Hindi ko alam kung nakatulog nga ba ako, matapos non ay bigla na lang akong umalis at iniwan parin sya kasama ang mga kaibigan nya. Please lang tama na, huli na ang lahat para saming dalawa. Oo may nararamdaman pa ako sakanya yun ay ang konsensya at pag aalala ko kay Zarius.
Pero ngayon na ikakasal na ako kay Dash, hindi na tama na pinupuntahan ko pa sya. Mahal ko si Dash at ayaw ko na masaktan sya. Kahit na anong marinig kong katotohanan mula kay Zar hinding hindi nito mababago ang pasya ko na mahal ko parin si Dash. Umalis lang si Dash, pero hindi ibig sabihin na para mahalin ko ulit si Zarius.
Tinanghali ako sa pag gising, wala na rin sa tabi ko si Zari. Matamlay akong bumangon sa kama at kinuha ang cellphone.
Nakita kong may mga missed calls sa messenger ko at mga text galing kay Dash.
Dash:
Misis good morning...Dash:
Kumain ka na? I am currently eating. Have a nice day, I miss you!Dash:
Wow, what a beautiful sleeping beauty!Napatakip ako sa bunganga ko nang makita kong may picture ako na natutulog! Shocks! Mabuti na lang hindi ako nakanganga! Hindi ko na binasa ang iba pang message nya at agad nag type ng message.
Me:
Hey, good morning mister! Sorry I just woke up, have a good day too! Ingat ka diyan mahal na mahal kita!Matapos kong masend ay binaba ko na ang phone ko, active one hour ago pa sya. Siguro ay may ginagawa na sya, siguro hindi ko na lang muna sasabihin sakanya ang nangyari kagabi. Ayoko narin na pag alalahin sya doon.
Nagayos muna ako ng sarili ko bago naisipan bumaba. Tanghali na kaya sigurado akong nandiyan na sila Zari.
Pagbaba ko ng hagdan ay nakita ko agad si Zarius at Zari na nag lalaro sa sahig. Hindi kagaya ni Dash na napipilitan at nakakunot ang mga noo kapag kalaro ang anak ko si Zarius naman ay masayang masaya na hawak ang mga barbie na kalaro si Zari. Ngayon ko lang ulit nakita ang mga tuwa sa labi nya.
"Ken let's go!!!" Natawa naman ako sa sinabi ni Zari.
"Here I come barbieee!!" Pinigilan ko ang sarili ko na matawa din kay Zarius.
"Tinanghali ka ate?" Nagulat ako nang nasa gilid ko na pala si Lani na naka uniform na.
"A-ah napuyat lang. Aalis ka na?"
Tumango sya at tumingin sa direksyon ni Zarius.
"Alam mo ate bihira ko lang makita na naka ngiti si kuya Zarius ah? Yun ay pag kasama nya lang si Zari." Ani ni Lani,
"K-kumain ka na ba?"
"Oo ate, sige una na ako ah!" Tumango nalang ako.
"Kuya alis na ako! Babye baby Zari!" Ani ni Lani nang daanan nya sila Zar. Kaya naman nakita na nila akong dalawa.
"Ingat po tita!" Tumayo si Zari at hinalikan si Lani sa pisngi.
"Mama, you're awake!" Tumango naman ako nang pumunta na sa gawi ko si Zari. Umiwas ako ng tingin nang tumayo si Zarius at tinitigan kaming mag ina.
"Mama, papa's early again! He's the one who wake me up! And he cooks for us!" Hindi maikakaila na sobrang saya ng anak ko.
"Mama, kain ka na po!" Lumingon ako kay Zarius na naka iwas ang tingin sakin.
"Kumain na kayo ni papa mo?" Tanong ko.
"Yes po mama! Dali na eat ka na, papa and I will play pa eh!" Hindi ko maiwasan mapasimangot nang tinulak tulak pa ako ng anak ko papuntang kitchen. Hindi na ako lumingon kay Zarius.
BINABASA MO ANG
The Unchained Melody (Moonstone Series: 1)
RomanceLaraya Yslavien Villareal is an only daughter and living in her own fancy life. She's just a simple girl even though her family's own a lot of hotel and restaurants, she is also fond of kdramas and studies. She loves star gazing too, she would sneak...