I am wearing a pink beach dress, manipis lamang ang strap nito sa may balikat ko. I pair it with my strap sandals, tapos ay kinuha ko na ang hat sa may kama. Kakatext lamang ni Zarius na nasa baba na sya, we're on our way na to Ilocos Norte, ang mga pinsan nya ay papunta na rin daw. At naroon narin daw ang iba. Medyo kinakabahan nga ako eh.
Nagpaalam narin naman na ako kila Daddy, mag stay kami don ng one week yung iba ay aabot ng two weeks. Sinabi rin ni Zar na makikilala ko ang iba pang mga Juarez. Kinuha ko na ang luggage ko pati ang sling bag ko. I glanced at my phone at the bedside table at nakitang may text na naman nya.
Zarius:
Faster bb...Natawa naman ako at hindi na lang nireplyan. Nang mahawakan ko na ang luggage ko ay sinulyapan ko muna ang aso ko. Gosh ang laki nya na! Abot na sya sa tuhod ko at mukha syang leon!
Binitawan ko muna ang luggagae at tumungo kay Soobin na natutulog, antukin talaga ang isang to.
I caressed her hair gently nang makaluhod na ako sa harapan nya.
"I'm gonna miss you, baby..." Yumuko ako para mahalikan sya, ibinilin ko naman na sya kay Manang kaya nothing to worries na ako.
Matapos ay kinuha ko na ang gamit ko at lumabas na. Nang pababa na ako ng hagdan ay nakita ko na sya na nakaupo sa single couch habang kausap si kuya Maru.
Naramdaman ata nya ang presensya ko kaya agad syang tumayo at lumakad papunta sakin. Para kuhanin ang mga dala dala ko.
Nang makuha nya ang luggage ay isang halik muna sa labi ko bago ako pinasadahan ng tingin mula ulo hanggang paa.
"Why?" Tanong ko pero umiling lang sya, hindi naman nakatakas sakin ang pagdilim ng mga mata nya. Sya nga eh! Goodness! Why does he have to be so handsome everyday?! Naka bohemian shirt sya at tokong!
He held my hand at igigiya na sana ako pababa nang pigilan ko sya. Tumingin sya sakin na nagtataka.
Naiinis na sinara ko ang dalawang butones na nakabukas may nakasabit pa na shades dito. Ako lang dapat makakakita nyan! Ha!
Hindi nakatakas sakin ang pag taas ng sulok ng labi nya sa ginawa ko, agad ko naman syang inirapan at nauna nang maglakad sakanya.
"Wow! Ang ganda ni ma'am bagay na bagay talaga kayo ni ser!" Puna ni kuya Maru nang nakababa na kami. Agad kong naramdaman ang pag pulupot ng mga braso ni Zar sa baywang ko.
"Of course, kuya!" Umirap naman ako sa naging sagot ni Zar. Sus!
"Ahm kuya, pasabi nalang po kay manang aalis na kami. Si Soobin po ah?"
"Opo mam! Wala hong problema magiingat po kayo!" Ngumiti naman ako sa sinabi ni kuya Maru. Maya maya lang ay lumabas na kami ni Zar, nauna na akong sumakay sa front seat, habang nilalagay nya ang luggage ko sa compartment ng sasakyan nya.
Tapos ay maya maya ay pumasok na sya.
"You can sleep, it takes three to four hours before we reach the Ilocos." He said that before he started the engine.
"Okay..." I just said, may ibinaba ako sa gilid para maayos akong makahiga sa back rest.
"Have you eaten?" He asked while we're on the road already.
"Yes, ikaw?"
"Same, but I'll still buy our food habang nasa byahe para hindi ka magutom." Tumango nalang ako sa sinabi nya. Ginawa nga nya ang sinabi nya, huminto kami sa isang convenient store, sya lang ang bumaba para bumili.
"Here." Sabay abot nya ng paper bag na may mga pagkain. Ngumiti naman ako at iniligay muna sa likod.
Matapos ay sumakay na sya para mag drive ulit. Hindi pa naman ako nagugutom.
BINABASA MO ANG
The Unchained Melody (Moonstone Series: 1)
RomanceLaraya Yslavien Villareal is an only daughter and living in her own fancy life. She's just a simple girl even though her family's own a lot of hotel and restaurants, she is also fond of kdramas and studies. She loves star gazing too, she would sneak...