Chapter 24

1.2K 17 0
                                    

Gertrude's POV

Isa 'yon sa mga nangyari no'ng nakaraan. Hindi lang 'yon, dahil may mga pagkakataon sa opisina na nagagalit ako, inis na inis ako kahit walang sapat na dahilan. Nasasaktan ako, kahit walang kasiguraduhan.

Hindi ko rin alam kung bakit, basta naramdaman ko 'yon, kagaya na lang ng nangyari last last week lang.

Flasback...

Kasalukuyan kaming nasa loob ng opisina ni boss, kasama ang ibang employees niya para mag-discuss tungkol daw sa ibang branches. Maayos naman lahat, maliban sa higad na kanina pa pacute ng pacute kay boss.

"Sir," malanding kapit no'ng babaeng nagngangalang Angelica. Angelica pa mandin ang kaniyang pangalan pero kung umasta parang higad. "Do you want us to have lunch? My treat," malandi siyang ngumiti at hinawakan ang braso ni boss ng may malisya.

'Kitang busy si boss, nangistorbo!' Inirapan ko na lang siya.

Sarap na sarap siyang dumadantay kay boss, hindi pa siya nahiya dahil halos iluwa na ng damit niya ang hinaharap niya pero wala siyang pake. Nagmumukha siyang dancer sa club dahil sa kapal ng make up niya at kapal ng mukha niya. Nakakakairita siya!

"We'll s~"

Naputol ang gustong sabihin ni boss at napatingin silang dalawa sa akin dahil sa malakas na tunog ng parang may nasira. Pagtingin ko sa kamay ko, nakita ko yung bitak na mga ballpen na gagamitin ko sana sa paglabel sa mga papel. Halos lahat ng limang ballpen nahati sa dalawa dahil sa lakas at higpit ng pagkakahawak ko ng 'di ko namamalayan.

Napatingin naman ako kay boss. Kunot noo at nagtataka siyang nakatitig sa akin na halos mag isang linya na ang kaniyang kilay. Pero hawak-hawak pa rin siya ng babaeng malandi at tila walang pake. Hindi na nahiya! Puro naman make-up ang mukha.

Napapikit na lang ako sa inis para pakalmahin ang sarili ko at padabog na hinagis ang mga ballpen sa basurahan. Pinilit kong iwasan tignan sila dahil talagang inis na inis ako. Lalong-lalo na sa higad na babaeng 'yon. Pinipilit kong intindihin at baliwalian ang landian nila. Pero kahit anong gawin ko, rinig na rinig ko pa rin sila.

"Let's go eat baby. I'm hungry," panlalantod no'ng babae kay boss at parang sayang-saya si boss sa ginagawa niya. "You know I missed you." Umupo si Angelica sa lap ni boss at hinahalikhalikan ang mukha ni boss. Si boss naman, malapad ang mga ngiti sa labi na hinahapit ang bewang no'ng higad.

Dahil sa magkahalong galit at inis, kinuha ko ang schedule ni boss mula sa drawer. Padabog akong naglakad papalapit sa kanila nang hindi sila tinitignan. Basta naiinis ako. Alam ko naman na ang sasabihin ni boss eh, automatic na 'yon. At dahil mabait, akong secretary niya, gagawin ko na 'yon bago pa niya sabihin.

"Okay, bu~"

Marahas kong inilapag sa table ni boss ang folder ng schedule niya at tinignan ng masama yung higad na nasa hita niya. "Your lunch meeting has been cancelled," may diin kong sambit at umayos ng tayo sabay kibit balikat. Nakipagtitigan ako sa higad na nagpapanggap na inosente at cry baby.

"Is she angry?" Nagiinarteng tanong ni Angelica kay boss at tinuro pa ako sabay tinignan ng nandidiring tingin.

"She~"

"No, ma'am. I am not angry," sarkastiko kong saad at nag evil smile sa kaniya. "Now, if you may. I will take my leave now. Dahil ayokong nakakakita ng mga clown na, higad pa!" Padabog tumalikod ako ng kahit wala pa akong nakukuhang sagot sabay martsa papalabas ng opisina.

'Kainis na higad!'

Napasimangot ako at naglakad na lang papunta sa may kitchen ng opisina. Siguro naman okay lang dahil lunch time na. 'Nakakainis yung babaeng 'yon, kung makapulopot kay boss akala mo napakapangit na octopus.' Ipinilig ko na lang ang ulo ko para kalimutan sila, panira ng araw.

The BachelorTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon