CHAPTER 24

1.6K 60 2
                                    

CHAPTER 24

Sabado ng umaga masaya kaming nag aalmusal hindi muna kami mag bubukas ng maaga kase balak naming mamasyal sa SM dahil request ng mahal kong anak.

Nang makatanggap kami ng tawag kay Uncle John.

"Hija Hello sa inyo kamusta na kayo jan?"

"Hi Uncle ok naman po kami kayo po kamusta naman po kayo matagal na panahon nap o tayong hindi nag kita."

"Oo nga Hija, kaya nga pala ako napatawag sa inyo Hija gusto kong ipaalam sa inyo na nasa Ospital ang iyong Papa, Maari mo bang ipasabi sayong Mama."

Hindi na ako nag salita sa sinabi ni Uncle at hinayaan ko na lang na si Mama ang makipag usap sa kanya.

Natapos ang pag uusap nila at nabalitaan namin na nasa Ospital si Papa at matagal na pala itong iniwanan ng magaling na si Tita Emilia.

Wala akong nagawa ng mag pasya si Mama na puntahan si Papa sa Ospital.

Ayaw naman sumama ni Madi sa pag luwas dahil hindi naman daw nya kilala si Papa hindi namin din sya mapilit dahil hindi naman nya ito naka gisnan na ama.

Habang wala si Mama ako ang natoka sa pag babantay sa tindahan palitan kami ni Madi.

At dahil hindi kalakihan ang pwesto naming kaya hindi na naming naisasama si Dylan para mag tinda.

Nakabalik na si Mama sa bahay at nasabi nya rin samin na malubha ang kalagayan ni Papa balak na daw ibenta ang bahay nito para may pang tustos sa pang Ospital. Ngunit hindi parin sapat yun ipang bayad.

"Sige Ma wag ka nap o masyadong mag alala sa gastusin aside sa tindahan natin na kahit papano naman ako kumikita mag try din po akong mag hanap ng trabaho para pandagdag sa pang gastos ni Papa."

"Naku maraming salamat anak maraming maraming salamat nakakahiya man sayo pero malaking tulong ito sa ama mo. Ako na lang muna ang bahala kay Dylan kapag mag ttrabaho ka."

"Ok po Ma."

Dahil sa pangyayari sa amin mas minabuti kong mag apply na lang muna ng trabaho. Tamang tama may nakita ako sa SM na office Blue Sky Realty Corp.

I got hired immediately dahil na din sa background experience ko kahit na matagal na ako last nakapag trabaho ay ok lang sa kanila.

"Ma, Natanggap po ako sa inapplyan kong work jan sa SM sa Blue Sky Realty"

Pag aanunsyo ko sa kanila ng makauwi ako.

"Talaga ate ang galing naman unang try mo palang tanggap ka na!"

"Sa bagay ate yan nga pala ang porte mo diba sa realty ka din sa Makati nuon?"

"Oo Madi kaya na kakatuwa nga same lang din ang magiging trabaho ko sa kanila assistant"

"Congrats anak at natanggap ka kagad."

"Nakakatuwa naman yan, Maraming Salamat ulit sa gagawin mo anak "
Naluluhang pagpapasalamat ni Mama sakin .

" Ano ka ba Mama ok lang po yun, ang Problema ko na lang ay ang aking Baby Dylan"

Sabay baling ko kay Dulan na Busy sa pagkain ng Spaghetti.

"Hello baby pa kiss nga si Mama "

"Mommy mommy mag work nap o ikaw? Sabi mamita mag work daw po ikaw"

"Oo anak e ok lang ba sayo na mag work na muna si Mommy ?"
"Opo mommy ok lang po basta sasama mo ako sa work mo hihihi "

"Hala anak hindi kase pwedeng magsama ng baby dun pero susubukan ni mommy kung papayag ang boss ko ha hihi"

"Yehey! Yehey! Sasama ako kay Mommy"

"Yes anak kapag pwede dadalhin kita saka anak sa SM ako mag work kaya pwede mo akong dalawin sa work ko pwede kayo pasyal pasyal dun tita Madi"

"Wow! Talaga Mommy ta SM ka po work ang laki naman ng office mo mommy"

"Sasabihin k okay tito Bernard kapag umuwi na sya punta kami sayo Mami."

Nag tatalon sa tuwa ang anak ko mas na excite pa sya sakin na mag trabaho dahil sa kaalaman na sa loob ng SM ang magiging Office ko.

Matuling lumipas ang mga araw 2 months na rin ako halos nag ttrabaho sa Blue Sky. Paminsan minsan dinadalaw ako nila Mama sa Office.

Hindi na ulit kami nag tagpo ni Maddox ewan ko pero sa isiping hindi na ulit kami nag kita sumusikip ang dibdib ko.

Pero binabalewala ko na lang yun, Tama wag na lang akong umasa na me ibigsabihin ang mga sinabi nya saakin sa palengke nuon .

Si Papa naman ay naka confine pa rin hindi pa bumubuti ang kalagayan.

Malapit nang mag pasukan sa susunod na Bwan papasuk na sa paaralan ang Baby Dylan ko Nursery 1 at excited na ang bata.

"Mommy ilang tulog na lang po para pumasok ako ?"

"Ahaha anak medyo madami pang tulog e lagpas kamay ko pa "

Natatawa kong sabi sa kanya.

"Dani may ipapagawa pala ako sayo kung ok lang ikaw na lang muna ang lumuwas ng Maynila"

"Po?"

Nagtatakang napatingin ako sa Managing Director namin.

"May ipapadala sana ako sayong mga Files sa Main Office natin e hindi kase ako makaka byahe may sakin ang Anak ko."

"Asap kase ito need ni Big Boss na makuha ang files na dadalhin mo."

"Ah ganon po ba Sir Kailan po ba ako dapat lumuwas?"
"Kung kaya mo sana bukas na bukas din pwede ka na ngayon mag half day para makapagpahinga ka at makapag ayos, Don't worry hindi ibabawas sa sahod mo ang pag half day mo."

"Ah ganon po ba sir sige po, wala pong problema,"

"Nga pala Dani I ttxt ko sayo ang Address na Main Office natin pati ang taong imeet mo ha. Salamat talaga Alam mo na wala parin yung Secretary ko hanggang ngayon dapat sya ang gagawa nyan e."

"Ok lang sir walang problema."

Nang makauwi na ako nag paalam ako kay Mama na luluwas ako ng manila para sa trabaho agad akong nag ayos ng dadalhin kong mga gamit sabi kase sakin ni sir pwede daw akong mag stay sa isa sa hotel na pag aari ng Big boss namin ang Blue Sky Hotel in Taguig habang nag hihintay ako ng txt nya.

AUTHOR'S NOTE

PAG PACENCIAHAN NYO NA PO KUNG MEDYO MATAGAL ANG UPDATE KO NAGING BUSY LANG PO PASUKAN NA KASE NG MGA BAGEST KO :) 

MARAMING SALAMAT SA SUPORTA NYO 

WAG PO KALIMUTAN TO VOTE AND LEAVE YOUR COMMENT NAKAKA TUWA PONG MAG BASA NG MGA COMMENT NYO NAKAKA ENGANYO LALO NA PAG IGIHAN KO ANG PAG SULAT.

MARAMING SALAMAT PO ULIT :)


The EncounterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon