Sa sobrang bilis ng araw na lumipas ay natapos na din ang finals, meaning ay second sem na. Nakakatuwa nga na nang makauwi na kami sa Pilipinas ay sabay ulit kaming nag rereview ni Zarius sa apartment nya.
Today is sunday. At magkasama kami ngayon ni Zarius, kakauwi lang namin galing sa simbahan kasama sila Mom and Dad. Natutuwa din ako na medyo close na rin sya sa mga magulang ko, at sobrang saya ko dahil doon. Nga lang hindi ko parin nakikilala ang pamilya nya, hindi naman ako nagtatampo dahil doon dahil we had talk about that. Nasa labas daw ng bansa ang magulang nya kasama ang ate nya. Gusto nya daw ako pakilala kapag kumpleto na sila.
"Are you free tonight?" Tanong ni Zarius. We're on our way home, after he come with me sa mall. Sinamahan nya akong mamili ng mga damit ko. Though im not into shopping, pero sya ang nag suggest na mag shopping daw ako.
Medyo nagkasagutan nga lang dahil nagtatalo kami kung sino ang magbabayad. Pero sa huli ay sya parin ang nanalo, wala naman talaga ako magagawa.
Tumingin ako sakanya na seryoso lang sa pag dadrive.
"Why?" I asked. Nasa likod nga pala ng kotse nya ang mga pinamili namin.
"Its Zyle and Zyke's birthday, they will celebrate their birthday later on bar. Pwede ka?" Saad nya.
Maaga naman nya ko iuuwi, maybe I can come.
"Okay." Sagot ko. He held my hand, and I let him do that. Medyo napagod rin ako dahil nag arcade pala kami kanina, nag sine at nag libot libot pa. Minsan naiinis din ako kase sa twing may titingin lang sakin na lalaki sinusugod nya agad kahit wala namang ginagawa! Katulad nung nasa arcade kami! Naubusan kasi kami ng token ng naglalaro kami sa basketball.
"Ako na bibili." Ani ko, aapila pa sana sya nang umalis na ako. Pag punta ko sa counter ay nag abot ako sa cashier.
"100 pesos, miss." Saad ko sabay abot ng cash ko pero bigla nalang may nag abot ng ibang pera sa cashier.
"Let me pay for her, miss." Tumingin ako sa nag salita. Ang yabang! He winked at me before he look at the cashier.
"I can pay for that." Ani ko.
"No its okay, ang babae na tulad mo hindi pinagbabayad at hindi inuutusan lang bumili ng token." Mayabang nyang saad at tumingin sa kinaroroonan ni Zarius.
"Excuse me, hindi nya ko inuutusan ako mismo ang nagkusa." Masungit kong saad at bumaling sa cashier na nalilito na.
"Ah miss ito ang bayad." Kinuha naman ng babae.
"Palaban ka---" hindi nya na natuloy nang bigla syang bumagsak sa sahig.
"Zarius!" Hindi ko na nakuha ang token ko dahil agad na akong dumalo kay Zar.
"Stay the fuck away from my girlfriend, you dumbass!" Sigaw ni Zarius at dinuro yung lalaki na nakahandusay na. Marami na rin ang nanonood.
"Zar that's enough, halika na..." Sabay hawak ko sa kamay nya.
His fist are clenching already. Hinatak ko naman sya at nagulat ako nang hindi ako nahirapan. Hindi ko na nakuha ang token at pinabayaan na lang.
Napatuwid ako ng upo nang makita ko na ang bahay namin.
"I'll fetch you at 7pm." He just said nang nahinto na ang sasakyan nya.
"Okay..." I was about to grab the handle nang mas mabilis ang kilos nya at hinatak ako papunta sakanya then the next thing I knew, I felt his lips touched mine.
His other hand is on my neck, para mas maayos akong halikan at habang ang isa ay hawak ang palapulsuhan ko. I tried to open my eyes to saw his eyes quietly closed, while his lips was suckling and biting my lips.
BINABASA MO ANG
The Unchained Melody (Moonstone Series: 1)
RomanceLaraya Yslavien Villareal is an only daughter and living in her own fancy life. She's just a simple girl even though her family's own a lot of hotel and restaurants, she is also fond of kdramas and studies. She loves star gazing too, she would sneak...