Gertrude's POV
Nagising ako dahil naramdaman kong sakit sa puson ko. Parang paulit-ulit akong sinisikmurahan dahil sa sakit sa kaloob-looban ko, pati katawan ko naninigas. Napapahawak na lang ako sa kahit saan at nagpipil sa sakit. "Ahmppp…"
"Hey, hey, hey. Stay." Isang malumanay ngunit pamilyar na boses ang narinig ko kaya napamulat ako para tignan kung sino 'yon. Si boss! Nasa tabi siya ng kama na kinahihigaaan ko. Pagtingin ko, nasa loob ako ng kuwarto ko sa bahay ni boss at malaya akong nakahiga sa puti at malambot na kama. Jusko!
"You need to rest," wika niya at hinila ang kumot para kumotan ako kaya mas pinili kong talikuran siya dahil sa sakit na nararamdaman ko. Napapasigaw ako sa kalooblooban ko dahil sa sakit, ayokong makita ako ni boss nang ganito. Nawawala ang tamang pag-iisip ko dahil sa sakit.
Pero hindi ko na naisip na mahiya kay boss, dahil parang sinaksak nanaman ang puson ko. Namimilipit ako sa sakit kaya napahawak ako sa unan ko at ang isang kamay ko ay sa puson ko. Hindi ko kaya ang sakit, napapikit ako at napalabi.
Inaatake na naman ako ng dysminhorrea, nangyayari sa akin 'to minsan sa isang taon, 'di ko inasahan na ngayon pa. Na kasama ko si boss, at wala si bams para alagaan ako. Sa tuwing inaatake ako, parang mawawala ako sa katinuan dahil sa sakit.
"Hmppp..." impit kong sigaw kasabay ng paninigas ng aking katawan.
"Hey. W-what do you n-need?" Bakas ang pag-aalala sa boses ni boss dahil naaninag ko siyang tumayo umikot sa kama para makita ako. Mas lalo akong nahiya, pero wala akong nagawa at napapahawak na lang nang mahigpit sa unan.
Hanggang sa, parang nabugbog ako sa sakit at 'di ko na nakayanan. Napapikit ako sa sakit, namumuo na ang luha sa aking mga mata kahit anong pigil ko. "Ahhhhhh!!" Sigaw ko sa sakit at napaiyak na. Masiyado nang masakit, hindi ko n kakayanin 'to. Si bams, kailangan ko siya.
"Gertrude, tell me what you need?" Sumampa si boss sa kama at naramdaman ko ang kamay niyang pumatong sa balikat 'ko. "Hey, Gertrude?"
Hindi ako makasagot, nawawalan ako ng boses at namimilipit na ako sa sobrang sakit. Parang gusto ko nang mamatay para matapos na 'to. "Si A-a-august," nahihirapang sambit ko. Ibinaon ko na lang ang mukha ko sa unan, at iniwasan nang magppakita kay boss.
Hanggang sa narinig kong may kausap si boss sa telepono, kasabay nang impit kong pag-iyak sa unan. Masakit, sobrang sakit, parang nacecesarian ang puson ko. 'Di ko na namalayan, dahil sa pamamanhid ko, naisara ko na lang ang aking mga mata at nakatulog na lang.
'Mawala ka nang sakit ka!'
~~
Nagising ako dahil naramdaman kong may mga mata ang pinagmamasdan ako habang natutulog. Mediyo gumaan ang pakiramdam ko at mediyo nawala ang sakit sa puson ko, hindi na parang kanina na mawawala ako sa katinuan.
Bumalikwas ako pakanan at doon, nakita ko si boss na naka-upo sa gilid at tinititigan ako. Habang ang mga kamay niya ay nakapatong sa kaniyang nagkrus na hita, napakatahimik at walang emosyon din ang kaniyang mukha. Hindi niya suot ang suit niya, tanging ang asul na polo lang niya na nakalislis hanggang sa mga maskuladong braso niya ang suot niya pang-itaas. Kita rin na mediyo pawisan siya at magulo ang kaniyang buhok.
"How are you feeling?" Sambit niya.
Napalunok ako at napa-iwas ng tingin. Alam kong alam niya ang nangyayari sa akin kanina, na namimilipit ako sa sakit dahil sa period ko. At sana lang, hindi niya naamoy, dahil kung naamoy niya 'yon, gugustuhin ko na lang umuwi ng Pinas para takbuhan siya dahil sa hiya.
"I-I'm okay," alanganing niti ko at pinakiramdaman ang aking sarili. Naramdaman kong naka-shorts ako, at naka-tshirt nang maluwag. Wala na rin yung sandal ko, pati ang tali ng buhok ko naalis na rin. 'Teka, s-s-sino ang nagpaplit sa akin. Kung walang ibang tao rito sa bahay kun'di k-kami lang.'
BINABASA MO ANG
The Bachelor
RomanceSa hindi inaasahan, muling nagtagpo ang landas ng dalawang taong may isang gabing nakaraan na nagbunga ng isang biyaya. Nagtagpo sa opisina, kung saan, siya ang boss at siya ang sekretarya, magkasamang numuhay sa iisang bubong sa ibang bansa. Mahuhu...