Nang makarating ako sa Office namin ay dali dali akong pumwesto sa table ko. Hindi ko napansin ang lalaking lumabas sa office ng Manager namin dahil abala na agad ang isip ko sa mga pending files na hindi ko na tapos para makapag paalam ako para masundo ko si Dylan sa school.
Nang biglang may bumulong sa tenga ko.
"Good Morning I miss you " Halos maramdam ko ang labi nito sa tenga ko.
" Ay kabayong bakla!"
Banggit ko sa pagka gulat. At biglang harap sa kung sino man yung nanggugulat na yun.
Ngunit sa pag harap ko ay ang nakakalokong ngisi ni Maddox na animo ay batang tuwang tuwasa ginawang pang gugulat sakin.
Agad kong iginala ang aking paningin sa kasamaang palad naka tawag ng attention ang pag kagulat ko. Ano ba tong lalaking to sinabi ko na na ayaw ko ng attention nakakahiya ayaw kong pag usapan ng mga tao.
" Ay Good Morning Boss!"
Pag didiin ko sa salitang Boss.
Ngunit sa pagka gulat ko lalo bigla na lang ako nitong dinaplisan ng halik!
Hindi agad ako naka kilos sa kinatatayuan ko. Walastik talagang lalaki to The Moves!
"Anak ng tinapa naman!"
Napipika kong sita sa kanya sabay tingin ulit sa paligid.
Buti na lang mukhang balewala sa mga kasama ko ang paglapit sakin ni Maddox.
" Ano ba boss!"
Nanggigigil kong sita sa kanya. Mas hininaan ko pa ang boses ko.
" What?"
Natatawa nitong sagot sakin.
Aba't ang loko na to anong trip nito.
" Pwede ba wag mo ko kulitin nakikita mo na nag ttrabaho ako diba saka nakakahiya baka mapag-usapan ako dito!"
Naiinis kong sita sa kanya.
" I'm the Boss hindi ko ba pwedeng lapitan at kamustahin ang babaeng gusto ko?Saka bakit ba tinatarayan mo ako agad ngayon lang ulit tayo nagkita na miss kita saka yung amoy mo."
Pangungulit pa nya sakin na lalo kong kinainis.
"Pwede ba hinaan mo yang boses mo"
Pagsita ko pa sa kanya
Ano ba naman tong tao na to kapag sinusuway lalong nangungulit.
Hindi ko na lang sya pinansin at nagpatuloy sa ginagawa ko.
Kahit nahihiya sa attention na ginagawa nya kahit na pinagtitinginan na kami ng mga kasamahan ko ay hinayaan ko na lang, Hindi naman ako mananalo sa lalaking to baka lalo pa ako maka cause ng scene.
Nang walang sabi sabing hinawakan ako sa kamay at hinila palabas ng Office.
" Ano ba Boss bakit ka ba bigla bigla nanghihila alam mo bang nilalagay mo ako sa kahihiyan!"
" Bakit naman kita nilalagay sa kahihiyan?"
"Nakakahiya ba akong kasama? Nakakahiya ba mukha ko para sayo? Hindi ba ako magandang lalaki sa paningin mo!"
Bigla ay naiinis nitong turan sakin.
Ay sus!
"Seryoso ka ba Maddox yan ang iniisip mo?! Sino ba nag sabing hindi ka magandang lalaki? Lahat ata ng tao magugustuhan ka lalo na nang mga babae! "
" Ang ibig kong sabihin e nakakahiya kase pag uusapan ako ng mga tao sa opisina! Ano na lang sasabihin nila sakin na kay bago bago e malapit agad ako sayo"
" Ah yun ba ibig mong sabihin ayusin mo kase pagkakasabi mo"
" Feeling ko kase ang panget panget ko kaya kinakahiya mo ako, saka e ano naman kung ano isipin nila matagal na tayong mag kakilala gusto mo ba sabihin ko sa kanila na higit pa sa mag kakilala lang tayo na may nakaraan tayo, Gusto mo ba sabihin ko rin na nagshare na tayo sa kama ko, para hindi ka na ma bother sa sasabihin nila."
Seryosong wika nito sakin. Aba't loko talaga hirap talaga ispelengin ng ugali nito.
"Ano ka ba Maddox anong pinag sasabi mo jan! Hindi yun ang ibig kong sabihin! Nakakainis ka na natutuyuan ako ng dugo sayo!"
"Wag kang mag alala kapag natuyuan ka ng dugo papasalinan kita"
Natatawa nitong sagot sakin.
Imbes na makipagtalo ulit
" Saan mo ba ako dadalhin, Bakit mo ako bigla bigla hinila babalik ako sa opisina magpapaalam ako kay Mr. Martinez."
" No, no need ipinagpaalam na kita, samahan mo ako mag Brunch muna tayo alam mo bang ang aga kong lumuwas wala pa akong kain at wala parin akong maayos na tulog, Halika na wag mo na akong awayin at sermonan"
Hinayaan ko na lang sya sa gusto nya tutal mag lunch break na din naman.
Patapos na akong kumain, As usual napaka dami na naman nitong inorder na pagkain aakalain mong 5 tao ang kakain sa dami.
Halos patapos na din akong kumain at hindi ako mapakali malapit na kaseng mag uwian sila Dylan at hindi pa ako nakakapag paalam sa Manager ko ayokong na ngangako sa anak ko tapos hindi ko nagagawa.ayaw na ayaw ko na na di disappoint sakin ang baby ko.
Nang makatanggap ako ng tawag.
Galing sa Teacher ni Dylan. Nagpaalam ako kay Maddox na sasagutin ko ang tawag tutal naman tapos na din ako kumain.
" Yes hello Ma'am? Kamusta po? Kamusta po si Dylan ?May problema po ba?"
" Mommy wag po kayong mabibigla ha, me nangyari kase kay Dylan, on the way po kami St. Dominique Hospital Medical Center tinawagan ko na din po ang Mama nyo, sumunod na lang po kayo. Dun ko na lang po sasabihn sa inyo ang nangyari.Bilisan nyo na lang po Mami"
Nanginginig ang boses nito halatang may masamang nangyari sa anak ko.
Halos hindi na ako makahinga ng maayos hindi na din ako naka sagot pa sa kausap ko.
Nag mamadali akong bumalik sa opisina at hinanap agad ang mga gamit ko at nag paalam kay Mr. Martinez.
" Sir magpapaalam po sana ako sa inyo ngayon may emergency lang po nangyari sa bahay."
Halos maiyak na ako sa takot at pag aalala.
" Please sir nagmamakaawa po ako payagan nyo po akong mag half day ngayon"
Umiiyak na sabi ko hindi na ako makapag hintay pa sa sasabihin nya.
Akmang aalis na ako nang
"No worries Dani sige you may take your emergency leave i hope nothing serious, Sabihan mo ako kung anong maitutulong ko."
" Sige na umalis ka na"
" Salamat po Sir"
At nagmamadali akong umalis at sumakay ng Shuttle service.
Ngayon ko naisip na sana may taxi o grab na dito sa Batangas.
HIndi ko maiwasang umiyak habang naka upo at naghihintay pinag titinginan na ako ng mga kasakay ko.
Wala na akong pakialam, Nagdadasal ako na sana walang masamang nangyari sa anak ko.
" Dios ko po bakit naman madadala sa ospital ang anak ko anong nangyari sa kanya."
" Lord kayo na pong bahala sa Dylan ko wag nyo po syang papabayaan, Please"
Lahat na ata ng Santo na kilala ko ay napagdasalan ko na.
Gusto ko ring sabihin kay manong driver na pakibilisan ang pag mamaneho.
BINABASA MO ANG
The Encounter
Romancea simple girl, a loving daughter, a loving sister , a loving girl friend ..her name is Danielle Nicole Canlas short for Dani... until her action change her whole life in blast