Chapter 25

1.2K 22 4
                                    

Gertrude's POV

Present day.

That all happened. Lahat 'yon nangyari noon. Mga pangyayari na dahilan ng pagkahulog ko kay boss. Marami pang iba, hindi lang 'yon. Pero ang talagang rason, nahulog ako kay boss dahil nakita ko kung gaano siya kabuti, at kabait sa mga taong nakapaligid sa kaniya.

Maliban sa mga oras na may mga dumarating na DNA results. Dahil bawat result na dumarating, ikinagagalit niya, nagpapasalamat na lang ako dahil kahit kailan, hindi niya ako pinagbuntungan ng galit niya.

Minsan, lumalabas kami na parang dalaga at binatang nagdadate sa mga magagandang lugar dito sa New York. Narating ko na rin ang mismong Statue of Liberty dahil sa kaniya. Para kaming couple noon, dahil nagpa-arrange siya ng dinner doon mismo. Ang romantic ng pangyayaring 'yon, at ang saya saya ko sa bawat segundong dumaraan.

Tinanong ko kung para saan pero sabi niya, 'I want to date my woman, and so I did.' Proud niyang sinabi 'yan noon habang magkatabi kami sa bench. Masaya ako ng sobra dahil do'n, kahit 'di ko alam kung bakit ginagawa 'yon ni boss. Basta ang alam ko, meron na siyang puwang sa puso ko. Pati 'Submit, obey, comply' nawala dahil lahat ng gusto niya kusa kong ginagawa. Wala akong pagaalinlangan.

Tatlong beses isang linggo ko tinatawagan si bams para kumustahin sila. At tuwing tatawag ako, 'di ko maiwasang mapaiyak lalo't miss na miss ko na ang anak ko. Alam kong gano'n din siya. No'ng unang sahod ko pinadalhan ko sila para sa mga pangangailangan at sapat naman daw 'yon. Kahit papaano, natutusan ko ang pamilya ko sa pagpunta ko dito.

Nakabili rin ako ng konting mga gamit ko. Hindi na ako nakagastos sa mga damit, dahil yung kuwarto palang tinutulugan ko may mga damit nang nakalagay. Sabi ni boss para sa akin daw lahat 'yon kaya size ko yung mga dress. Sinusuot ko yung iba, pero hindi lahat dahil nahihiya ako, lalo yung nga showy na dress.

As of now gabi na rito kaya, nasa isang cafe ako at nagbabasa ng libro. Second month sahod ko ngayon kaya hinayaan ako ni boss na makapaglibot daw muna, gusto niyang pasahaman ako kay Ssixt pero tumanggi ako dahil gusto ko munang mapag-isa. Kakatapos ko lang din magpadala ng pera sa Pilipinas kaya napagdisiyonan kong tumawag at kamustahin muna sila since may free time naman ako ngayon.

Inilabas ko ang Samsung na bigay sa akin ni Andrea. No'ng isang week kase, pumunta kami sa isang arcade para sana mamasyal lang, pero naglaro kami once at nanalo kami. Isang phone at isang headphone. Sa kaniya headphone at sa akin ang phone dahil natatawa daw siya sa cellphone kong cherry mobile.

Tinawagan ko na si bams at wala pang isang minuto sinagot agad niya ang tawag.

"Hello, bams!" Nakangiting bati ko.

"Hello, bams! Namimiss ka na namin dito," may gigil na sabi niya.

Natawa ako, "ako din naman eh. By the way, nakapagpadala na ako, i-receive mo na lang."

"Sige, sige bams. Usap tayo mamaya, pero itong anak mo muna ang kausapin mo. Kanina pa nag eenglish at kinukulit ako, tawagan daw kita. Ibibigay ko na ha," tawa niya.

Rinig na rinig ko naman ang boses ng makulit kong anak. Nakaka-miss silang lahat, ang mga kulitan at mga tawanan. Pati si Heze namimis ko na, sina mama at papa. Matagal na rin no'ng umuwi kami sa Palawan, hindi ko na sila nakikita.

"Mommy!" Excited na sigaw na AK.

Nakakagaan talaga sa pakiramdam, yung marinig ko lang boses ni AK parang ang saya ko na. "Hello, baby. How is my baby na?"

"I'm okay, mommy. Ate Heze is taking care of me and mama August isa taking me to jollibee to eat. And we play at the palaza every Sunday after mass," mabilis ngunit masayang pagkukuwento niya.

The BachelorTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon