Gertrude's POV
Suot suot ko ang damit ni Terrius habang pababa kami sa cabin ng yacht kung nasaan ang mga tao. Ilang oras mula nang kumalma ako sa kakaiyak sa bisig niya.
Nagpapasalamat parin ako dahil naintindihan niya at pinangako niyang hindi siya magsasalita. Hahayaan niyang ako ang magsabi kay Haton ng katotohanan.
Pagkarating namin sa low deck ay naabutan namin silang lahat na nag iinuman. Ang mga kaibigan ni boss, at ang mga babae sa kanikanilang tabi na todo landi sa kanila.
Halik dito, halik doon. Pabebe at kung ano ano pa.Dosedosenang alak ang nasa mesa, at mga pagkaing nagkalat. "Oh, Gertrude, you're here. Come join us, kanina ka pa hinihintay nito!"
Nagsitawanan silang lahat at binigyan kami ni Terrius ng alak. Akmang uupo ako sa tabi ni Terrius nang may humila sa akin dahilan para matapon sa akin at sa damit ko ang bote ng beer na hawak ko.
"Sit here." Hinawakan ni boss ang magkabilang bewang ko upang 'di ako makagalaw sa lap niya.
"B-boss, hindi pwede," nanginginig na saad ko. At iniwasan ang kaniyang mga matatalim at nanlalamig na mata. Nakakailang umupo sa mga hita niya at masyado siyang malapit hindi ako makakahinga.
"Come on, Gertrude. Don't be a KJ. Pinaupo ka na nga sa hita aayaw ka pa. Huwag ka nang mag-inarte girl," sabad ng babaeng katabi ni Sir Matrix kayat mas lalong namula ang aking mukha.
Hindi kase ako tulad mo.
"Ahmmm," napakalakas ng tibok ng puso ko na halos di ko alam kung ano bang dapat kong gawin.
"I agree, its just tonight Gertrude. Stop to professionalism and enjoy. Don't be so naive," singit naman ni sir Caleb at uminom pa mula sa bote ng whiskey.
Napalunok ako. Mukhang wala na akong takas. "S-sige."
"Then let's drink and get wasted the hell out. Walang magigising nang walang hang over!"
Hyper ang naging ayos ng mini party. Inom lang kami ng inom nang alak. Nasa hita parin ako ni boss nakaupo, tahimik lang siya pero panay ang lagok niya sa bote ng tequila.
Tawa lang kami ng tawa sa mga jokes at banat ni sir Dylan. Tapos naglaro pa kami ng guess the hero, kung sino daw yung di makakasagot bottoms up sa isang bote ng beer at tatlong beses narin akong natatalo.
Si Sir Matrix naman daw ang magjoke, and I doubt that he even knows a joke sa seryoso ng mukha niya.
"Come on, my man. You are 25 and you can't even crack a joke? How are you supposed to humor your girl oneday?" Nang aasar na saad ni Sir Dylan at siguro dahil na rin sa kalasingan.
"I can tame mg woman, easily without jokes, Navarro. Unlike you, I know how girls think better than you, who got busted! What a shame!" Deretsahang saad ni Sir Matrix na ikinagulantang ng lahat.
Pero nang makabawi, malulutong na tawa ang umingay sa cabin. Yung tawa na mahirap pigilan. "Man! You're busted?!"
"My man, own up!"
"Bro, where'd the balls go?!"
Panay ang tukso nila kay Sir Dylan na todo tanggi at panay ang pagtatagis ang panga sa inis. "She didn't reject me, she was just a stubborn little tiger I need to tame!"
"Get your balls up my man." Itinaas nila ang kaniyakaniyang hawak na alak. "Cheers to our best boy accepting his first rejection!" Nagtatawanan kaming itinaas ang mga bote ng alak at nilagok lahat iyon.
Naramdaman kong umiikot ang paningin ko at hindi na ako makapag isip ng tama pero sige lang sila sa pagpapainom sa akin. Tinatangggap ko naman iyon at agad agad na iniinom. Yung ibang babae halos 'di na maibuka ang mga mata at nakatulog nalang dahil sa kalasingan.

BINABASA MO ANG
The Bachelor
RomanceSa hindi inaasahan, muling nagtagpo ang landas ng dalawang taong may isang gabing nakaraan na nagbunga ng isang biyaya. Nagtagpo sa opisina, kung saan, siya ang boss at siya ang sekretarya, magkasamang numuhay sa iisang bubong sa ibang bansa. Mahuhu...