Gertrude's POV
"Sir?!" Nanlaki ang mga mata kong tanong. Hindi ako makapaniwala sa narinig ko. We're going abroad!
"You shouting at me, Gertrude?!" Straight na sagot niya pabalik.
"I-I ahm n-no sir," nanigas ang dila ko dahil narealize ko yung sigaw ko sakaniya, napayuko at napangiwi ako sa hiya.
"Then go, before you lose time. Come at my house eight o'clock in the morning, that'll be our flight going abroad. Don't be late, and don't dare pull back, 'cause I'll make sure you'll regret that trash decision." Niluwagan niya ang kaniyang necktie at tinggal ang mga butones ng kaniyang suit, nanatiling malamig ngunit problemado ang kaniyang asul na mga mata habang nakatingin sa akin.
Hindi maari, maiiwan ang anak ko at 'di niya kayang wala ako. May sakit ang mama ko, wala pa akong pera na maiiwan sakanila kaya't hindi pa ako puwedeng umalis. "B-but sir~."
"Don't, don't you dare deny me Gertrude. What did I say? Comply with everything I say. Go," insist niya nananlisik ang mga mata. Talagang hindi siya papapigil, gianagamit nanaman niya ang threw words niya para makuha ko.
Napayuko ako, hindi puwedeng malayo ako sa anak ko. Hindi ko kaya, bata pa siya para malayo sa akin. Pero kailangan ko ng pera, hindi ko na alam. Masiyadong magulo ang isip ko, hindi ako makapa-isip ng tuwid. Nakagat ko nalang ang labi at pinikit ng mariin ang mga mata para mag-isip.
"Three months, we'll be there for three months and your salary will be doubled with that three months." Tinanggal na niya ang kaniyang necktie at suit, inilapag niya ito sa kaniyang table habang mabigat ang paghinga.
Three months? Kaya ko ba? Sa damdamin kong ito 'pag kasama ko siya. Kaya ko ba? Na hindi makita ang anak ko ng tatlong buwan. Kaya ko ba? Na hayaang mamatay ang mama ko sa sakit na high blood. No choice, I must do it for my family.
"Go Gertrude, use the company car Chase gave you. Pack your things and spend your available time with your family before we go. I'll be seeing you tomorrow," sambit niya at naglakad papunta sa glass wall, para tanawing muli ang siyudad.
Napahinga ako ng malalim. Para sa anak ko, para sa mama ko, para sa pamilya ko, at para sa sarili ko. "Right away sir." Hindi na ako nag-atubili pa at tumakbo na sa aking table para kunin ang bag ko, deretso na sa elevator.
Binuksan ko na yung elevator at bumababa sa lobby, kailangan kong magmadali. Konting oras nalang ang natitira para makasama ko ang anak ko, para makabuo ng magandang ala-ala na magsisilbing lakas ko pagpunta ko sa ibang bansa.
Habang papasok ako sa sasakyan na bigay sakin ni Chase, napatingin ako sa kapaligiran. Mamimiss ko 'to, ang Pilipinas sobra. Pagkasakay ko, wala na akong ibang ginawa sa loob ng sasakyan kun'di isipin ang mga puwedeng mangyari ro'n habang nagdra-drive ako pauwi. Paano na kaya?
Lunod ang isip ko sa maraming katanungan, hindi ko na namalayan na nakarating na pala ako sa harap ng bahay. Mabuti nalang 'di ako nadisgrasya sa daan habang pauwi.
Pinasok ko sa daan papunta sa bahay namin. May daan naman, kaya lang, 'di masyadong dinadaana dahil maraming mga nagtatambay at batang naglalaro sa kalsada. Todo busina nalang ako para gumilid sila hangang sa marating ko anf bahay namin. Pinark ko yung sasakyan sa gilid at pumasok sa bahay kung sa'n nadatnan ko silang tatlo sa sala.
"Oh Bams, maaga at uwi mo?" Tanong sakin ni August na ngumunguya ng potato chips.
"Mommy!"
Hindi pa man ako nakasagot nang biglang tumakbo si AK sa akin at niyakap ang mga binti ko. "Hey, baby. Do you want to go out witg nommy?" Itinaas ko ang anak sa mg bisig ko. Ang bigat bigat na niya kahit bata palang siya.
BINABASA MO ANG
The Bachelor
RomanceSa hindi inaasahan, muling nagtagpo ang landas ng dalawang taong may isang gabing nakaraan na nagbunga ng isang biyaya. Nagtagpo sa opisina, kung saan, siya ang boss at siya ang sekretarya, magkasamang numuhay sa iisang bubong sa ibang bansa. Mahuhu...