CHAPTER 45

1.6K 58 11
                                    


CHAPTER 45

Palabas na sana ako ng closet ni Maddox ng bigla itong pumasok at sumandal sa may pintuan.

" Sayo ang mga damit na nanjan I hope you like it. "

Habang pinapasadahan ako nito ng tingin sa katawan ko.

" Mukhang kasya naman sayo ang mga binili ko hindi naman nagbago ang hugis ng katawan mo if I remember it right, kahit may anak na tayo wala naman nagbago sa hugis mo."

Sabay kindat pa nito sa akin.

Nakaw dumali na naman si Maddox kanina lang ang lamig nitong makitungo sakin ngayon naman may pakindat kindat pa.

Pinamulahan tuloy ako ng mukha sa ginawa nito at sa sinabi nitong hindi nagbago ang katawan ko. Ano yun habang binibili nito ang mga damit iniisip nya ang katawan ko. Susme!

Saka wala palang basehan ang inis ko kanina sa akin pala ang mga damit na nandito.

" Ah ganon ba nag-abala ka pa Salamat hindi ko naman kailangan ang mga yan wala naman akong pag susuotan."

Lalong naging pilyo ang ang mukha nito.

" Well hindi ko alam na mas gusto mo palang walang damit kapag kasama ako, parang mas gusto ko yung idea na yun sige bukas na bukas ipapatapon ko na ang mga yan"

Pulang pula ang mukha ko sa mga sinabi ni Maddox mali na naman ata ito ng pag kakaintindi. Haist

" Hindi yun ang ibig kong sabihin Maddox ang dumi ng utak mo ewan ko sayo sige na maliligo na ako"

At nagmamadali akong umalis ng closet at pumasok ng CR nito.

Habnag naliligo hindi maalis sa isip ko ang sinabi nito dumagdag pa ang sitwasyon ko ngayon na dito ako matutulog kasama si Maddox.

Tapos eto pang damit ang nadala ko kung alam ko lang e di sana ibang damit ang dinala ko haist.

Bahala na nga tutal sabi naman nya wala syang gagawin sakin.

Tapos na akong maligo medyo nagtagal ako kung lalabas na ba ako o maya maya ng konti para paglabas ko baka sakaling tulog na sya kaso lahat na ginawa ko, nag toothbrush, nagsuklay, mumog naka 2x beses ata akong nag mumog.

Pero feeling ko kapag lalo ko pinatagal ang pag stay dito baka sumabog na puso ko sa kaba.

Dahan dahan kong binuksan ang pinto madilim na ang kwarto tanging ilaw na lang na mula sa lamp shade ang bukas nag mukha tuloy sexy ang dating ng room na lalo kong ikina kaba.

Langya excited ka Dani? Landi mo magtigil ka nga!

Nakita ko syang nakahiga naka patong ang braso sa mga mata pinagmasdan ko ang kanyang paghinga kung tulog na ito o hindi pa.

Payapa na ang paghinga ni Maddox yes tulog na!

Bumalik ako sa closet nya para magpahid ng lotion na dala ko at balak ko din maghanap ng T-shirt na pwede kong hiramin bukas na ako mag papaalam sa kanya hindi talaga ako komportableng suotin ang spag Strap ko na katabi ko pa sya malikot pa naman akong matulog at hindi rin ako sanay ng may bra.

Hinid naman ako nahirapang maghanap ng Tshirt nakita ko agad yun dahil maayos na naka salansan ang mga damit nito at color coding pa.

Dali dali akong nagpalit ng pang itaas hindi ko na muna tinanggal ang bra ko kahit hindi ako komportable.

Naglagay na din ako ng lotion ko at hiniram ko na din ang blower nya na nakalagay sa side ko mukhang bago parin ito kagaya ng mga nakalagay na damit na pangbabae.

The EncounterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon