CHAPTER 26

1.5K 58 4
                                    


Nag Enjoy ako sa pag lalakad ko papuntang Anderson ang tagal ko na din hindi na kapasyal dito mas dumami na ang mga establishment at mas magaganda na tignan. Masarap na ding maglakad lakad dahil ang lalakaran mo ay isang malaking Park na madmaing mga namamasyal may mga dalang mga alaga nilang Aso.

Yung iba mga nag lalaro nag tatakbuhan ang sayang tignan.

Sa susunod dadalhin ko talaga dito si Dylan tiyak mage enjoy ang bulinggit ko kapag dinala ko sya dito.

Madami din akong nakikita na parang nag pi-picnic.

Ay ang saya pwede na din pala mag Picnic dito sa damuhan nakakatuwa. Sa bandang kanan naman ay nakita ko ang isang stall na nag bibenta ng bubbles.

Naku tiyak na matutuwa nito si Dylan.

Kahit sila Mama ay matutwa din.

Ang daming kainan may mga stall pa ng Tiangge ang sarap mamasyal.

Mamaya kapag na ibigay ko na yung Files kay boss pupunta ako dito para mamasyal dito na din ako kakain.

Dumating ako sa Lobby ng Anderson 5mins bago mag 5pm.

Dito na muna ako tatambay wala pa naman message sakin si Sir.

Umupo ako sa isang couch at nag hintay.

Lumipas ang 30mins ngunit wala parin akong natatangap na message sa Manager ko.

I message ko na nga lang si sir.

"Sir nandito na po ako asan na po kaya yung kikitain ko."

BEEP

" Ay Dani sorry hindi ko nasabi sayo na delayed lang flight ni boss pero in a while nanjan na yun baka na traffic pakihintay na lang ha."

"Ok po Sir Copy"

BEEP

"Salamat Dani"

Naghintay pa ako baka nga na ipit sa traffic ang Big Boss namin. Wala naman akong magagawa hindi ako pwedeng umalis ng basta na lang baka magalit sakin ang Big Boss namin at baka mawalan ako ng trabaho.

Kaso naman nakakaramdam na ako ng pangangailangan mag CR ano ba to.

6:30pm wala parin ang hinihintay ko.

Lumapita ako sa receptionist .

"Hi Miss where is the restroom?"

" Hi Ma'am just go to the left straight ahead the last door is the comfort room."

"Ok Thank you"

"You're welcome Ma'am"

At nag mamadali na akong nag lakad sa restroom. Hindi ko na talaga kaya hindi ko naman expect na mag tatagal ako ng sobra sa pag hihintay dito.

Nakapag bawas na ako at nag ayos na din muna sa harap ng salamin nag lagay ng konting power at konting blush on at lipstick na nude color.

Ok na to presentable tinignan ko na din ang sarili ko sa salamin if ok pa ang suot ko.

Naka above the knee dress ako body hugging na kulay black and Blazer buti na lang nag dala ako blazer kase kung wala baka kanina pa ako na ngatog sa pag hihintay ang lamig naman kase sa lobby.

Naka 2 inches heels din ako na sandals maganda naman ang itsura ko perfect attire mukha na ulit akong Manilenya. Parang hindi ak probinsyana sa itsura ko.

Medyo inayo ko pa ng konti ang damit ko dahil medyo na gusot na pag kakaupo ko.

Nang sa pag labas ko while walking back to the couch nakasalubong ko si.

"Dani!!"

Napalakas na tawag sakin ni kuya Ford.

"Kuya Ford ikaw na ba yan!"

"Long time no see kuya Ford kamusta po kayo."

"Naminss kita kuya Ford"

Masayang batik o sa kanya Omg! Nandito parin pala si kuya Ford.

"Oo nga Dani Girl long time no see bigla ka na wala nun"

" Kamusta ka na bakit ka pala nandito anong ginagawa mo?"

"Ok lang kuya eto kailangan ko kaseng I meet yung big boss namin nag hihintay ako ng advise dito ako pinapunta ng Manager ko."

"Ay ganon Oh sya mamaya ulit iaakyat ko lang to sa penthouse ang bigat ahaha baka mapagalitan ako."

"Sige po kuya maya ulit kapag nandito pa ako kwentuhan tayo hehe."

"Ok cge Dani"

Kumaway pa ako kay kuya Ford. So kay Maddox parin pala nag ttrabaho si kuya Ford nakakatuwa naman.

Buti na lang din si kuya lang ang nakita ko dito sa baba.Bumalik ako sa couch na inuupuan ko kanina ng makatanggap ako ng message sa Manager ko.

BEEP

" Dani umakyat ka na lang sa penthouse kakadating lang ni Big Boss at pinapaakyat ka nya na ngayon sorry nag hindtay ka ng matagal. Na delayed kase ang flight nya tapos naipit din sila sa traffic."

Gusto kong itapon bigla ang Cellphone ko at tumakbo palabas, paalis ng lugar na to.

Bakit naman nag katotoo ang sinabi ni Apple! And OMG! Si Maddox din ang big Boss na sinasabi ni Sir pano nangyari yun Blue Sky Realty hindi naman Anderson Realty.

"Langya naman kapag minamalas ka nga naman si Maddox pa talaga ang kikitain ko pala dito akala ko nag kataon lang ang lugar na to kung bakit dito ang meeting place"

Hindi ko na alam kung anong gagawin ko kinakabahan ako pucha talaga iba talaga pagkakataon pagkatapos ng ilang linggong hindi namin pagkikita ngayon pa talaga.

At bakit ba naman kase hindi ko din nagawang magtanong kung sino ang big boss na pinag uusapan namin dalawa.

Kapag tinamaan ka nga naman ng malas

Hindi ko alam kung tatayo na ba ako gusto ko na lang talagang tumakbo sa mga oras nato.

Nang mamataan ko ulit si kuya Ford kakalabas lang nito ng Elevator.

"Dani Ikaw pala ang hinihintay ni Boss e ahaha tignan mo nga naman hala umakyat ka na daw."

"Alam mo naman kung saan diba?"

Pagtatanong sakin ni kuya.

"Oo kuya alam ko po, ahaha akalain mo yun si Maddox pala ang boss ko na naman."

"Ahaha oo nga e o sya uuna na ako sayo nag hihintay na dun si Maddox. Ikaw pala ang kikitain nya pagkakataon nga naman hala alagaan mo na yun naghihintay na baka magalit"

Napapailing na wika ni kuya. Saka sumaludo sa akin at lumabas na nang Building.

Haist kaya mo yan Dani!! Pag kukumbinsi ko sa sarili ko.

Umakyat ka na para matapos na to. Walang mangyayari sayo dito sa baba kung hindi ka pa aakyat hindi matatapos yang kaba mo kung hindi mo pa kikitaini boss mo.

Hala akyat na Dani!

"Ok this is it! Kaya ko to!"

Pag kumbinsi ko sa sarili ko kahit halos wala na ako marinig sa paligid ko dahil sa kaba.

Parang umakyat at nag aaringking king na naman ang puso.



AUTHOR'S NOTE

MARAMING SALAMAT MGA KA INANG SALAMAT SA PAG BABASA AT PAG SUPORTA.

NAWA AY MATUWA KAYO SA BAWAT UPDATE NA GINAGAWA NATIN.:)

The EncounterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon