Chapter 43

92 3 0
                                    

Kahit dis oras na ng gabi ay umalis pa rin ako, kahit papaano ay nag aalala parin ako kay Zarius. Tinext naman na nila yung lugar sakin, nasa VIP room daw silang mag pipinsan.

Hindi na ako nakapag paalam kay Lani dahil alam kong mabilis lang naman ako. Habang papunta ako ay hindi ko maiwasan mag isipi parin kung bakiy ba sya nagkakaganyan. Hays balaha na nga.

Mabuti na lamang ay kilala ako ng mga bouncer kaya pinapasok nila ako agad. Napakaraming tao ang nasa loob, hindi naman ako pumupunta sa mga ganitong lugar kaya medyo naiilang ako. Hindi rin maiwasan na maraming bastos sa ganitong lugar, bakit ba kasi sa bar pa nila naisipan mag inom?

Ilang hirap pa ang dinaanan ko paakyat dahil maraming tao masyado ngayon, pahirap talaga!

"Hi miss, you from here?" Hindi ko pinansin ang bastos na lalaki na may hawak pang martini sa kamay at nilampasan nalang. Nang makita ko na ang room number ay pinihit ko na ng dahan dahan ang pinto. Pero kaunti pa lang ang nabubuksan ko ay narinig ko na sila.

"Tigas kasi ng ulo ng putangina! Pabebe pa kasi ang hayop ayan naunahan si tanga!" I heard Arkuss inside, hindi muna ako pumasok at pinakinggan sila.

"Tanggala anong sasabihin ko sa misis ko?! Fuck bruh! She's just using Sherina over Ysla, he thought he would get over that easily?!" Hindi ko maiwasan mapatakip sa bibig ko sa sinabi ni Chaos. What?

"Tangina two years? But you're right, Ysla's his rule ayaw lang aminin ng gago. Iiyak ba yan kung di nya pa mahal? Paka tigas kasi!" Zyle said.

"Gagawin ko rin ang ginawa ni Zarius, I would probably quit the band kung gawin nya din sakin ang paghiwalayin nya kami ng babaeng mahal ko. Tanggala, tito ba talaga natin yon?" Hindi ko parin binubuksan ang pinto, pakiramdam ko may gusto pa akong marinig sakanila.

"He did it again with my Shaina, pero nauna nga lang si Ysla. Ang kaibahan nalaman ko agad, mas masakit lang kay Zar kaei lately nya lang nalaman. Pakagago ng tito nyo no?" Ginawa rin ni Kim na palayuin si Shaina noon?

Ang sama sama talaga nya!

Pumikit muna ako ng mariin bago tuluyan nang binuksan ang pinto. Nagulat pa sila nang makita ako. Nakita kong nakaubob na sa lamesa si Zarius. He's really wasted.

"Ysla!"

"Akala namin hindi ka na darating." Ngumiti lamang ako sakanila.

At pumunta na sa direksyon ni Zarius. Kahit nasa pintuan ako kanina ay langhap ko na ang amoy ng alak.

"Sorry for disturbing you, Ysla..."

"Okay lang, pero sana ito na yung huling beses na tatawagan nyo ko pag lasing sya." I said to Zyle. Dati kasi ako ang palagi nilang tinatawagan pag nalalasing si Zar, ako lang ang nakakapigil sakanya. Pero ngayon hindi na pwede.

"Ah ganun ba..." napakamot pa ng ulo si Zyle.

"Zar, wake up..." naka awang na ng kaunti ang bibig ni Zar.

"Hmmm."

Umupo ako sa tabi nya para gisingin sya, dati kapag hinahawakan ko sya grabe na ang bilis ng tibok ng puso ko pero ngayon na katabi ko sya wala na akong nararamdaman dahil alam ko sa sarili ko na mahal ko na si Dash.

"Ysla, come back to me please... I'll be good this time j-just d-dont l-leave me..." nagulat ako nang magsalita si Zarius pero nakapikit parin ang mga mata. Tumingin ako sakanila, na nakatingin lang sakin.

A-anong ibig nyang sabihin? Akala ko ba may Sherina na?

"Hindi ko alam kung dapat samin ba manggaling to, Ysla." Tumingin ako kay Zyke.

The Unchained Melody (Moonstone Series: 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon