3rd month of my pregnancy.
Balak ko nang sabihin kay Mama at sa kapatid ko ang tungkol sa pinagbubuntis ko.
Inaya ko silang dalawa sa sala pinaupo ko silang pareho.
May pag tataka man sa mukha nila sumunod sila sakin at hindi nag salita.
"Ma, Madi may gusto sana akong sabihin sa inyo."
Panimula ko.
Tahimik lang sila naghihintay sa sasabihin ko.
"Ma, Buntis po ako."
Nagulat man ay mahinahon paring nag salita si Mama.
"Si Matthew ba ang ama anak?"
"Hindi po Ma iba po,"
Nahihiya kong turan kay Mama.
"Sinong ama ng anak mo anak? Pwede mo bang sabihin sakin?"
"Ayoko muna pag usapan ang tungkol sa tatay ng anak ko Ma, Kung ok lang po sa inyo hindi pa po ako handa."
"Sorry po Ma"
"Ok anak kung yan ang gusto mo malaki ka na alam mo na ang ginagawa mo."
"Hindi kita papagalitan dahil na buntis ka alam kong mabuti kang bata. At alam ko din darating ang panahon na masasabi mo rin sakin kung sino sya."
Napaluha ako sa sinabi ni Mama sakin.
Hindi ko inakala na magiging kalmado nyang tatanggapin ang pagiging disgrasyada ko.
Niyakap ko sya ng mahigpit
"Salamat Ma sa pang unawa"
Lumayo ako sa pag kakayakap ko sa kanya.
" Ma gusto ko din po palang mag paalam kung ok lang po dun muna tayo sa Batangas sa bahay na binigay ni Lolo,"
"Gusto ko po munang lumayo sana sa syudad."
"Ok lang anak wag mo kami intindihin ng kapatid mo,"
"Kung saan mo balak na lumipat sasama kami sayo kung saan mo gusto."
"Oo nga ate sasamahan ka namin ok lang sakin ang mag probinsya para kay baby sariwang hangin dito kase polluted na."
Wika din ni Madi.
Lalo akong napaiyak sa narinig ko.
Akala ko magiging mahirap para sakin ang pag amin ko kay Mama at Madi akala ko din mahihirapan akong ayain silang lumipat ng ibang lugar.
Sa Batangas kase maka ka tipid ako wala akong kailangan bayaran na upa malapit sa paaralan para kay Madi.
Dun na lang ulit ako maghahanap ng trabaho at magbabagong buhay kasama ng anak ko.
Madalian naming inayos ang pag lilipat inuna ko muna pinaluwas sila Mama at Madi buti na lang bakasyon na din kaya hindi mahirap mag lipat ng school.
Ipapadala na lang via LBC ang requirements nya.
Si Mama naman ay nag sabi sakin na balak nya mag tindahan para makatulong sakin sa gastusin.
Hindi ko na sya tinutulan alam kong excited si Mama sa pag dating ng baby ko at alam ko din na kahit papano maka ka tulong yun kay Mama para hindi ito mainip.
Luma na ang bahay na ipinamana samin magkapatid ni lolo pero maayos naman at may kalakihan din 3 kwarto isang malawak na sala, At sa kabilang gilid ay kainan.
Ok naman daw ang bahay sabi ni Mama walang dapat irepair kaya wala na ulit akong pag kakagastusan.
Nakalipat na sila Mama sa Batangas at ako naman ay nasa pang 4th month ko na saking pag bubuntis hindi halata ang tiyan ko.
BINABASA MO ANG
The Encounter
Romancea simple girl, a loving daughter, a loving sister , a loving girl friend ..her name is Danielle Nicole Canlas short for Dani... until her action change her whole life in blast