Ilang minuto pa ang itinagal ko sa Van,
Nang sa wakas tumapat ang sinasakyan ko sa Ospital na pinagdalahan kay Dylan.
Halos talunin ko na ang pagbaba sa Van na sinasakyan ko.
Naninnikip ang dibdib ko sa takot hindi ako makahinga.
Halos gusto kong isuka lahat ng ikinain ko kanina sa nararamdaman ko ngayon lang ako natakot nang ganito.
"Miss ako yun nanay nung batang dinala dito Dylan Canlas ang pangalan nya saan ko sya pwedeng puntahan? "
Umiiyak at nanginginig kong tanong sa nurse na nakita ko sa Reception Area.
"Ay maam kayo po pala pakihintay na lang po dinala po sa emergency room ang bata."
" Paki hintay lang po sa waiting area Ma'am"
" Gusto kong makita ang anak ko miss hindi ko ba sya pwedeng puntahan!"
Napapasigaw kong pag tanong sa nurse naiirita ako bakit ako pag hihintayin sa waiting area ako ang nanay dapat kasama ako ng anak ko.
" Maam sa bandang kaliwa po ang emergency room, kahit po mag punta kayo dun ma'am hindi rin po kayo makakapasok hindi po kayo papayagan."
Hindi ko na hinintay pa ang iba pa nyang sasabihin nag mamadali akong umalis para hanapin ang ER.
Kahit hindi ko masyadong makita ang dinaraanan ko dahil sa pag iyak ko ay pinilit kong makita ang Emergency room Nang makita ko ang adviser ni Dylan na kasama si Mama.
Agad akong napayakap kay Mama para akong nanghihina. Gusto kong makita ang anak ko.
" Ma Anong nangyari kay Dylan"
Umiiyak kong tanong kay Mama nanghihina akong napa upo sa sahig para akong tinakasan ng lakas gusto kong makita ang anak.
" Anak tumayo ka jan halika dun muna tayo sa upuan,"
Bigla binalingan ko ang Adviser ni Dylan
"Ma'am ano pong nagyari sa anak ko panong nangyari na umakyat sya sa 2nd floor ng Building?"
" Sorry mommy lumabas po kase ako saglit sa classroom namin."
" Sabi po ng kaklase nya may babae daw na tumawag kay Dylan at isinama sa 2nd floor medyo natagalan po ako sa pagbalik sa classroom namin at hindi ko din po agad napansin na nawawala si Dylan."
" Sorry po mami kasalanan ko po ito,"
Umiiyak sa takot na sagot sakin ng teacher ni Dylan.
"Kalma ka anak kinausap ko na ang directress ng school ni Dylan mabuti at may cctv ang paaralan ni Dylan inaalam na nila kung sino ang tumawag kay Dy."
"Ma pano kung malala ang inabot ni Dylan paano kung hindi agad sya nakita?"
Hindi ko mapigil ang luha ko gusto kong kumalma pero hindi kaya ng puso ko. Pakiramdam ko mamamatay ako sa kaba.
"Wag ka masyadong mag-alala anak pasasaan pa at magiging ok ang apo ko."
Nang biglang magbukas ang pinto ng Emergency room at inilabas ang isang Doctor.
" Hi I'm Dr. Punzalan ako ang attending doctor ng batang pasyente, Sino ang guradian or parent ng bata?"
" Ako po Doc ang Mommy ng bata, Kamusta po doc ang lagay ng anak ko?"
" Hello po misis, As of now po mag undergo po ng CTScan si baby para malaman natin if meron internal damage, ililipat po muna sya in a while, and about sa left arm nya kailangan nating i cast dahil nabalian sya ng buto."
" Sa ibang parts naman po misis me mga minor bruises sya sa arms and legs."
" Let's hope for the best na nothing fatal sa ulo nya. And buti na lang din agad syang nakita sa pagkakahulog nya at naisugod agad dito sa Ospital."
" Ganon po ba Doc Pwede ko po bang puntahan ang anak ko?"
Umiiyak kong pagkausap sa Doc. Sa totoo lang hindi ko naman masyadong maintidihan ang sinasabi nya ang importante sakin ngayon ay makita ang baby ko.
" Ok naman misis pero isa lang sa inyo ang pwedeng pumasok sa loob."
" opo Doc ako lang po"
" And kapag natapos na ang CTScan ni baby Misis kapag ok at walang problema pwede na natin syang ilipat sa pang pribadong kwarto."
"Ok po Doc Sige po."
" Oh Sya Misis Tawagin nyo na lang ako kapag may problema o may tanong kayo nasa reception lang ako madalas kung wala naman ay nag rounds lang ako pwede kayong mag pa assist sa Nurse."
" Ok po Doc Maraming Salamat po sa inyo."
Pagpapasalamat ni Mama.
Ang sikip sikip ng dibdib ko sa nangyari sa anak ko. Hindi ko akalain na mangyayari samin to.
Umiiyak ako na nag paalam kay Mama na papasok na muna ako sa loob.
Tinanguan at hinawakan sa kamay ang teacher ni Dy naawa na din ako dito dahil kanina pa nag iiyak.
Alam kong sobrang guilty ito sa nangyari hindi ko naman ito masisisi sa pangyayari.
Nang makapasok ako sa loob ng ER halos madurog ang puso ko sa sobrang habag sa itsura ng anak ko.
Nakabalot ang ulo ng benda may mga galos sa braso at binti.
Ang kaliwang kamay ay naka cast.
"Huhuhu anak ko sorry ano bang nangyari sayo? Bakit ka sumama sa taong hindi mo kilala"
" Nandito lang si Mami anak hindi kita iiwan."
" Laban ka lang anak ha. Hihintayin kita saka si mamita at si Tita Madi mo.
Alam kong hindi ako maririnig ngayo ng anak ko pero gusto ko syang kausapin ng kausapin.
Kahit na wala akong ginawa kung hindi ang umiyak.
Dios ko napakaliit pa ng anak ko para maka ranas ng ganito sino ba ang walang puso na yun ang gumawa samin nito.
Wala naman akong matandaan na kaaway ko.
Wala naman akong kilala na may galit sakin o sa pamilya ko.
Dahan dahan akong lumapit sa anak ko at maingat kong hinawakan ang kanyang kamay.
"Anak pagaling ka kagad ha miss ka na kagad ni Mama e di ba sabi mo ako susundo sayo sa school. Bakit hindi mo naman ako hinintay papunta na ako sayo e."
"Alam mo ba anak kasama ko si daddy mo kanina, diba gusto mo na syang makilala. Pagaling ka kagad pag gising ka na at magaling ka na ipapakilala ko na si daddy sayo promise ni Mami yan sayo PLease anak pagaling agad ikaw."
Umiiyak kong bulong sa anak ko. Kung ito lang ang makapag pamulat ng mata nya gagawin ko para lang maging masaya ang anak ko.

BINABASA MO ANG
The Encounter
Romancea simple girl, a loving daughter, a loving sister , a loving girl friend ..her name is Danielle Nicole Canlas short for Dani... until her action change her whole life in blast