Prologo

2.2K 126 28
                                    

Dedicated to cvtiesss
PROLOGO

Kaye's POV

Malala ang sugat na aking natamo, ni hindi ko na kayang alalayan si Grey.

Marami na siyang sugat dahil sa mga espada na ginamit ng tauhan ni Tasakashi. Naramdaman niyo na ba na sukong-suko na kayo, pero hindi pwede?

"Imbyerna!" Buong lakas kong sigaw ng may makasalubong kaming tauhan ni Tasakashi.

"Damn it!" Napamura nalang ako ng wala sa oras. Papalapit na sila sa'min.

Nang makita kong pinalibutan kami ng tatlo na may hawak na mga espada, Agad kong binitawan ng paunti-unti si Grey at inayos ang chain dagger at ang espadang nasa likod ko.

Nagpalibot-libot kami-ganoon narin ang tingin ko na inoobserbahan ang bawat kilos nila habang ang mga espada nila ay nakakatutok sa'min.

Mahigpit ang pagkakahawak ko sa dagger ko at ipinuwesto ng mabuti ang espada.

AHHHHHHHH!~

Agad silang sumugod kaya agad ko ring nilabanan ang mga espada nilang paparating sa'kin. Ang nakakairita at nakakabinging tunog ng mga espadang nagsasalubong ay bumalot sa paligid.

Mabilis silang kumilos, pero nandoon parin ang pag-iingat. Masakit man ang mga sugat ko ay pilit kong nilabanan ang lakas nila, hanggang sa matamaan na ako sa braso ko.

Fuck!

Dumadaloy man ang malapot na dugo mula sa sugat ko ay hindi ko ininda, pero medyo humina ang kilos ko dahil sa panibagong sugat na natamo ko.

Pumikit ako ng mariin at patakbong sinugod sila. Agad ko namang hiniwa ang ang hita, braso at likod nila ng mabilisan.

"AHHHHHHHH!~" Hiyaw nila sa sakit na nararamdaman.

Agad kong ipinulupot ang dagger sa kamay ko at inihagis sa mga espadang hawak nila upang maitapon ito na nagbunga ng tunog.

Nanghihina man ay pilit akong tumakbo na sinundan nila. Agad kong pinatid ang pader at tumalon ng paikot sabay hagis sa dagger ko at ipinulupot sa mga hita nila. Pagtapak ko sa semento ay agad akong tumakbo paikot hanggang sa pumulupot ang dagger ko sa kanilang mga katawan.

Biglaang may mga nagsipalakpakan na naka agaw sa atensyon ko. Agad ko silang nilingon.

Demonyong nakangisi sa akin si Tasakashi.

"Kahanga-hanga ka binibini." Bati niya.

Napangiwi naman ako ng bahagya. "Alam ko."

Humalakhak naman siya na parang demonyong tangina! "Napakatapang!"

Biglaan niyang sinenyasan ang mga tauhan niya.

Napako ang paningin ko nang nilapitan nila si Grey at pilit na pinalakad. Damn it! Mahina pa siya!

"Tignan natin kung hanggang saan ang yabang mo!" Pagsisigaw niya.

"Bitawan niyo siya!" Sigaw ko naman. Puno ng galit ang boses ko.

Agad akong tumakbo palapit sakanila, pero agad din akong hinarangan ng mga tauhan ni Tasakashi.

"Diyan ka lang o babarilin ko itong nobyo mo!" Nanggigil na sigaw niya. I tsked him while glaring with a fire in my eyes.

Lady Z [ COMPLETED ]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon