Nakaramdam ako ng takot at pang hihinayang, hindi pa man kompirmado ay nang hihinayang na ako sa maaring sapitin ng tindahan namin.
Hay kung sino man yung bagong may ari ng lupa na yun sana maka isip naman sya ng alternate na paglilipatan ng mga taong masasagasaan nila.
Kinagabihan after ng maliit na salo salo para sa kaarawan ni Madi. Lahat kami ay nag papahinga na si Dylan ay tulog na dahil na pagod sa pakikipag laro kay Bernard.
"Ate" wika ni Madi
"Oh! Bakit bunso?"
"Nabalitaan ko na binabalak ni Mang Nestor na ibenta ang pwesto natin."
Sabay tingin kay Mama.
"Oo anak nabalitaan ko din kanina lang sabi sakin ni Mareng Ester."
Pagsagot ni Mama.
"Ma, Anong plano natin ngayon?"
Pagtanong ko kay Mama, Si Madi naman ay lumapit kay mama para masahihin ang ang ulo nito.
"Salamat anak"
Wika ni mama kay Madi.
"Kakausapin ko bukas si Mang Nestor kong anong plano nya sa tindahan at kung bakit sa iba pa rin natin nabalitaan ni hindi man lang ako kinausap ng matandang yun, Haist."
Palatak ni Mama.
Hanggang sa pagtulog ay dala dala ko sa isip ko kung anong next na gagawin namin kung sakali mang ituloy ni Mang Nestor ang binabalak nitong pag bbenta ng lupa nito.
Kinabukasan maaga si Mama na umalis nang bahay para daw bago mag bukas ng tindahan ay makadaan muna sya kila Mang Nestor.
Ako naman ay mamaya na susunod kay Mama, aasikasuhin ko muna ditto sa bahay at hihintayin ko din munang magising ang aking si Dylan.
Naghahanda na ako ng almusal nang marinig kong umiiyak si Dylan sa aming kwarto.
"What's wrong baby ko? bakit nag c-cry ang baby ng Mommy?"
"Huhu! k-kase y-yung d -dream k-ko po Mommy."
Patuloy na pag iyak ni Dylan habang nag sasalita.
"Bakit baby ko ano yung dream mo? Tell mo kay Mommy help kita."
Pag aalo ko sa kanya at niyakap na kinarga ko sya. Habang patuloy parin si Dylan sa pag iyak.
"Ano yun anak ano yung bad dream mo?"
"M-mommy sa d-dream ko po m-may d-daddy po ako. Tapos k-kasama po n-natin sya."
Natigilan ako sa sinabi ng anak ko, pano napasok sa isip ng anak ko ang tungkol sa tatay nito never naman ito nagbanggit o nag hanap ng tatay.
"Ahm baby kase ,"
Paano ko ba sasabihn sa anak ko ang tungkol sa tatay nya .
"Ah kase baby hindi pa nasasabi ni Mommy kay daddy ang tungkol sayo malayo kase si daddy."
"Kelan po si Daddy pupunta dito? "
"Ahm baby gusto mong dumaan tayo sa SM mamaya bago magpunta sa tindahan tapos daanan din natin yung magiging school mo?"
Pag iiba ko ng usapan alam ko kaseng kapag SM at school na nya ang pag uusapan namin na eexcite ito.
"Sige po Mommy punta tayo po dun bago tayo punta kay Mamita."
Humihikbing sang ayon nya sakin.
Nakalimutan na din nya ang panaginip nya dahil sa pagbanggit ko ng school nya.

BINABASA MO ANG
The Encounter
Romancea simple girl, a loving daughter, a loving sister , a loving girl friend ..her name is Danielle Nicole Canlas short for Dani... until her action change her whole life in blast