CHAPTER 24

38 5 0
                                    

Section 23

"Everyone's Inner Demon"

-

My worst nightmare happened so quickly. After standing next inline for the next examinee to get my butt kicked, my name was called by Aisha herself.

Along with my name Usher's name was also called.

I couldn't even look at him in the eyes. I cannot seem to accept that this is the end for me. The person I'm against is the person who despises my whole living body more than anyone else.

"Are you ready, outsider?"

He's looking at me with his usual death glare.

I looked for a moment at Miss Moon. I was giving her my puppy eyes to make her worried even just a little bit, but my plan to beg failed horribly.

"Is everybody ready?" Moon asked.

Nagbigay na ng hudyat si Miss Moon sa pagsisimula ng aming laban. Habang hinihintay na hudyat nito ay iniisip ko kung papaano ko muling maipapalabas ang apoy na nangyari kanina noong makalaban namin sila Eugene at Eulalia.

"Let the battle begin!" sigaw ni Moon. Agad naman akong sinugod ni Usher ng walang pag-aalinlangan ni isang segundo.

Nanlaki ang mga mata nang makita kung gaanong kabilis siyang tumatakbo papalapit sa akin. Wala akong magawa dahil sa mga oras na iyon ay alam kong mas lamang ang kalaban ko kesa sa akin.

Ako itong lalaban kay Usher na gamay na gamay na kung papaano gamitin ang kaniyang kapangyarihan ay nawawalan na ng pag-asa.

I thought I could last even for a minute but I think that would not be the case for today.

Kitang-kita ang intensiyon ni Usher na gilitan ako sa leeg gamit ang kaniyang bilis at ang kidlat na pumapalibot sa kaniyang kanang kamay.

Pansamantala akong nanatili sa aking kinatatyuan.

Natauhan ako nang mayroon akong narinig na malaks na bulyaw mula sa di kalayuan.

"Go fucking kick that man's ass!"

"Huh?" I uttered.

Mabilis kong inilibot ang ulo ko, nakita ko si Lia na nakatayo malapit sa likod ni Miss Moon. Nakita kong magaling na agad siya at ni walang galos na matatagpuan sa kaniyang katawan.

"Huwag mo sabihing mag-papatalo ka diyan sa mokong na iyan?!" bulyaw niya.

"Oo nga Astrid, kaya mo iyan!" dagdag ni Lilac.

"Sinabi ko naman sa iyo na hindi nararapat ang katulad mong taga-labas na pamamahay na ito hindi ba?"

"Binigyan na kita ng pagkakataong makalayo at tumakas sa mga bagay na baka sakaling ikapahamak mo pero anong ginawa mo?" paghinto ni Usher habang tumatakbo parin ng mabilis papalapit sa akin.

"Nanatili ka parin hindi ba?" wika niya.

"If that's the case then, it's a pleasure to kill someone like you with my own two hands." he was in a rage.

Matapos ko siyang makitang bumubwelo na ng kaniyang pagtama sa akin ay agad akong tumalon papakanan upang iwasan ang lakas ng tama.

Buti nalang ay hindi niya ako naabutan at naka-iwas naman ako kaagad. Sa lakas ng pagkakasuntok niya ay nabutas ang lupa't nag-iwan ito ng malaking uka sa lupa.

What would've happened to me if I hadn't dodged his punch?

Paniguradong wasak-wasak na ang mga lamang loob ko at naka-kalat kung saan-saan.

Crescent Moon: The Peculiars [MOON SERIES #1]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon