Chapter 22

1.2K 17 0
                                    

Gertrude's POV

Lasing na lasing si boss na nakahiga ngayon sa kama niya. Parang mas malala pa no'ng una naming pagkikita. 'Hayst! Ba't ba kase naglasing ka ng ganto?'

Para siyang patay dahil sa pagmumukha niya na halos hindi maipinta. Tulog na tulog siya sa kalasingan, at 'di na nag-abala na magpalit ng kaniyang damit. Kahit pa sapatos niya suot suot pa rin niya, tanging necktie lang niya ang naluwagan. Gulong-gulo ang buhok niya at nangangamoy alak ang damit niya, nahaluan pa ng amoy ng sigarilyo.

Samantalang ako, nakapaa at nakapantulog na. Nakatayo lang ako sa may pinto ng kuwarto niya at tinititigan siyang natutulog. Iniisip ko kung ano ba ang dapat kong gawin, kung iiwan ko na lang ba siya rito, o gagawin ko ulit yong ginawa ko noon. Pero naisip ko, 'wag na lang siguro dahil mukha namang okay na okay lang siya sa ayos niya.

Maglalakad na sana ako pabalik sa kuwarto para makatulog na dahil hating gabi na no'ng marinig ko ang halinghing ni boss. Napalingon ako sa kaniya, at doon ko narealize na nanaginip pala siya.

Nilapitan ko siya sa kama niya, at nakita kong tumulo ang isang butil ng luha mula sa mata niya. Pabaling-baling ang ulo na parang 'di mapakali dahil sa panaginip niya.

"Dad, no. No, dad," sambit niya sa kalagitnaan ng kaniyang panaginip. Ang ekpresyon s mukha niya, nakakgulat. Dahil kitang-kita kong nasasaktan siya, nahihirapan siya, bakas na ito sa mga halinghing niya. Nagsimula siyang gumalaw-galaw ng marahas kaya mediyo nag-alala na ako.

Patuloy ang sambit niya sa salitang, 'no' at 'dad.' Hindi ko alam kung ano ba ang dapat kong gawin, gigisngin ko ba siya o hindi. Kase natatakot ako baka magalit siya sa akin. Ilang minuto pa ang nakalipas at nanatili siyang gano'n. Kasabay ng pagtulo ng kaniyang luha, ang paggalaw niya, ang marahas na pagpilig ng kaniyang ulo, ay siya ring paglandas ng pawis sa noo.

Mediyo kinakabahan ako sa sitwasyon kaya hinablot ko ang towel mula sa side table at pinunasana ang kaniyang pawis. Bawat lipas ng segundo, nagiging marahas siya. Nagsimula nang magmakaawa ang boses niya, pero pagkalipas no'n, napalitan ng galit na mga sigaw ang sinasambit naman niya.

Lalong hindi ko alam ang gagawin, nag-aalala ako sa nangyayari sa kaniya. Isa lang ang paraan ang alam ko, ang gisingin siya. Umupo ako sa gilid ng kama malapit sa kaniya at sinimulan siyang gisingin.

"Boss? Boss gumising ka," wika ko at niyuyogyog ko ang braso niya pero muli siyang nagmamakaawa. Sa tingin ko nagmamakaawa siya na 'wag siyang iwan base sa mga halinghing niya.

"Don't leave me, dad." Tumulo ulit ang luha sa mata niya.

"Boss!" Sigaw ko at tinapik ang dalawang balikat niya.

Bigla namang bumukas ang mata niya at biglang bumangon mula sa pagkakahiga. Ang bilis ng paghinga niya, at pawisan siya. Pero no'ng makita niya ako sa gilid niya, dali-dali niya akong hinila pahiga saka siya umikot para mapatungan ako.

Mas lalo naman ako kinabahan sa posisyon namin. Ang lakas ng tibok ng puso ko, ang lapit lapit naming dalawa, at nakadagan siya sa akin. Ramdam na ramdam ko ang bigat niya, ang paghinga niya, at ang amoy ng alak.

Nakatukod ang dalawang kamay niya sa magkabilang side ng ulo ko, at ang mga kamay ko naman nasa dibdib ko lang. Hindi ako makagalaw dahil ang bigat niya. Titig na titig ang malamlam niyang mata sa akin. Para akong naduduling sa lapit ng mga mukga kani, isang iinches na lang, masasagi na ng mukha niya ang mukha ko.

"Why do you look so beautiful?"

Nanigas ako lalo sa tanong niya kasabay ng paglunok ko ng malalim. Mali 'to, maling mali.

"B-B-Boss," utal na saad ko at iniwas ang aking tingin. Akmang itutulak ko na siya papalayo pero sa halip na maka-alis ako, hinuli niya ang dalawang kamay ko at ipininid sa gilid ng ulo ko ng pagkalakas-lakas. Napalunok ako, wala na akong laban, shit!

"You belong to me, Gertrude. I own you, honey. Even Terrius won't be able to take you away from me," kahit lasing na lasing siya, ramdam ko ang pagiging seryoso at dominating sa boses niya. Lalong lalo sa mata niya.

"M-mine?" Nagtataka kong tanong. 'Bakit naman kay boss ako?' Nalilito ako sa sinasabi niya? Hindi ko siya maintindihan. Kung ano ba ang ibig niyang sabihin.

"Remember that, honey. All of you, belong to me. And will always be me. Get that?" Mediyo naging possessive ang boses niya. Doon ko na nagets na inaangkin niya ako, na sinasabi niyang ako, ay sa kaniya lang. Pero ba't naman niya sasabihin 'yon, eh secretary lang niya ako.

Tumitig lang ako sa kaniya at 'di ko alam kung anong dapat kong gawin, kaya lang, may parte sa puso ko na nagsasabing magbunyi ako dahil sa sinabi ni boss. Hindi ko alam bakit naging masaya ata ang malakas na tumutibok kong puso.

Nanatili lang siya sa akin, at hindi nangahas na gumalaw. Basta ganoon lang posisyon namin. Ramdam ko ang mabigat n paghinga niya, at ang pagtibok ng kaniyang puso.

'Bakit ba kase ginagawa 'to ni boss? Baki sinasabi niyang sa kaniya lang ako, when in fact secretary lang niya ako. Bakit parang sinasabi niyang nagseselos siya, bakit ganoon ang pagkakaintindi ko, bakit ganon ang ipinapagiwatig niya?'

Andami kong tanong sa isip habang ganoon ang posisyon namin. Mga tanong na siya lang ang makapagbibigay ng sagot, tanong na imposibleng malaman ko ang sagot. Naguguluhan ako sa nangyayari. Lalo na sa ginagawa ni boss, maling-mali ito. 'Si bams. Ang bilin ni bams!'

"Boss!" Sigaw ko at akmang babangon na ulit pero mas lalong humigpit ang pagkakahawak niya sa kamay ko kasabay ng paglapat ng labi niya sa akin.

Para akong tinakasan ng kaluluwa dahil sa ginawa niya. 'Hihalikan ako ni boss!' Ang bilis ng tibok ng puso ko, at 'di ko alam kung ano ba dapat ang gawin ko. Basta't nanlaki na lang aking mga mata, at nanigas ako habang gumagalaw ang malmbot na labi boss sa bibig ko. Hindi ako makapag-isip ng deretso, hindi ko ma-absorb ang nangyayari!

Hindi ko namalayan, napapikit ako dinama ang halik ni boss sa akin. Halos ako mismo, nagulat sa sumunod na nangyari, tumugon ako. Tinutugunan ko ang matamis na halik ni boss sa akin. Hindi siya bumitaw, hindi siya umalis kahit nawawalan na ako ng hininga, kahit ako man. Basta naghahalikan na lang kami, hanggang sa talagang 'di na ako makaginga, mediyo nagpumiglas ako kaya pinutol niya ang halik.

Muli niya akong tinitigan, hingal na hingal akong nilabanan ang mga mata niya. "Submit to me, honey," saad niya sa isang napakalalim na boses.

Napalunok naman ako at napapahinga ng malalim. "Bo~"

Hindi ko na natapos ang aking sasabihin dahil bigla niyang ibinaon ang mukha niya sa leeg ko at naramdaman ko doon ang mumunting halik niya kaya napapadaing ako sa 'di malamang dahilan. Nag-iinit ang katawan ko sa mga halik niya. Ilang segundo pa ang lumipas, naramdaman ko ang pagsipsip niya sa balat ko. No'ng una, hindi pa masiyadong masakit at napapahalinghing pa ako, pero habang tumatagal, mas lumala ang pagsipsip niya sa balat ko. Sinabayan niya pa ito ng pagkagat kaya napaigtad ako sa sakit.

"Boss ang sakit," pinipilit kong magpumiglas pero masiyado siyang malakas. Parang wala siyang naririnig at patuloy lang siya sa pagkagat sa leeg ko. Alam kong magmanarka lahat ng 'yon bukas, gusto kong umalis pero 'di ko magawa. "Boss nasakit."

Bigla siyang tumigil at inilapit ang bibig niya sa tenga ko. "You, belong, to, me. Remember that, honey."

#dagdagan ko nalang to pag maayos na lahat. Pasensya na talaga.

#Oy mga Ligthes, vote naman diyan oh. HAHAHA

The BachelorTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon