CHAPTER 12
Sumakay na sya sa passenger seat pasakay na din sana ako nang masalubong ko ang kanyang mga mata.
"Shemay ang ganda ng mata ni boss ngayon ko lang natitigan ng mabuti nakaka panghina ng puso"
Sigaw ng malandi kong utak.
"What are you doing?!"
Kunot nuo nyang tanong nito sakin.
"Sasakay din boss diba sabi mo get in. Kaya eto sasakay din sa kotse mo"
"Hindi dito sa tabi ko, dun ka sa harap"
Irap na sabi nito sakin.
Ay! Pucha kang pogi ka loko loko.
Para mapag takpan ko ang pagkapahiya ko
"Ay! Sabi ko nga Boss sa harap ako!
"Ikaw naman kase kuya Ford di mo sinabi agad sa harap pala ako uupo."
Pag tatakip ko sa pag kapahiya ko.
Nakita kong natatawa sakin si kuya.
"Bwiset na lalaking to ang arte pwede namang itabi na lang ako sa likod.
Pero ok na din hindi ko din naman alam ano maging reaction ko kung mag kakatabi kami.
Habang daan 9am nasa tapat kami ng greenbelt ng mag salita ang magaling kong boss.
"Dani, I have this feeling na you won't make it to the meeting if you still try to go home and change for a new outfit, Why don't you buy a new one."
Sabay turo nya sa isang store na bukas na ng mga oras na yun.
Sabagay mukhang maiipit nga kami dito sa traffic ni hindi umuusad ang takbo.
"Ok Sir baba na muna ako dito total mukhang traffic pa naman hanggang mamaya."
Makalipas ng 20 mins nang makita ko na unti unti na nang umaandar ang mga sasakyan dali dali akong lumabas at nakita ko na nakatayo na si Maddox sa may pintuan ng passenger seat.
"Dani hurry up what took you so long! Damn! Ma la- late tayo nyan eh!"
Inis nyang talak sakin.
Nakita kong sumakay sya sa tabi ng driver seat kaya kahit naguguluhan pumasok ako sa passenger seat.
"You change your clothes. Bilisan mo"
Pautos nyang sabi sakin.
"What?!"
Gulat kong tanong seryoso ba to dito ako mag papalit ng damit e kitang kita nila akong dalawa!
Mag sasalita pa sana ako ng bumaba ang barrier sa pagitan ng driver at passenger hanggang hindi ko na sila nakita.
"Oh I see may pa epek pala ang car ni Boss kaya pala nasabi nya na dito na ako mag palit."
Dali dali ako nag palit ng suot ko nag ayos na din ako ng buhok ko itinali ko ito bandang likuran nag apply na din ako ng konting blush on at manipis na lipstick.
Voila! Mukha na akong fresh hindi na hagardo versosa.
Maya maya dahan dahan na ulit umakyat ang barrier sa loob ng kotse at naging iisang hangin na ulit ang nilalanghap namin.
Nakita ko na binabasa ni Maddox ang files na ginawa ko nang magsalita ito sakin nang hindi tumitingin.
"What are you looking at?!"
"Wala naman Boss kinakabahan lang ako para sa bidding."
Sabi ko na lang, Kahit ang totoo na dedemonyo ako tignan ang mukha nya hindi ko maamin sa sarili ko na totoong gwapo ang loko kahit pa alam kong ni wala akong mahagilap na pag sisisi na sa kanya ko isinuko ang mahiwaga kong "V".
" You don't have to worry, Everything is Ok"
Sabi nya at sinarado na ang mga files na binabasa nya.
Huh, Yun na yon tapos na nyang basahin. Bilis naman everything is Ok na agad.
" E Boss paano ka naman nakakasiguro na Ok na yan, Pinasadahan lang naman ng tingin mo yung ginawa ko."
Natawa naman si kuya Ford sakin.
" Dani hindi mo ba alam na Harvard Graduate at may Master's Degree and Boss natin. Aside dun CPA passer din yan."
May pag mamayabang na bida ni kuya Ford.
Ok fine! Hindi na lang ako nag salita sa mga sinabi ni kuya.
" Did you eat breakfast?!"
Kapag daka ay tanong ni Maddox.
" Not yet sir, Hindi pa naman po ako gutom."
Nang biglang tumunog ang tyan ko pucha pagkarinig palang sa salitang breakfast naalala nya na gutom pala sya.
Nakita kong gustong matawa ni Maddox dahil sa lakas ng tunog ng tyan ko kahit si kuya Ford ay hindi napigilan na tumawa ng mahina.
"Lintik naman tyan ka hindi ka marunong makisama pinapahiya mo ako ha!"
Nagulat ako ng may ibinato saking tinapay si Maddox Floss from Breadtalk.
San galing yun.
Marahil ay na gets nya ang nag tataka kong mukha kung saan galing ang tinapay.
"Binili ko kanina while waiting ang tagal tagal mong mamili ng damit mo, shopping ata ang ginawa mo dun e"
Ahhh kaya pala nakita kong nasa labas ito ng kotse kanina.
"Eh kase naman Boss yong store na tinuro mo sakin napakamamahal ng mga damit hindi ako na inform kaya sinabi ko sa sales lady hanapan ako ng mga naka sale medyo nahirapan sila."
" Ang oa ng mga presyo eto lang ang nakita kong mura kaya eto na ang kinuha ko."
Hindi na muling nagsalita ang magaling kong boss sa sinabi ko.
Dahil sa tinapay lalong nag ingay ang tyan ko.
"Dani Girl kainin mo na yang tinapay mo ang ingay ingay na ng tyan mo"
Pang aasar pa sakin ni kuya Ford.
Inirapan ko lang si kuya sa pang aasar nya sakin.
"hmp!"
Ka sakin kuya!
Dahil sa sinabi ni kuya Forn dali dali kong binuksan ang plastik at sunod sunod ang pag kagat na ginawa ko nang mapa tigil ako sa pagkain.
"Oh Shit!"
Hindi ako makahinga hindi ako makalunok!
Lintik na yan, tubig!
"Tubig!"
Hindi ako maka makapagsalita nakita ko sa gilid ng mata ko ang worried na mukha ni Maddox pero ang walang hiya saglit lang na pag alala ang nakita ko mukhang gusto nang magaling na lalaking to ang tumawa ng malakas ni hindi man lang ako alukin ng ng tubig!
Nalintikan ka talaga.
Dali daling kumuha si kuya Ford ng bottled water sa compartment at binuksan at inabot sakin.
Habang iniinum ko ang tubig hinimas himas ko ang dibdib ko nakita ko din na naka tingin si Maddox sa minamasahe kong dibdib.
Langyang lalaki na to mamamatay na ako sa pag ka choke iba pa ata nasa isip pero hindi ko na lang sinabi yun baka mapahiya na naman ako.
" Ahh Finally hindi ako namatay sa pag ka choke!"
" Kuya thank you! Dahil sayo nadugtungan ang buhay ko!"
Nahagip ng mata ko ang pigil na pag tawa ni Maddox at biglang pag bago ng seryosong awra ng makita na naka tingin ako sa kanya.
Ang walang hiya talaga tinatawanan lang ako, patay malisya pa!

BINABASA MO ANG
The Encounter
Romansaa simple girl, a loving daughter, a loving sister , a loving girl friend ..her name is Danielle Nicole Canlas short for Dani... until her action change her whole life in blast