"Oh em Gee! Midterm na naman then finals is coming again!" I heard one of my classmate, nang lumabas na ang prof para sa isang nakakadugong long test. Good thing, I've reviewed last night. Magtatapos na lang ang first year college ko na wala parin akong kaibigan. Mas okay nga iyon. Inayos ko na lahat ng gamit ko a lumabas na lang. Hindi ko alam kung ilang araw na ba ang lumipas since I said the word space with him. I still remember how pissed he is after I said those. Hindi sya pumayag, hindi rin naman ako pumayag. Wala naman syang magagawa dahil yun ang desisyon ko.
At sa mga araw na iniiwasan ko sya ay hindi natutuloy, lagi sya'ng naghihintay sakin sa labas ng klase ko. Susunduin ako sa bahay at ihahatid pauwi. Pero in the end, hindi ako sumasabay sakanya. Palaging kay kuya Maru at Ivan. I know that Ivan is having a confusion already between me and Zarius, but he never asked me.
Huminga ako ng malalim nang makita ko na naman syang nakasandal sa may pintuan at tila hinihintay na naman ako. Napatuwid sya ng tayo nang makita nya na ako. Pero umakto akong parang wala sya at nagtuloy tuloy na sa pag lalakad. Its my last subject naman kaya pauwi na ako. Naramdaman kong sinusundan nya ako. Ganyan ang routine nya, alam nya sigurong sisigawan ko sya kapag pinipilit nyang sumabay sakin o kaya kukunin ang bag ko. Kaya sa huli minabuti nya na lang na palagi akong sundan.
There's nothing wrong between us, in fact. Ako lang talaga ang may problema saming dalawa. Hindi ko alam, I still couldn't accept the fact. Masyado paring sariwa, mabuti na lamang ay hindi pa nagtatagpo ang landas namin ni Nahla. Hindi ko parin kaya na harapin din sya.
And I admit, I am missing Zarius. I wanna hug him, kiss him. Pero may pumipigil talaga sakin na gawin ang mga iyon. Habang naglalakad kami sa hallway ay may narinig akong bumati sakanya. At sa tingin ko ay sila Chaos.
"Oy tol!" I heard Zyke.
Hindi ko narinig ang pag bati ni Zar, tingin ko ay tumango lang sya. Nauuna akong maglakad kaya hindi ko nakikita, binagalan ko ang lakad ko para marinig ko ang sinasabi nila.
"Persistent ang pinsan! Kaya naman pala nagiging buntot na naman ni Barbie!" Namula naman ako sa sinabi ni Zyke, sinasabayan na nilang maglakad si Zar! And Goodness! Nahihiya ako! Nasa unahan lang nila ako for Pete's sake! I felt my knees shaking already pero pilit parin akong naglakad. Bakit ba kasi biglang lumayo ang gate?! Sa waiting shed pa naman ako maghihintay kay kuya Maru!
"Gago." Natatawang saad ni Zar.
"Witwiw! Alam mo pre, ganyan din si Shaina mylabs ko sakin pakipot." I heard Chaos whispered. Bulong?! Goodness narinig ko nga! What did he said?! Im pakipot daw?! Umirap ako sa kawalan at nagpatuloy maglakad.
"Mga babae ngayon no? Kahit anong suyo tigas ng puso pero bandang huli bibigay naman pinapatagal pa." Ani Zyle. Epal ang isang to!
"Sakit sa ulo ng mga babae talaga! Si Ayarene tangina may kinababaliwang baseball player!" Naiiritang saad ni Arkuss.
"Tangina nyo tumigil kayo baka lalong magpakipot eh." What the hell? Zarius said that!
Lahat sila ay narinig ko ang pag tawa. Nakakainis! Sa tingin ba nya nagpapakipot lang ako? Na sinasadya kong suyuin nya ako?! Huh!
"Ganto pre gawin mo---" hindi ko na narinig ang sinabi pa ni Zyke. Naiinis na ako kaya padabog akong humarap sakanila. Nakita kong bubulong pa sana si Zyke kay Zarius, si Arkuss at Zyle naman ay pasimpleng sumipol at tumingin sa magkabilang gilid. Habang si Chaos ay dinukot ang phone at nagkukunwaring may katext.
Si Vino ay parang wala lang na nakapamulsa, sya naman ang may bitbit ng gitara ngayon. At ngayon ko lang napansin na maraming mga babae ang nakatingin sakanila na tila kinikilig pa! Si Zarius naman ay madilim na nakatingin sakin habang nakapamulsa at nakangisi!
BINABASA MO ANG
The Unchained Melody (Moonstone Series: 1)
RomanceLaraya Yslavien Villareal is an only daughter and living in her own fancy life. She's just a simple girl even though her family's own a lot of hotel and restaurants, she is also fond of kdramas and studies. She loves star gazing too, she would sneak...