CHAPTER 2
"Hello Belle! Asan ka? Nasa office ka pa ba? Pwede ba tayong magkita ngayon kung nandyan ka pa or kung naka uwi ka na puntahan kita dyan sa inyo labas tayo I'm broken Belle."
Dire diretso kong sabi kanya sa phone ni hindi ko sya binigyan ng pagkakataon na makapag salita.
"Wow!"
"Wait wait Hinga ng malalim."
Ika ni Belle sa kabilang linya.
"Kakarating ko lang sa bahay sige mag punta ka dito, Dito ka na din kumain ng dinner bago tayo umalis mamaya para makapag ayos ka din, Para naman hindi ganyan ang suot pag gimik. Tawagan ko na din si Apple para isama natin para me ride tayo. Ok ba sayo na isama natin si Apple?"
Si Apple ay kasamahan namin sa trabaho pero ibang department sya ok naman si Apple sakin mabait kalog din at palabiro kaya umoo ako.
"Sige isama natin sya"
Pinipilit ko ang sarili ko na hindi mapaiyak habang kausap ko si Belle ayokong ipakita na mahina ako kahit ang totoo gusto ko nang umiyak.
Dali dali parin ako sa pag lalakad papunta sa sakayan ng mga taxi para makarating agad kila Belle medyo malapit din naman ang bahay nila Belle kung saan kami nag tatrabaho kaya alam ko hindi ganon kamahal ang babayaran ko sa taxi.
Habang lulan ako ng taxi sumikip na naman ang dibdib sa isiping totoong nakipag hiwalay na talaga sakin si Matt akala ko kase si Matt na ang para sakin maalalahanin, mabait at may stable job na din pero alam ko naman na umpisa palang matayog na ang pangarap ni Matt at isa ang pag kuha ng Masteral ang gusto nyang gawin at pinag iipunan nito although galing naman si Matt sa isang maayos na pamilya hindi basta maayos may kaya sila sa buhay ngunit gusto nito na sya ang bahala sa kanya sarili, Palaging meron gustong patunayan dahil sa inggit sa naka tatandang kapatid na paborito umano ng mga magulang nya dahil magaling ito.
Iniisip ko kasalanan ko din siguro talaga ang lahat kung bakit to nangyayari sakin, Dahil sa takot ko sa pakikipag relasyon dahil sa sinapit ng nanay ko sa magaling kong ama, pati puso at isip ko ay nag aalinlangan kung tama ba ako sa ginagawa ko kagaya ng pag suko ng sarili ko kay Matt.
Dahil na uunahan ako ng kung anu anung masa samang "WHAT IF ganito" "What IF ganun"
Impit akong napaiyak sa sakit na nararamdaman ko mahal ko talaga si Matt at hindi ko lubos maisip na ganito lang matatapos ang pag iibigan naming.
Napaka babaw na dahilan para sakin ang mga sinabi ni Matt pero hindi ko talaga matanggap na ganon lang nya itatapon ang halos tatlong taon naming pinagsamahan nakakapanghinayang at hindi ko matanggap na sa ganitong paraan nya ako hihiwalayan napaka ungentlemanly.
Kadarating ko lang kila Belle sakto Nag hahanda na ng Dinner ang mama ni Bell na si Tita Corazon may kaya sila Belle kung tutuusin kahit hindi na ito mag trabaho ay ayus lang dahil me business ang family nila at kaya syang buhayin ng magulang nito.
Ewan ko nga ba sa babae na to bakit ayaw nyang mag trabaho sa sariling Kompanya ng ama nito, For sure mataas agad ang katungkulan nito dun kung nag kataon.
Kaso ang rason naman sakin ni Belle ay gusto daw muna nya ma experience ang outside world na hindi kasama o minamanduhan ng tatay nito, Kaya hindi na lang ako nag kokomento dito tungkol dun.
Inaya na ako ni Tita Corazon na dumulog na sa hapag kainan at tatawagin lang daw saglit si Belle sa kwarto nito kaya sumunod na lang ako.
Sanay na din naman ako sa ganito, Matagal na kami mag kaibigan ni Belle simula High School pa, dahil sa scholarship ko kaya nakapag aral ako sa maayos na paaralan kagaya ng kay Belle, Kase kung wala yun baka hindi din ako nag tagal dun sa paaralan na yun.
Nasa hapag kainan na ako ng pumasok si Belle at tinitigan ako na nag tatanong kung ok lang ba ako.
Tumango na lang ako sa kanya ng hindi nag sasalita at sabay sabay na kaming kumain kasabay ng Mama at Daddy ni Belle.
Panaka nakang sumasali ako sa kanilang usapan para hindi naman mag hinala si Tita sa sitwasyon ko ngayon, Kagaya ng mag tanong si tita kung may lakad daw ba kami ni Belle ngayon.
"San ang lakad nyo ngayon ni Belle? Gigimik ba kayo ngayon?"
"Gigimik po sana kami ni Belle ngayon Tita kung ok lang po sa inyo ipag papaalam ko na din po si Belle sana"
Na nilagyan ko pa ng kiming ngiti.
"Hay nako kayong mga bata kayo nung panahon namin wala kaming ganyang gimik gimik. "
Saad ni tita samin
"Anu ka ba Mahal iba na ang panahon ngayon kesa sa panahon natin"
Saad ni Tito Seb ang Daddy ni Belle. Napa ikot naman ang mata ni Tita sa tinuran ni Tito at medyo na patawa naman ako sa inasal ng mag asawa.
Minsan maiisip ko na ang swerte ni Belle kila Tita at Tito kase super mahal na mahal ni Tito ang asawa nito hindi kagaya ng magaling kong ama.
"Saan nyo ba balak ngayon magpunta?"
Tanong ni Tita samin
"Wala pa po kaming eksaktong pupuntahan Tita mag iikot po muna kami siguro at kung saan mapadpad kasama din po pala namin si Apple siya ang susundo samin mamaya."
"Hay ewan ko sa inyong mga bata kayo!"
Palatak ni Tita
"Ano bang nahihita nyo sa pag gimik na yan"
"Mama naman! Anong bata ka dyan adult na kami ni Dani Girl, Hindi na kami bata saka yan ang IN ngayon ang BAR Hoping at Partey partey! Buti nga hindi ako talaga nag Ba-Bar madalas 2nd time palang Ngayon "
Mahabang wika ni Belle.
"Gusto lang namin mag Unwind ni Dani nakaka toxic kaya ang trabaho bahay trabaho bahay!"
Biglang mag salita si Tito
"Sige na sige na tandaan mo Belle me usapan tayong dalawa i-enjoy mo ang FREEDOM na sinasabi mo, Dahil kapag dumating na ang time mo sa Company natin."
Na may pag babantang matang nakatinging kay Belle.
"Tapos yang FREEDOM mo at need mo na mag seryoso."
Pahabol na sabi ni Tito kay Belle .
Tahimik lang ako sa discussion nila hindi na ulit ako nakapag salita naiisip ko na naman ni Matt.

BINABASA MO ANG
The Encounter
Romansaa simple girl, a loving daughter, a loving sister , a loving girl friend ..her name is Danielle Nicole Canlas short for Dani... until her action change her whole life in blast