CHAPTER 25

1.5K 42 3
                                    


Maaga akong lumuwas ng Manila dahil ayokong maipit sa traffic at para maka pag check in din ako agad sa Blue Sky na eexcite ako sa isiping may Free accommodation ako dun lalo na at sagot ng company namin.

Kung ganito ba naman palagi kahit palagi akong utusan ng Director namin para mag hatid ng Files sa Big Boss naming ay Ok na OK sakin baka sa susunod ay isama ko pa si Dylan ko dito para maka pag enjoy din sya matagal tagal na din hindi ako nakaka luwas.

At hindi parin nakakaluwas si Dylan ng Manila kaya pihadong matutuwa ang baby ko nito .

Dahil napaaga ako sa Manila pagkatapos kong mag check in ay nag pahinga na muna ako at tinawagan ko sila Belle at Apple para makipag kita kahit saglit total naman ay BGC parin naman nila nag ttrabaho si Belle ay sa Kumpanya na ng papa nito pero trainee pa muna ayaw daw kase nitong mataas agad na posisyon.

Si Apple naman ay saktong taga Taguig lang din, ewan k okay Apple pero ayaw nitong sabihin samin kung saan na ito lumipat ng trabaho. Masyadong malihim kaya hinayaan na lang naming as long as masaya ito sa buhay nya at maayos naman ay kiber na kaming dalawa ni Belle.

Napag kasunduan naming na sa SM Aura na lang kami mag kita at kumain ng lunch.

Masaya ang naging pag tatagpo namin nag coffee lang muna kami saglit sa The Coffee Bean.

Halos mag hahapon na nang mag paalaman kami sa isat Isa well wala akong natanggap na txt kaya nag enjoy na lang muna ako with my friends.

Nang Bigla ako makatanggap ng txt Address.

"Dani, Anderson City View Condominium @ 5pm Nandun si Boss just wait in the lobby"

" Alam nya na hindi ako ang imeet nya kaya imessege na lang ulit kita."

"Copy Sir."

Of all place!!! Bakit sa Anderson Condo pa!"

Napahawaka ko ng wala sa oras sa ulo ko parang sumakit ata ang ulo ko sa txt na natanggap ko.

"Ok ka lang ba Dani?" Nababahalang tanong ni Belle sakin.

"Oo nga Girl ok ka lang ba bakit ganyan itsura mo kannina lang ang saya saya mo"

"Ano kase I Meet ko ang big Boss namin or tauhan nya hindi ko alam kung sino kaso naman sa Anderson Condo sa lobby ang meeting place!"

"Of all Place baka magkita kami dun ni Maddox"

"Ay oo nga girl naku ahaha e di Hi Hello ka na lang sa kanya hihi"

Kinikilig na sabi ni Apple.

" Susme naman mars anong nakakakilig dun iniiwasan ko na nga e."

"Ano ka ba baka naman hindi rin kayo mag kita dun masyado ka lang na excite sa pagpunta mo naisip mo agad na mag kikita kayo dun ni Maddox.

Pag kontra ni Belle sa usapan naming ni Apple.

Ay Sabagay nga baka hindi din naman siguro masyado lang ako nag iisip ng advance.

"Oh sya baka nga tama ka Belle haist. Uuna na ako sa inyo para maka balik ako sa hotel ko and saka ako pupunta sa Anderson Condominium."

"Ok Girl see you again soon ingat ka and Good luck sa pag kikita nyo mamaya ni Maddox ahaha "

Pabirong paalam ni Apple sakin.

"Ahaha loko ka talaga Apple na kita mo na nga na hindi mapakali si Belle inaasar mo pa!"

"OK ok ok! Aalis na ako, Ikaw talaga Apple kinakabahan na nga ako niloloko mo pa ako"

"Ahahaha ikaw naman pinapagaan ko lang ang nararamdaman mo alam kong na ttense ka sa pag punta mo dun, Pero pwera biro malaki ang chance."

"Oo nga pero wag mo na lang muna isipin yun sya sige Dani umuna ka nang umalis mag paganda ka na din at mag freshen up hihihi malay mo nga"

" Ay nako Belle akala ko ba hindi ahaha ang gulo nyo ha Sya sige na nga uuna na ako sa inyo."

Pag papaalam ko sa kanila malapit lang naman kase ang Blue sky walking distance lang sa SM aura.

Nang makarating ako sa inuukupahan kong Hotel agad akong naligo at nag ayos may isang oras pa ako habang nag papalipas ng oras naiisip ko na naman ang posibilidad na magkita kami ni Maddox sa Condo dahil pag aari nito yon.

Kung ano anon a naiisip ko haist. Tawagan ko na nga lang muna si Baby ko.Kinuha ko ang CP ko sa bag na dala dala ko at nag dial.

"Hello Mama kamusta kayo jan? Asan po si Dylan?"

"Oh Dani eto kakatapos lang mag meryenda nandito sa bahay ngayon si Bernard kakabalik lang ng manila sabi ko nga ay saying hindi kayo nag tagpo e di sana sabay kayong luluwas pabalik."

"Eto si Dylan busy sa pagkain ng Spaghetti pasalubong ni Bernard kakausapin mo ba anak si Dylan?"

"Opo Ma kausapin ko po si Dylan."

Narinig ko pang kausap ni Dylan si Bernard nang iabot ni Mama ang CP nya.

" Oh Baby si Mama mo kakausapin ka daw."

"Hello Mommy asan ka na po? Nandito Mami si Tito Bernard me lubong sya sakin Ispageti"

"Hello baby miss ka na ni mami dito pa ako Manila baby sa susunod isasama kita dito para maka pasyal ka."

"Yehey Mami sabi tito Bernard isasama nya din daw ako sa Manila kapag nag payag ka buti isasama mo din ako jan sa susunod."

"Tito Bernard isasama din ako ni Mami sa susunod sa Manila. Ikaw na lang po sumama samin papasyal tayo."

Pag kausap ni Dylan kay Bernard habang kausap ako.

"Nak I speaker ko tong phone ko ha."

" Ok po Ma sige po "

" Hello Bernard kamusta ka na saying umuwi ka pala jan satin."

" Hi Dani oo nga saying hindi tayo nag kita hanggang kelan ka ba jan sa Manila?"

" Ah ang alam ko baka bukas balik na ako isang araw lang ako kase kikitain ko lang big Boss naming para iabot yung files."

"Paluwas din siguro ako kinabukasan kung wala naman ipagagawa pa sakin ang Manager ko."

" Ay ganon ba nandito pa ako nun akala ko naman mag tatagal ka jan hehehe dito pa ako hanggang next week kaya see you na lang mag ingat ka jan."

"Ah ganon ba buti naman makakapahinga ka din ay sya see you na lang pag uwi ko jan."

"Hello Baby Dy ko baba na ni Mommy tong Phone ha tatawag na lang ulit ako mamaya."

"Ok po Mommy tawag ka po ulit mamaya ha hintayin ko po bago ako mag sleep."

"Ok anak I love you."

"I love you too mami ko "

4:30pm nang mapag desisyunan ko na umalis na ng Hotel. Lalakarin ko na lang din ang papuntang Anderson Condominium kase baka kapag nag taxi pa ako mas maipit pa ako sa kalsada hindi naman ganon kalayo.

The EncounterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon