CHAPTER 18

37 7 0
                                    

Section 18

The Shadow who took its own figure

-

Matapos kong marinig mula kay Miss Moon ang mga bagay na kailangan kong malaman ay hindi ako makapaniwala kahit na ganoong kabilis lang niya sinabi sa akin ang lahat, hindi parin ako makapaniwala sa aking mga narinig.

Mag-isa akong naglalakad sa hallway matapos kong makipag-usap kay Moon ukol sa mga bagay-bagay.

Habang wala ako sa sarili ay nakasalubong ko si Lilac sa daanan na katatapos at kakalabas lang ng silid.

"Astrid."

I suddenly awoke and fell back into reality.

"Hmm?" I was shocked.

"Is everything alright?" Lilac asked me with her worried expression. She must've been concerned about me when she saw the look on my face, the weird confused one I am currently wearing.

"Oo, ayos lang naman ako Lilac." napahinto ako. "Siya nga pala, kamusta ang klase mo?" tanong ko.

Hindi na ako kinulit pa ni Lilac tungkol sa totoo kong nararamdaman at iniisip di tulad ni Lia. Inintindi niya ang pagsagot sa aking katanungan kanina sa kaniya tungkol sa klase niya.

Kumunot ang noo niya, "A-ayos lang naman. Ganoon parin nakakasunod pa rin naman kahit papaano." sagot niya.

"Ganoon ba?" bigla akong ngumiti sa kaniya.

Inakbayan ko si Lilac at niyayang maglakad papunta sa hapag-kainan upang kumuha ng ilang pagkain bago pumasok sa susunod naming klase.

"What's your next class again?' Lilac asked.

"Enhancements."

"It's enhancements," I replied.

"Ganoon ba?" she responded.

"In that case, you should hurry up and go. I heard you got kicked out on your first day."

"With what happened to you, Astrid, you need to be on Miss Luna's good side for her to commend you," she explained the reason why I should hurry up.

Nagulat ako nang malaman ni Lilac ang tungkol doon. "Teka paano mo nalaman ang tungkol doon?" tanong ko, nanlalaki ang mga mata kong naghihintay ng sagot kay Lilac.

"Hindi pa ba halata kung bakit ko alam? Unang-una, word travels fast. Ikalawa naman ay sino ba naman ang hindi makakarinig ng awayan ninyo ni Usher sa lakas ng boses ninyo na halos mayanig na ang buong bahay dahil sa lakas ng boses ninyong dalawa. Lalo na doon pa kayo sa hallway nagsigawan kung saan maririnig ng lahat."

"Still need more explanation?" she asked.

I was just speechless.

Hindi ko napansin na ganoon palang kalakas ang boses naming dalawa ni Usher habang nag-aaway kaming dalawa.

Ibig sabihin, kung alam ni Lilac ay hindi malayong alam din ng ibang mga bata na nag-away kaming dalawa at tungkol saan ang pinag-awayan namin kanina ni Usher.

Napa-hilamos nalang ako ng kamay ko sa aking mukha. Napa-buntong hininga nalang rin ako dahil sa second hand embarassment na biglaan kong naramdaman.

"Bakit, may problema ba Astrid?" tanong ni Lilac sa akin habang ipinatong ang kaniyang maninit na palad sa aking likuran.

"Ha?" gulat ko.

"Ah eh... wala sige na mauna kana susunod nalang ako. Magkaiba rin naman kase tayo ng klase."

Crescent Moon: The Peculiars [MOON SERIES #1]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon