Chapter 10:

1.3K 22 1
                                    

Gertrude's POV

"Boss?" Napatayo ako sa gulat dahil nasa likod ko siya habang mariing naka-titig sa amin.

Kumunot ang noo niya habang nakatingin sa akin, pero mas lalo siyang nagtaka nang makita niya si AK.

Napalunok ako, nag-simula na ang pagwawala ng aking puso dahil sa aking napagtanto. He's unknown son was sitting in front of him for heavens sake! Napatingin ako kaagad kay AK.

Tinakpan ni bams yung bibig ni AK dahilan para 'di siya makapag-salita. Malaki ang mga mata ni bams na tumingin sa akin, samantala, si Heze naka-tanga lang dahil 'di niya alam ang gagawin.

"Mind if I join you?" Simpleng tanong ni boss at naka-ngiting tinititigan si AK habang si AK nakipaglaban lang ng tingin sa kaniya.

"Ah Ahmm... ahmmm... Y-yes, yes sir." Nanginginig sa na tango ko dahil iba na ang tingin niya sa amin. Sana hindi niya mapansin! Jusko po!

"Aren't you gonna introduce me to them, Gertrude?" Tumaas ang isang kilay ni boss at ngumuti sa akin.

Lalo akong nanlamig dahil 'di ko alam ang gagawin. Tinatanong niya sa akin kung sino sila. May utak naman ako pero parang hindi umaandar sa ngayon dahil sa nakakanerbiyos at biglaang pagpapakita ng tatay ng anak ko, ang boss ko! "Ahh... s-sh-she is my friend, A-August. And she is my c-cousin, Heze," utal kong pagpapakilala sakanila habang napapangiti nalang ng alanganin.

"And he?" Halos mag-iisang linya na ang kilay niya habang tinititigan ang pag-mumukha ng anak ko.

Alam kong sinusuri na niya si AK dahil sa liit ng kaniyang mga mata na nakatingin sakaniya. "Ah... ahmm... h-he. He's my brother." 'Yon nalang ang naisip kong palusot wala ng iba, sana lang gumana.

"Okay." Tumango siya ng marahan. "I am Haton Kestel Lincoln, her boss. Nice to meet you," ngumiti siya kina bams at umupo sa may bakanteng upuan sa tabi ni Heze.

Gulat ako ng konti sa kabila ng panginginig at nerbiyso ko dahil ngayon ko lang siya nakitang ngumiti ng gano'n. Mediyo natural at hindi peke.

"Nice to meet you too." nahihiyang ngumiti sina bams at Heze sakaniya dahil na rin sa nakakatakot niyang aura.

"Why are you covering his mouth?"

"Ahh... H-h-he was a-about to vomit. Yes, he was about to vomit," pagkukunwari at ngumingiti-ngiti sakaniya.

"Okay?" Nangunot ang noo siyang tinignan si AK na ngayon at mediyo nagpupumiglas na. Biglang natahimik ang table namin, nagtama ang aming mga paningin at tila hindi namin naririnig ang ingay ng ibang tao sa paligid.

Hanggang sa nagpumiglas ulit si AK sa kamay ni bams. "A-ahmm... bams. Dalhin ko muna siya sa CR." Tumingin ako kay bams ng may ibig sabihin, laking pasasalamat ki nalang dahil nagets niya ako agad.

"Ahhh.. sige bams." Tumango siya at inilapit si AK sakin. Saktong tinanggal niya yung takip sa bunganga ni AK, nakabigkas siya ng hindi tapos na salita.

"Mom~"

Bago pa man niya 'yon matapos, hinila ko siya kaagad palapit sa akin at dali-daling tinakpan ang bunganga niya. Malakas parin ang kabog ng puso ko, at 'di ko magawang makangiti o makipagtitigan sa nagtatanong na mata ng boss kong ibang-iba ngayon.

"Bams, Heze, kayo muna bahala sa kaniya. Let's go baby." Tinignan ko sina bams sabay hila kay AK palayo na ngayo'y wala kaalam-alam sa nangyayari. Kahit kailan kasi, 'di ko naisipan na ipakilala siya sa ama niya lalo't ngayon ko lang siya nakita. Isa rin ang katayuan namin sa buhay, hindi kami pantay.

The BachelorTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon