Chapter 19

79 6 0
                                    

"Ano bang nangyayari?" I asked the Sleeping Zarius while caressing his face. Hindi ko alam kung uuwi ba ako ngayon o sasamahan muna sya. I want to stay, I want to take care of him.

"I missed you..." I whispered when my phone rang.

Agad kong kinuha sa may bed side table ang phone ko. Nakita kong si mommy ang natawag.

"Ysla!" Boses na nag aalala.

"Mom..."

"Where are you? Its already late hija, go home na I told Maru to fetch you already and he's on his way na. Mabuti at alam ni Maru yan, Im sorry hija, hindi ka pwedeng mag over night diyan sa boyfriend mo."

"Its okay mommy, uuwi naman po ako. Okay na po si Zarius."

"Okay hija, please go home. Ilang araw na kaming nag aalala saiyo." I sighed deeply.

"Yes mom, I love you."

"I love you too hija..." Then I hang up the call, nang maibaba ko na ang phone ay agad akong tumingin kay Zar.

"Sorry, love I need to go..." Then lower my head to kiss his forehead.

Nahihirapan pa akong tumayo dahil naramdaman ko ang pagod ng katawan ko. Maaga na lang akong papasok tapos dederecho ako dito.

Nang mailagay ko na ang bag ko sa balikat ko ay lumingon muna ako sakanya ng isang beses. I received a text from kuya Maru, saying he's already here.

Buong byahe ay naging tahimik lang ako, paminsan minsan ay natulo ang mga luha. Hindi ko na alam ang gagawin ko, ito yung mga panahon na kailangan nya ako. I promised to him.

Nang makarating na sa bahay ay nadatnan ko ang mga magulang ko na nasa sala at hinihintay ako.

"Hija..." Agad silang tumayo at sinalubong ako, niyakap naman ako ni mommy.

"Are you okay honey?" Mom asked worriedly. Pinilit kong hindi umiyak sa harapan nila, ayokong mag break down. Ayokong makita nila at higit sa lahat ayoko na mag alala pa sila.

"Ysla tell us what happened. Did that Walterson hurt you?" Mariing tanong ni Dad kaya agad akong napabitaw kay mommy at hinarap si Dad.

"No! Dad, h-hindi po..."

"Ilang araw ka ng ganiyan, Ysla kaya wag mo kong lolokohin."

"Hindi po daddy... Please." I held his clenched fist.

"Alright, please tell us if that Walterson hurt you huh?" Sunod na sunod akong tumango.

Nung gabing yon hindi ko alam kung paano ako nakatulog dahil sa bigat ng nararamdaman ko. Hindi ko alam ang gagawin ko. Kapag hindi ako nakakatulog ay mag scroll ako sa facebook at instagram ko. Titingnan ang mga pictures namin.

Dumating ang umaga, naabutan ko pa nga sila Mommy at nagpaalam na maaga akong aalis. Nagpahatid naman ako kay kuya Maru, hindi na ako dadaan ng grocery dahil ginawa ko na pala iyon kahapon.

"Thank you, kuya..." At bumaba na ako ng sasakyan. Binuksan ko ang gate at dumirecho na sa front door nya. Ginamit ko ulit ang susi ko.
Mabuti nalang pala ay kahit papaano ay nagamot ko ang mga paso ko with the help of petroleum at tinakpan ko nalang ng concealer para hindi na makita ni Zarius. Ewan ko lang kung effective pero sana wag nyang mapansin.

Madilim parin ang paligid nya, I open the lights. Umakyat muna ako sa kuwarto nya para icheck kung andoon pa sya. Dahan dahan ko pang binuksan ang pintuan, nakasarado parin ang mga kurtina at madilim.

Kaya naman binuksan ko ang isang kurtina para kahit papano ay mag karon ng liwanag sa kuwarto nya at mula doon, kita ko na ang mahimbing na natutulog na si Zarius.

The Unchained Melody (Moonstone Series: 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon