Chapter 34

77 3 0
                                    

"Is that tita Stacy po?" Kumunot ang noo ko nang nasa labas kami ni Zari para mamili. May tinuro si Zari sa kung saan. Kaya naman lumingon din ako para tingnan.

And that's it. It was really Stacy, pinagtitinginan na naman ng mga tao.

"Mama let's go to her!" Bago ko pa mapigilan si Zari ay tumakbo na sya patungo kay Stacy.

"Ah sandali lang ho aling Ising." Saad ko nang iaabot ko na sana ang bayad ko.

"Oo naman, Vien. Habulin mo na ang anak mo madami pa namang tao." Tumango at ngumiti nalang ako at hinabol na si Zari.

"Zari!" Nasa harapan na sya ni Stacy, base sa itsura ni Stacy ay naiinitan sya nang makita ko syang pinapaypayan ang kanyang sarili.

"Mama!" Ani Zari kaya napatingin na din sakin si Stacy, malamig lamang akong tiningnan ni Stacy pero inirapan ko lang sya.

"Zari wag kang bigla bigla tatakbo, maraming tao ngayon." Saad ko kay Zari nang nasa harap na nila ako. Kumunot ang noo ko nang masulyapan ko ang dalang bagahe ni Stacy.

"Mama look at tita Stacy po! She's sweating po, and she's still gorgeous po! Mommy can I get wet too? So I can be as gorgeous as her?" Napaikot na lamang ang mata ko sa sinabi ng anak ko, nakita ko ang pag ngisi ni Stacy at pagkibit ng balikat.

Sobrang idol talaga ni Zari si Stacy.

Kaya kahit ang kaartehan nya ay namana ng anak ko.

"No baby, even if you're not sweating you're still gorgeous like me." Napangiwi na lang ako sa sinabi ni Stacy. Bihira ko lang makitang naka ngiti si Stacy, at kay Zari ko lamang sya nakikitang ngumingiti.

"Why are you here?" Tanong ko sakanya, umirap muna sya bago sumagot.

"As if you care."

"Buti alam mo." Hindi ko maiwasan matawa sa sagutan namin, umirap na naman sya. Ganyan ang gawain nyan.

"I dont have a choice, Mamita's wants me to stay here for a while."

"Sus, you were just avoiding Paris if I know."

"Shut up Island!" Natawan naman ako, sa tuwing napipikon kasi sya ay yan ang palagi nyang sinasabi.

Napatigil lang ako sa pagtawa nang hawakan ni Zari ang laylayan ng damit ko.

"Mama, are we going home na? Im tired na po eh."

Tumingin ako kay Stacy na nakataas lamang ang kilay sakin.

Hindi ko pa nabibili ang inuutos ni lolo Dash. Mayayari na naman ako sa masungit na yon.

Naawa naman ako nang makita kong nangangalumata na si Zari, kanina pa kasi kami palakad lakad at naghahanap ng sariwang papaya na pinapahanap ni Lolo Dash. Ayaw na ayaw kasi non na may hindi nabibili sa listahan. Sinabi ko naman kasi kay Zari na wag nang sumama tas panay reklamo naman.

Huminga ako ng malalim at tumingin ulit kay Stacy.

"Can you take her home? Hindi ko pa kasi natatapos ang bibilhin ko."

"Even if you dont say that, I'll do that anyway." Then she flipped her hair. Napairap na naman ako sa kawalan.

"Mama is it really okay if we leave you here?" Nagbaba ako ng tingin sa anak ko.

"Yes baby, so Dada wont get mad on us. You know Dada right? He's getting ugly when he's frowning." Napabungisngis naman ang anak ko sa sinabi ko kasabay ng pag singhap ng maldita naming kasama.

"Okay po mama. Take care okay? I love you..." Dumukwang ako ng kaunti para mayakap si Zari at mahalikan.

"I love you too, wag pasaway ah?" Nakangiti naman syanh sunod sunod na tumango. Matapos non ay napag desyunan ko nang hanapin pa ang mga nasa listahan.

The Unchained Melody (Moonstone Series: 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon