Miss na miss kita, baby."
"I missed you too mommy!" Hinaliklilan niya ang pisngi ko at napangiti alo dahil don. Ang anak ko lang kailangan ko ngayon, siya lang sapat na.

The BachelorTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon