CHAPTER 37

1.5K 57 3
                                    

CHAPTER 37

DANI'S POV

It's been 4days since the accident and thank God! Walang masyadong damage sa baby ko.

Nalipat na rin sa private room si Dylan hindi muna ako nag tanong sa unang araw ng pag gising ni Dylan ayoko muna syang biglain.

Pero on his 2nd day siya na mismo ang nag open ng topic sakin.

" Mommy sabi nung girl na nakausap ko kilala daw po nya si Daddy."

" Huh? Yung sinamahan mo ba yun anak?"

"Opo hindi po ako sasama sa kanya pero sabi nya sakin kilala nya si Daddy isasama nya daw po ako."

" Nag akyat kami sa taas mami akala ko dun si Daddy. Pero wala si daddy dun."

" Tapos mami nagagalit sakin yung girl. Sabi nya kinuha mo daw si daddy sa kanya."

Nakikinig lang ako sa sinasabi ng anak ko pati sila mama ay nakikinig lang din.

" Apo ano pang sinabi sayo nung babae?"

" Mamita galit sya kay mami e kinuha nya daw si Daddy"

" Bakit kinuha ni mami si Daddy e dib a wala nga si daddy satin?"

Hindi ko alam kung ano ang sasabihin ko sa mga sinasabi ng anak ko. Naninikip ang dibdib ko sa kaalamang yun ang dahilan kong bakit napahamak ito.

Dahil sakin, Hindi ko alam kung sino ang babae na yun pero may pakiramdam akong kilala ko ang tinutukoy na anak ko.

Sa ngayon hindi ko pa alam ang gagawin ko ang mahalaga sa akin ay maayos at mahuli kung sinu ang may kasalanan.

Mabuti na lang may CCTV camera ang naturang school ni Dylan. Pero hindi ko magawang tignan o panuorin kung anong nangyari.

Kahit si Mama ay hindi kayang panuorin ang nangyari kaya minabuti na lang namin na si Madi na lang ang tumingin.

Nag papasalamat ako dahil kahit papano ay mapapabilis ang kaso dahil sa CCTV at kasalukuyang pinaghahanap na ngayon ang babaeng nasa video.

" Anak pasensya ka na ha, naranasan mo to. Hindi ni Mami alam kung sinu yung babae pero wag ka mag alala ipapahuli natin sa pulis yun kase bad ginawa nya sayo."

" Sabi ko nga mami dun sa girl hindi ko alam kung kung nasan si daddy, sabi ko sa kanya wag sya magalit sayo."

" Tapos lalo sya nagalit sakin mami hawak nya ako masakit sa arms ko tapos tinatakot nya ako huhulog nya ako sa hagdanan tapos tinulak nya ako mami."

Pag kkwento pa ni Dylan sa nangyari. Naiiyak ako sa sinapit ng anak ko napaka bata pa nito para maunawaan ang nangyari sa kanya.

"Sorry anak ha,papahulo natin yun sa pulis."

"Ano pala gusto mo eat ngayon babyko?"

Pag iiba ko ng usapan namin as much as possible ayaw ko na pag usapan pa yun gusto kong makalimutan nya ang nangyari. Pati na rin yung hitsura nung babaeng tinutukoy nya.

"Gusto mo ban g Jollibee ngayon? Bibili ka ni mami"

" Yehey sige po mami gusto ko ng ispaghetti saka ice cream. Saka fries po"

" Wow ang dami naman gusto kainin ng baby namin nay an!"

Masiglang singit ni Madi.

" Baby Dylan sabi pala tito Bernard pupunta sya dito sayo dadalawin ka nya."

" Yehey asan na po Tito Bernard? Tita Madi? Kalian daw po sya punta dito?"

" Baka mamaya o bukas baby paluwas palang sya e"

" Sige po, Mami Jollibee ko po ha."

" Ok anak sige bibili na si mami. Wait mo lang ako ha."

Lalabas na sana ako nang sa pagpihit ko ay nakita ko si Maddox sa labas ng pintuan ng pribadong kwarto namin.

Hindi ko alam kung anong gagawin ko bigla akong nanigas sa kinatatayuan.

Anong ginagawa nito dito? Bakit ito nandito? Kalian pa to nandito?

Sabay iniikot ko ang aking paningin kung may nakapansin basa kanya kila mama at Madi.

Buti na lang abala sila sa pag kausap kay Dylan at hindi nila namalayan na may tao sa labas ng pintuan namin.

Dali dali akong nag paalam sa kanila.

" Ma lalabas na muna ako para dumaan sa Jollibee ha, Baby wait mo ako "

" Ok po Mami "

Nagmamadali akong lumabas ng kwarto namin at agad kong nilapitan at hinawakan sa kamay si Maddox.

" Anong ginagawa mo dito? Kailan ka pa nasa labas ng kwarto namin? Bakit ka nandito?"

Sunod sunod ko ng tanong sa kanya. Kasabay ng pag hila ko sa kanya papalayo sa kwarto papuntang labas ng ospital.

" Magsalita ka Boss! Anong ginagawa mo dito at paano mo nalaman na nandito ako."

" Ang dami mong tanong sakin paano kita sasagutin kinakaladkad mo din ako kung saan!"

Seryosong sagot sakin ni Maddox.

" Saan ba tayo pupunta?"

" Sa labas, Bakit ka nandito anong ginagawa mo dito."

Pagtatanong ko pa sa kanya.

" Pinuntahan kita, Bigla mo akong iniwan sa Gringo hindi ko alam kung saan ka nagpunta and ilang araw ka nang hindi pumapasok sabi ni Martinez."

" Paano mo nalaman na nandito ako sa Ospital?"

" I have my ways Dani. Now you talk where are we going? And who's inside of the room?"

Seryosong tanong nya sakin.

Hindi ko alam kung pano ko sasagutin ang mga tanong nya, eto nab a ang oras para ipaalam ko sa kanya ang tungkol kay Dylan.

Bahala na. Basta sa ngayon kahit kinakabahan ako, mas nananaig ang tuwa sa puso ko sa kaalamang nandito sya ngayon at kasama ko.

" Papunta akong Jollibee ngayon kumain ka na ba?"

" Kumakain ka ba ng Jollibee?"

Pagtatanong ko pa dito.

" Yes kumakain ako."

While ordering tahimik lang na nakikiramdam sakin si Maddox nakakapanibago. Hindi sya nagsasalita at mataman nakatitig lang lang sya madalas sakin.

Hindi ko alam kung ano ang nasa isip nya pero siguro eto na yung oras para isama at ipakilala ko sya sa anak namin.

Sana lang din hindi mabigla si Maddox sa makikita mamaya.

Sana alang din matanggap nya kung ano matutuklasan nya ngayon.

Hindi rin kase ako sigurado if nakita nya sa loob si Dylan.

Hindi na din muna ako nag salita, Natatakot ako sa magiging pag uusap namin.

Hindi ko din namalayan na magkahawak parin kami ng kamay kung hindi pa ako kukuha ng pang bayad ay hindi ko mapapansin ang kamay namin na mag kahawak parin.

It felt good. I can feel security with him around.

The EncounterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon