CHAPTER 39

1.6K 71 4
                                    


" Daddy alam mo po sabi ng bad girl na nag push sakin kilala ka daw nya kaya sumama po ako sa kanya, kase gusto na kita makita e."

Pag kkwento ni Dylan sa ama nya. Nagkapalagayan agad ang dalawa ng loob at ang dami kaagad nilang napag kwentuhan.

" Sorry Baby ha, wag kang mag alala hahanapin ni Daddy yung babae na yun ipapahuli ko sya sa pulis dahil sa ginawa nya sayo."

" Ok po Daddy bakit po sya bad bakit sya galit kay Mami inagaw ka daw ni Mami sa kanya."

" Bakit ka inagaw? Hindi ka nga namin kasama matagal."

" Hindi ko din alam anak e pero hayaan mo na yun kalimutan na natin yun hinahanap na sya ng pulis. Sa ngayon mag pagaling ka tapos kapag pwede ka na isasama kita sa bahay ni daddy saka papasyal tayo."

Masayang pag iiba ng usapan ni Maddox.

Bigla akong nanigas sa pwesto ko eto na ba kinatatakutan ko?

Kukunin ba ni Maddox ang anak namin?

Kailangan namin pag usapan ang tungkol sa bata. Sana hindi nya kuhain sakin si Dylan ko. Hindi ko kakayanin pag nagkataon.

Hindi ako sumasali sa usapan ng mag ama hinahayaan ko silang mag usap ng tungkol sa kung ano anong bagay.

Hindi rin naman kase ako pinapansin ni Maddox as if wala ako dun.

Naiintindihan ko naman kung bakit sino ba naman kase ang matutuwa kapag malalaman mo na lang na may anak ka pala.

Nagpaalam na lang ako saglit na lalabas ako para hanapin ko sila Mama at Madi.

Para na din masabi ko sa kanila ang nangyari nuon.

Nakita ko sila sa may Canteen ng ospital nag uusap.

" Ma, Madi "

" oh anak nandito ka na pala tapos na kayong mag usap?

" Bakit pala nandito si Sir Maddox anong ginagawa nya dito? Alam ba nya na na ospital ang anak mo?"

" Wait naman mama ang dami mo naman tanong kay ate e hintayin mo kaya si ateng mag kwento ma. Hehehe"

Pang aawat ni Madi kay Mama.

" Sorry ma if nabigla kayo sa pag dating ni Maddox, Actually po Boss ko na sya dati pa sa Anderson Realty sa Makati. Pero bago ko pa po sya maging Boss nagka kilala na po muna kami sa isang gimikan sa BGC nuon."

" Wow ate, kavhog! Destiny yan palagi kayong pinag tatagpo ni Kuya."

" Heh! Magtigil ka nga muna Madi patapusin mo ate mo bago ka sumabat jan kanina sabi mo makinig ako sa kweto ng ate mo tapos ngayon ikaw naman ang sasabat sabat jan."

" Mama naman ang sungit hehehe nakakatuwa lang kase yung simula ng kwento ni ate pang pocket book ang peg hihihi. Sige ate pasok anong nangyari."

Kinikilig nitong turan na kinurot ni Mama ng bahagya .

" Nung nag hiwalay po kami ni Matthew napag pasyahan namin nila Belle at Apple na gumimik para makalimutan ko si Matthew. Dahil sa kalasingan ko po Ma naging mapusok ako. Naibigay ko po kay Maddox ang hindi ko maibigay bigay kay Dylan. I'm Sorry Ma, Dun po nagsimula ang lahat hindi ko rin naman expected na after ilang days mag kikita ulit kami sya bilang boss ko."

" Kaso Ma mapaglaro ang tadhana namin after ilang mons nalaman ko na buntis ako, ayokong ipa ako sa kanya ang baby ko, kase ayokong tangihan nya ako ok lang po kun ako pero yung anak ko ang tatanggihan nya hindi ko po kaya. Kaya nag decide ako na lumipat at umalis ng Manila."

" Im sorry Ma, ngayon ko lang nasabi sa inyo. Kung nabigla ko po kayo. Hindi ko rin po expected na makikita ko sya ngayon dito, Hindi ko po alam kung pano nya nalaman."

" At parang binibiro talaga ako ng tadhana Ma, alam nyo po ba yung pinag ttrabahuhan ko ngayon ay sya rin ang may- ari nung lumuwas ako ng Maynila para kitain ang big Boss namin sya rin po pala yun. Hindi ko naman po kase alam Blue Sky po kase yung dito."

" Wow Ate para kayo sa isa't isa kahit anong gawin mong pag iwas dinadala ka talaga kay kuya."

" Anak anong plano mo ngayon?"

" Hindi ko po alam ma, Natatakot po ako na baka kuhain nya sakin si Dylan."

" Anak karapatan ng tatay yun. Pero dapat pag usapan nyo muna yan."

" Salamat at nag open up ka na samin ng kapatid mo matagal ka na namin hinihintay na mag sabi"

" May dahilan ang Dios kung bakit nangyayari ito sayo ngayon. Mag dasal ka lang para sa guidance na kailangan mo."

" Mukha naman mabait si kuya ate saka kanina pagkakita ko palang sa kanya alam ko na si kuya ang tatay ni Dylan dang gwapo e manang mana pamangkin ko sa kanya. Kuhang kuha ang hulmahan."

Natatawa nitong kumento.

" Kaya pala ate hindi pumasa sayo si Kuya Bernard kase wala sa kalingkingan ni Kuya Doks hihihi.

Kahit papano gumaan ang loob ko dahil sa wakas nasabi ko na din kila mama at kay Madi ang lahat.

Alam kong hindi pa tapos ang problema ko may Maddox pa ako na dapat kausapin at hindi parin nahuhuli ang babaeng nag tulak sa anak ko.

" Bonding pala ngayon ang mag ama mo, Bumalik ka na dun dito na muna kami si Madi imessage mo na lang kami kapag babalik na kami sa kwarto."

" Samahan mo sila dun baka may kailanganin sila."

" OK po Ma,"

" Ate Kiss and make up update mo ako igagawa ko kayo book ni Kuya ahaha i post ko sa wattpad ko."

" Magtigil ka nga jan Madi tigilan mo muna ate mo."

" Ahahah oo na sige sige pero Madi sana wag mo akong gayahin ha."

" Nako ate wala pa akong nakikita na kaseng pogi ni kuya Doks. kapag meron Baka pwede pero sa ngayon puro dugyot na uhugin palang nakaka salamuha ko saka gusto ko pang i enjoy ang buhay ko masaya kapag single hehe."

Iniwan ko na lang muna sila Mama at bumalik sa kwarto namin.

" Hi Mami san na sila Mamita at Tita?

" Nasa Canteen sila anak kumakain."

" Ikaw Mami hindi ka pa nag eat."

" Kami ni Daddy nag Eat nag share kami sa ispagheti ko."

Tumingin ako kay Maddox ngunit hindi man lang ito tumingin sakin kahit nang magbalik ako.

Haist.

Author: Gen

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Author: Gen.MaDani

Happy Reading and if you have a big Heart kindly Follow for updates . Thank you !!

Please leave a comment mga Inangs :)

The EncounterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon