Matuling lumipas ang 3 Buwan, Marami sa mga tenants ang naka aalis na sa mga pwesto nila at naka lipat na iilan na lang ang hindi pa nakaka paglipat dahil sa kakulangan ng pondo.
Ang usap usapan ay gigibain at sisirain ang naturang lugar para lagyan ng Mid Rise Condominium. Dahil City Proper kaya may potential kaya mas nag pursige ang mga may ari ng lupa na bilihin ang mga karatig na establishments.
Ang alam namin ay tinangihan ni Mang Nestor ang offer ng naturang developer kaya nagulat na lang si Mama isang araw.
"Mang Nestor akala ko po hindi nyo ibbenta ang pwesto nyo?"
Maang na tanong ni Mama,
Mag bubukas na sana si Mama ng tindahan ng maabutan nya si Mang Nestor at may kasama itong mga tao na mukha sila ang bibili ng lupa.
"Naku Reyna mabuti at nandito ka na,"
"Biglaan ga aring gagawin ko, pacencia na talaga gawa ng yung akin gang anak ay kailangan ng pera."
Hinging paumanhin ni Mang Nestor.
Habang tahimik lang ang mga taong kausap nya kanina at nakikinig.
"Saglit lang Mang Nestor tatawagan ko lang si Dani ko."
Natatarantang wika ni Reyna kay mang Nestor.
Kailangan kong ipaalam ito kay Dani.
"Hello anak, nandito ngayon si Mang Nestor sa tindahan kasama nya ang bibili ng lupa nya maari mo ba akong samahan dito ngayon."
Nababahalang sabi ni Mama sa akin.
"Ha? Ano yun Ma, Bakit biglaan naman po ata yan saglit lang po Ma gigisingin ko lang si Madi para masamahan si Dylan dito sa kwarto. Hintayin mo ako Ma."
At nag mamadali akong lumabas ng kwarto at kumatok silid na ginagamit ni Madi.
Pinakiusapan ko na muna ang kapati ko na samahan saglit ang si Dylan at wag na munang pumasok sa eskwelahan nito.
Nagmamadali akong naligo at nag bihis, Ni hindi ko na naayos ang pagsuklay ko ng buhok.
Nag mamadali akong lumabas ng bahay naming at naghihintay ng masasakyan ng Makita ako ni Bernarn.
"Dani Good Morning san ang punta mo ngayon?"
"Sa tindahan Bernard tumawag kase sakin si Mama mukhang may problema nandun daw si Mang Nestor at yung mga bibili ata ng lupa"
"Ay ganon ba! Halika na sumabay ka na sakin ihahatid na kita baka wala ka masakyan me pasok ang mga estudyante ngayon punuan ang mga pampasaherong sasakyan ng mga ganitong oras."
"Sige Bernard hindi ko na tatanggihan ang alok mo buti na lang nandito ka pala."
"Saan ba ang lakad mo at ang aga mo ata ngayon "
Tanong ko kay Bernard Naka pustura kase ito ke aga aga .
"Pabalik na ako ng Manila ngayon alam mo na trabaho. Halika na sakay ka na."
Nang gabing umakyat sakin ng ligaw si Bernard ay tinapat ko din agad sya.
Hindi na ako nag paligoy ligoy po nang gabing yon ayoko kaseng paasahin sya ayokong masira ang pag kakaibigan namin.
"Ah..Bernard tungkol sa gagawing mong pan liligaw sakin, Ano kase"
Hindi ko alam kung anong sasabihin ko sa kanya nung umpisa ayoko kaseng masaktan sya.
"Ahm. Baka kase hindi ko masuklian ang pag mamahal na inaalok mo sakin."
"Ang attention ko ngayon ay naka Dylan sya ang pinaka importante sakin wala pa sa isip ko ang umibig ulit."
BINABASA MO ANG
The Encounter
Romancea simple girl, a loving daughter, a loving sister , a loving girl friend ..her name is Danielle Nicole Canlas short for Dani... until her action change her whole life in blast