Section 33
"History of the Marks"
-
"Sinong nandyan?"
lumingin ako sa likod ko ngunit walang naroroon kung hindi purong kadiliman.
Agad kong naalala ang sinabi sa akin ni Lia bago ako umalis ng silid namin.
Sabi niya sa akin na hawakan ko lang daw ang emblem na ibinigay niya at walang mangyayaring masama sa akin.
I quickly took the emblem out of my pocket. I suddenly heard scratches from behind that caught my attention and immediately gave me chills.
"Is anyone there?" I ask.
"Astrid?"
"Anak."
isang pamilyar na boses ang pumalibot sa malawak at madilim na silid.
Hindi ko dapat paniwalaan ang lahat ng mga nakikita at naririnig ko sa loob ng silid na ito. Iyon ang babalang sinabi sa akin ni Lia.
"Everything you hear, you see are all illusions driven by the demons who want to infiltrate your brain."
"So don't believe in what you see," she said.
Ipinikit ko ang aking mga mata upang wala nang makitang ano pang kakaiba na makaka-wala ng pokus ko sa dapat kong gawin. Ang huwag pansinin ang mga bagay na naka-palibot sa akin.
"Astrid..." isang malamig na hinga ang dumampi sa aking kanang tenga.
Napalingon ako't agad kong nakita ang isang taong kahawig nila mama at papa.
"Mama, papa?" napatigil ako.
"A-anong ginaga-ginagawa ninyo dito?" nauutal kong tanong.
"We're here because of you. We were worried sick about you. Ever since you've decided to stay in the mansion and left us, we're always thinking of you." my mom said.
She caresses my face.
"Anak." kaniyang malambing na pag-tawag sa akin.
"Give me that emblem. Let's go back to our house," she suggested.
Agad kong napansin na pareho silang naka-tuon sa hawak-hawak kong emblem na bigay sa akin ni Lia.
Out of nowhere, I began to recall what Lia told me.
"I'm sorry but I cant." I replied.
"Ba-bakit naman hindi? Hindi mo na ba kami mahal ng mama mo?" tanong sa akin ni papa na agad na hinawakan ang aking kanang kamay.
"Pa, bitawan ninyo po ako, nasasaktan ako." wika ko.
Hindi siya nakinig sa daing ko at patuloy na hinawakan ang aking kamay, habang tumatagal at sa bawat segundong lumilipas ay humihigpit ng humihigput ang hawak niya dito.
"Let go off me!" I yelled.
Nanlaki ang mga mata nilang dalawa. Sa isang iglap ay nag-bago ang kaniyang mga mukha. Nag-itim ang buong mata ng dalawa at nag-silabasan ang mga pangil sa bibig.
"What are you?" I asked.
Nagsisimula akong mangatog sa takot, ngayon lamang ako naka-kita ng ganitong nilalang sa buhay ko. Mga matatalim na pangil, maitim na mga mata, malaking bisig at binti, nakakatakot na tusok-tusok sa gilid ng mgfa katawan.
Ang natura kong mga magulang na muntik na akong malinlang na ibigay sa kanila ang iniwang proteksiyon sa akin ng kaibigan kong si Lia ay dalawang halimaw pala.
BINABASA MO ANG
Crescent Moon: The Peculiars [MOON SERIES #1]
Fantasi𝗠𝗢𝗢𝗡 𝗦𝗘𝗥𝗜𝗘𝗦 𝗜 Magic Starts at 11:59 PM 🌙 Have you been neglected? Have you felt like you don't belong anywhere? Do you like doing the extraordinary? Do you like gazing on the moon? Well then, I would like to invite you to stay. Remin...