Chapter 12

74 5 0
                                    

Hindi ko alam kung ilang linggo na ba ang lumipas at ilang linggo ko na din iniiwasan si Zarius, in fact wala naman talaga syang kasalanan. Ako, ako lang yung nag assume na may namamagitan sami'ng dalawa. Kapag nasa school ako ay inlilihis ko ang daan ko para lang di kami nagkita, nagtransfer ako sa ibang section sa isang subject na kasama ko sya. Hindi na rin ako nag pupunta sa likod ng caf, o lumalabas ng hating gabi. Everytime na mag tatangkang lapitan nya ako kapag nasa labas ako ng bahay ay pumapasok agad ako.

Every sat na check up ni Soobin, hindi ako ng pumupunta kundi si Ivan. Alam kong pupuntahan nya ako.

Puro pag aaral lang ang ginagawa ko buong araw, maagang uuwi galing sa school at kapag vacant naman ay tumatambay ako sa may coffee shop sa labas ng school.

At oo inaamin ko na namimiss ko na sya, lumipas pa ang isang linggo na hindi nya ako kinukulit o sinusundan. I guess he's tired chasing me. We're not meant for each other.

At sa loob ng ilang linggo na yon, I was with Eian. Nakakatuwa nga dahil ang jolly nya at napapatawa nya ako kahit papaano.

Tiningnan ko sya dahil ramdam ko ang mga tagusan nyang tingin sakin.

Nakapangalumbaba sya, nakapatong ang kamay sa baba at mataman akong tinitingnan.

"Stop staring!" Singhal ko. Nung natapos ang game nila non, ay natalo sila. At panalo na naman daw ang team nila Zarius. Hindi nga pala ako nanood, hindi kasi ako pumasok noon wala lang. Wala siguro ako sa mood noon.

"Ang ganda mo talaga kahit seryoso ka, sa susunod sakin naman." Binato ko naman sya ng tissue na nasa lamesa, at ang hinayupak tawa pa ng tawa.

"Ang corny mo!" Then I rolled my eyes on him. He lifted his milktea then sipped on it.

"May tanong ako." Hindi ako nag angat ng tingin sakanya, sa ilang linggo ko ba naman na nakasama sya ay puro kakornihan ang laman ng utak niyan.

"Laraya, c'mon!"

"Stop disturbing me, Eian!"

"Sabihin mo muna ano." Makulit nyang saad, hindi talaga titigil to.

"Ano?!" Ngumisi naman sya nang nakakaloko sa naging sagot ko.

"Bakit nakakalasing ang red horse?" My jaw almost dropped. What the hell?

"Why?"

"Kasi ang lakas ng tama..." Umirap naman ako nang sinundan niya ulit ng isa pa.

"Ko sayo..." Tumingin ako sakanya, pero seryoso lang sya at tila walang balaj na bawiin.

Ngumiti naman ako at dahan dahan na tumayo ako para abutin ang baba nya. Tila nasisiyahan sa ginawa ko pero pinunta ko sa tainga nya na kinurot ko.

"Anak ng kamote! Laraya--- ah! Stop masakit!" Daing nya

"You're so korny! You deserve it!" Nang makita kong namumula na ay binitawan ko na at umupo na.

Hinilot hilot naman nya ang tainga nya. Naawa naman ako.

"Sorry na..." Sya pa ngayon ang nag sosorry. Umiling na lang ako at pinag patuloy ang ginagawa sa laptop.

Matapos namin sa coffee shop ni Ivan ay hinatid nya na ako sa susunod kong klase. Sikat nga talaga ang isang to, andami na namang tumitingin samin.

Buong oras sa klase na iyon ay wala akong inatupag kundi ang makinig at mag take down notes sa mga sinasabi ng prof. Next week ay finals exam na. Ang bilis ng araw, parang nung intrams lang mag mimidterm palang pero ngayon finals na. Kaya mas lalo akong subsob sa pag aaral.

I wonder kung pumapasok pa ba si Zarius sa subject na magkasama kami. Ayos lang kaya siya?

Ano kayang mga ginagawa nya?

The Unchained Melody (Moonstone Series: 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon