CHAPTER 18

1.6K 40 4
                                    



Dylan

"Mommy where is Tito Bernard? Punta kami SM kasama Tita Madi and ate Nina."

"Naku anak busy si Tito Bernard mo ngayon nasa Manila sya may work."

"Tayo na lang mag punta sa SM mami pasyal tayo."

"Sige anak ask natin Tita Madi kung hindi sya busy sama din natin sya."

"Yehey mommy papasyal tayo si Mamita sama din natin mommy."

"Sige anak tanong natin si Mamita."

Kung minsan naiisip ko masyadong ini spoiled ni Bernard si Dylan panay ang labas nung dalawa gala dito kain dun.

Lahat ng gusto ni Dylan palaging sinusunod.

Kapag sinusuway ko naman ang sasabihin nya sakin ay hayaan ko na sya kay Dylan sa ginagawa nya hindi naman daw sobra yun.

Napapa iling na lang ako nakakahiya man pero naiisip ko din nabaka naghahanap din ng Father Figure si Dylan kaya malapit ito kay Bernard.

Isang araw nagulat na lang ako na maaga si Mama na umuwi ng bahay namin.

Madalas kase ang uwi nito ay mga 7 or 8 pm na pero ngayon 2pm palang umuwi na ito.

"Ma bakit ang aga nyo anong meron?"

"May masakit po basa inyo?"

Nagtatakang tanong ko kay Mama.

Habang pinapakain ko ng meryenda si Dylan naka upo kami sa sala ng hapon na yon.

"Naku anak hindi wala naman masakit sakin."

"Eh Bakit po ang aga nyong nagsara ngayon ano pong nangyari?"

"Nag kakagulo ngayon sa may Palengke anak dahil may Eviction notice silang natanggap na 3 mons na lang kailangan na nilang umalis o maka lipat ng ibang pwesto."

"Huh bakit daw po diba government property po yun?"

"At saka diba nag babayad naman sila ng upa nila sa munisipyo."

Takang tanong ko kay Mama.

"Yun nga din ang alam ko anak pero sabi nung isa kong kumare hindi daw,"

"Pag aari daw ng Contis private property ang lupang kinatitirikan ng palengke"

"Eh pano po sila naka pag patayo ng palengke dun kung private property po yun?"

"Naku anak sabi ni mare napabayaan na daw kase talaga yung lupa na yun matagal na panahon na hindi kunukuha kaya nag decide ang City Government na gamitin at patayuan ng palengke,"

"Ang sabi pa yung mga ibinabayad naman daw ng mga nag rerenta ay napupunta sa mismong may ari nito."

Mahabang paliwanag ni mama.

Uminom muna ito ng tubig at bumalik sa sala saka ulit nag salita.

"Kaso nga lang nang dumating daw yung apo ng may ari ay gusto daw hawakan ang property nila na yon at handa nang pamahalaan ang negosyo at ari arian ng ama nito"

Pag kkwento nya ulit sakin.

"Eh Ma anong koneksyon nun satin?"

"Kinakabahan lang ako anak kase ang usap usapan sa bayan patatayuan ng Low Rise Condominium yunug palengke yun ata ang unang proyekto ng apo ng Don."

Napaisip ako kawawa naman yung mga naka pwesto dun saan kaya sila pwedeng lumipat.

"Narinig ko din na nag babalak na bilihin ang mga karatig na establishment para sa expansion ng lupa."

The EncounterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon