Chapter 30

84 4 0
                                    

Ako, Stacy at si Fern ay nasa threadmill na katapat lamang ng pool na kitang kita dito sa glass wall. Habang sila Fairy ay nasa kabila. Grabe, sobrang tahimik nilang dalawa! Tila pare pareho kaming mapapanisan kami ng laway. Nasan na ba sila Fairy?

I looked at Stacy, nasa gitna kasi namin sya. Seryoso lamang sya sa pag t-thread. Naka earphone at tila walang pake sa paligid. Napaiwas ako ng tingin nang tingnan nya ako. She's like Zarius! Gosh! The way she stares, tila mapapaso ka!

"What's your real name?" She asked out of nowhere. I glanced at her, only to find she's looking outside,

"A-ako ba?" Tanga mo Ysla, malamang!

"Who else?" Malamig nyang saad habang hindi parin ako tinitingnan.

"Laraya Yslavien Villareal." Then I smiled, kahit na hindi naman nya ako tititigan.

"How are you related with Ivan?" Wow! Kilala nya pala si Ivan?

"Ahm he's my cousin!" Hindi na sya sumagot, akala ko ay may idudugtong pa sya ay hindi na nasundan. Tumingin na lang ako sa labas, tila mga apat pa lang ang nag suswimming sa infinity pool, may nakita akong dalawang naka latag na sun lounger.

Tumingin ulit ako kay Stacy, I saw her eyes widen pero saglit lang. Tiningnan ko kung san yon at nakita ko ang mga Greek Gods! Gosh! Sila Zarius! Mukhang kumpleto sila! And Gosh! They are all shirtless!

Nakita kong luminga linga si Zar na tila may hinahanap, at kahit ang layo nya ay kita ko ang pag kunot ng noo nya. Until now, he can make my heart beats faster. Nothing changed.

Napatingin ako kay Stacy nang bigla nyang ioff ang thread mill, kampante lang sya habang ginagawa yon. Tumingin ako sa labas at nakitang iisang tao lang ang nakatingin dito, habang ang iba ay panay ang linga. Hindi ba sila nag paalam?

Paris was looking intently here, or should I say with Stacy? Nag cross arms sya sa parte ng dibdib nya habang derecho ang tingin kay Stacy. Si Stacy ay nakaupo na habang nag pupunas ng pawis. Alam kong nakita nyang tinititigan sya ni Paris, pero hinahayaan nya lang.

Nang lumingon na ako muli sa labas ay lahat na sila ay nakatingin dito. I looked at Zarius, nakakunot ang noo. Habang ang iba ay mga naka ngiti. Kumaway ako sakanya at ngumiti, pero hindi sya kumaway bagkus sila Chail, Zyke at Theo ang kumaway.

Pinatay ko na din ang akin, lalo na at nagsimula na silang maglakad papunta dito. Tumabi ako kay Stacy, sa may dulo nandoon kasi ang towel ko.

"Oh my Gosh! They're here!" Napatingin kami kila Fairy na kalalabas lang ng shower room.

"Hindi ba kayo nag paalam?" Tanong ni Fern na kakaupo lang.

"Hindi..." Umiiling na sagot ni Aya.

Bago pa mag salita si Fairy ay may nag bukas na ng glass door. Muntik na kaming mag singhapan nang isa isa na silang pumasok!

"Tangina, ano ba yang nakalat sa newsfeed ko?! Ano yung toktok?!" Tila naiiritang saad ni Chase tapos ay nagkakamot pa. Shet! Masyadong masikip ang gym na ito para sakanila.

Kanya kanyang upo sila, naramdaman ko na lang ang pagtabi sakin ni Zar.

"You didn't wake me..." Zarius whispered, mapupungay pa ang mga mata nya.

"Tsk, napakahirap mo gisingin! Tsaka I left a note." Kumunot ang noo nya.

"Hindi mo nakita?" Umiling sya, at sumiksik na sa leeg ko. I can smell his mouthwash. Hinaplos ko na lamang ang buhok nya.

"What the fuck toktok are you talking about Eleven!" Ani ni Fairy.

Magkakatabi si Chase, Chail, Theo at Pillow sa lapag. Si Atom, Paris at si Zyle ay nakatayo at nakasandal sa dingding.

The Unchained Melody (Moonstone Series: 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon