Chapter 39

84 2 0
                                    

Pinapanood ko lamang ang anak kong nag lalaro ng barbie, wala akong ibang ginawa kundi pag masdan ang anak ko. Kita ko ang saya sa mga mata ni Zari, nasa salas kami ng mansyon at hanggang ngayon ay hindi parin bumababa si Zarius.

"Mama when can I see Dada? I already missed them..." tumabi si Zari sakin habang hawak ang barbie nya.

"If your papa's agree to visit Dada." Napanguso naman ang anak ko. Sakto naman na nag ring ang phone ko. Shit! I forgot to text Dash! Tiningnan din ni Zari ang caller, nakita kong napakaraming text at tawag.

"Mama is that Dada?" Tanong ni Zari, tumango ako dahilan nang paglawak ng ngiti nya. Agad ko naman na sinagot.

"Where the fuck are you, Vien?!" Agad nyang bungad sakin, galit na galit ang lolo nyo.

"Dada!" Agad tumahimik ang kabilang linya nang masayang sumigaw si Zari.

"I found her, Dash..." kinandong ko ko naman si Zari, habang nasa gitna namin ang phone.

"Dada I missed you po! Dont be so mad na po," ani ni Zari. Tahimik parin ang kabilang linya.

"Dash..." tawag ko.

"Damn." Narinig kong mura nya. "Thank God you found her, pero hindi parin sapat yon Vien para bigla ka nalang umalis." Sumimangot naman ako,

"Zari's here, lolo Dash..." I can imagine his cold aura at this moment, he hates it when I am calling him Lolo Dash.

"Mama is Dada's mad on us?" Bulong sakin ni Zari.

"Dada are you mad daw?" Ani ko.

"Where are you two? Im gonna fetch you both." He said with authority, sasagot na sana ako nang may sumingit sa likuran namin.

"No one's going home." Malamig nyang saad, kilala ko ang boses na iyon.

"Papa!" Tumayo si Zari mula sakin at pinuntahan ang papa nya.

"M-mamaya na lang tayo mag usap, Dash..."

"Tsk." Yun lang ang naging sagot nya bago ko patayin ang tawag, tumayo ako at hinarap ang mag ama. Hindi ko maiwasan mamula nang makita kong naka boxer na lang sya at isang puting sando. Kaya naman agad akong umiwas ng tingin.

"Papa, can I just see Dada?" Buhat nya ang anak namin, pero sakin sya nakatingin, ng masama. Pinaglalaruan ko lamang ang mga daliri ko dahil hindi ko magawang tingnan sya, dahil ang peste kong puso ay sige parin sa pag kabog.

Gosh! Stop beating so fast! Baka marinig nya! Tama na Ysla!

"Dont want your Papa?" Umiwas sya ng tingin sakin, naging malambing ang boses nya. Para akong tuod sa mga oras na ito na hindi alam ang gagawin, kami na lamang ang nasa mansyon ngayon dahil umuwi na sila Shaina sinundo ni Chaos, nagulat pa nga si Chaos nang makita ako.

Alas sais na rin ng hapon, at ngayon ko lang naramdaman ang pagkagutom ko. Mag papasundo na lang siguro ako kay Dash pagkatapos kong kausapin si Zarius.

"Its not that po, papa." Muli ko na namang nakita ang pag silay ng ngiti ni Zar sa sinabi ng anak nya, para akong namangha.

Gosh, Ysla tigilan mo nga ang pagpapantasya mo sakanya! May girlfriend na yung tao!

"But you missed your mama's boyfriend right?" Kumunot naman ang noo ko, kelan ko naging boyfriend si Dash? Pero imbis na sabihin ang totoo ay nanahimik na lamang ako. Diyan naman sya magaling, manghusga nang hindi agad inaalam ang totoo.

What's the point of defending myself kung hindi rin lang naman nya ako papaniwalaan.

"He's not mama's boyfriend Papa! Mama's still single!" Agad akong napapikit sa kahihiyan sa sinabi ng anak ko. Wtf.

The Unchained Melody (Moonstone Series: 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon