Chapter 23

1.2K 19 2
                                    

Gertrude's POV

Two months, two months na ang nakakaraan mula no'ng narito kami sa New York ni boss. Marami na ang nangyari, maramai nang nagbago. Hindi ko na nawari, mabilis ang pagpatak ng oras, kagaya ng pagkahulog ko sa kaniya, at pagsira sa pangakong binitawan ko kay bams.

Hindi ko napigilian, mali, hindi ko pinigilan kahit alam kong mali, nagpadala ako sa emosyon ko. Ngunit nanatiling hindi malinaw ang lahat, nalilito rin ako kung gusto ko nga ba siya o hindi. Maraming pagkakataon na nasasabi kong oo, may mga pagkakaton rin na hindi. Pero parang mas umaangat ang oo, kaysa sa hindi.

Kahit alam kong panganib ang kapalit para sa akin, hindi ko 'yon naisip sa mga oras na masaya ako sa piling ni boss. Sa mga panahong na-attached at masiyado na akong naging concern sa kaniya. Yung nga panganahong, parang may namamagitan sa aming dalawa.

Oo, si boss, nagiging maalaga siya, concern sa akin. Hindi lang secretary ang turing niya sa akin nitong mga nakaraang linggo. Para na kaming mag-asawa, kagaya ng sabi ng mga tao sa opisina, kaibigan ni boss, at mga ibang tao na nakakakita sa amin. Hindi sa nagiging assumera ako, pero parang 'yon ang nababasa ko. 'Yon ang dahilan kung bakit mas lalo akong nalilito. Minsan, may closure kami, minsan naman cold siya. Kagaya ng nangyari noon, na sobrang alala ko s kaniya, no'ng first month.

Flashback…

Kasalukuyan akong naka-upo sa salas ng bahay at aligagang hinihintay si boss. Kanina pa siya wala, pinauna niya akong umuwi kanina pa, pero hanggang ngayon wala pa siya. Hindi manlang niya sinabi sa akin kung saab siya pupunta, o anong oras siya uuwi. Alas dose na ng gabi, pero hindi pa siya umuuwi.

Nag-aalala na ako, sobrang-sobra to the point na hindi na ako makatulog at lakad lang ako ng lakad dito sa living room. Isang daang beses ko na siyang tinawagan pero tanging ring lang ang nakukuha ko, hindi niya sinasagot. Ilang mga text na rin ang mga nasend ko, pero wala pa rin kahit isang reply lang para naman alam ko kung buhay pa ba siya o hindi na. Lowbat at ubos na ang load ko kakatawag, pero 'di ko pa rin alam kung nasaan si boss. Wala pa rin ako ideya.

Nag-aalala ako, baka may nangyari na sa kaniya, kase ngayon lang 'to nangyari na sobrang late niyang umuwi. Madalas namang sabay kaming umuwi mg maaga, kung late man, at magkasama pa rin kami. Sinasama niya ako kahit saan siya pupunta ngayon lang talagang araw na ito hindi.

Ang pagkain na hinanda ko, mapapanis na ata, kanina pang nakahanda sa table at hinihintay si boss. Kahit ako man, hindi ko maramdaman ang gutom, dahil ang laman ng puso at isip ko ay si boss. Nasanay na rin kase ako na kaharap ko siyang kakain.

Tatlong oras na, tatlong oras na akong nandito at nag-aalala pero, kasama ng paghihintay ko, ang isang napakalaking tanong ko sa sarili ko. 'Bakit nga na ako nag-alala, eh boss ko lang naman siya. Bakit parang isa akong babaeng asawa, na naghihintay sa pagbalik ng kaniyang minamahal na asawa?' Hindi ko alam, basta 'yon ang sabi ng puso ko.

Tinignan ko ang cellphone ko kung may reply siya, pero wala, tahimik lang ang cellphone ko. Aligaga akong tumayo mula sa sofa at tumingin sa labas kung paparating na ba si boss pero wala pa. 'Asan ka na ba boss?!' Sigaw ko sa isip ko. 'Sana naman iniisp mo na may taong nag-aalala sayo.'

Nawalan na ako ng choice, kun'di umupo sa sofa at sumandal para makapagpahinga. 'Sana makauwi ka na, nagaalala na ako.' Napapikit na lang ako dahil 'di ko na alam ang gagawin ko. Halo-halo na ang mga bagay na iniisip ko. Kung nasaan si boss, at kung bakit ganito ako mag-alala sa kaniya. Masiyadong nakakalito, kaya nakatulog ako.

~

Naalimpungatan ako dahil nakaramdam ako ng haplos sa pisngi ko pababa sa leeg ko. Dahan-dahan akong napamulat para tignan kung ano 'yon, o kung sino man 'yon.

The BachelorTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon