CHAPTER 35

1.4K 43 4
                                    

MADDOX POV

We were eating at Gringo when she received a call.

Nakita kong nagmamadaling umalis si Dani papuntang office kaya dali dali din akong nagbayad.

Papalabas na sana ako ng Gringo ng makita syang umiiyak at nag mamadaling nag tungo papunta sa sakayan ng shuttle.

Agad kong nilapitan ang guard para magtanong.

" Excuse me saan papunta yung mga shuttle service na nasa labas?"

" Ah yun ba boss yung kaalis lang papuntang St. Dominique yung ngayon na naka pila papuntang Balagtas, may oras kase boss ang bhaye ng mga yan"

" Ah so yung kaaalis lang na van papuntang St. Dominique tama ba?"

" Opo Boss kung hindi ako nagkakamali sa Ospital yun papunta"

"Itanong nyo na lang din boss para maka siguro kayo"

"Ah ok salamat"

Alam ko hindi ko na kailangan magtanong alam kong may biglaang nangyari kaya umiiyak to at nagmamadaling umalis ng opisina.

Dali dali akong bumalik ng Blue Sky kailangan kong mag usisa kay Martinez

" Martinez bakit umalis si Dani?"

" May Emergency daw boss nag file ng leave"

" Sinabi ba nya kung bakit"

"Ang sabi lang boss emergency hindi na ako nag tanong kase iyak na ng iyak e"

"Ok sige Salamat"

At nag mamadali na akong nag punta ng parking lot para sundan sya.

Dali dali akong nag drive papuntang St. Dominique.

Sakto ng makarating ako sa parking lot sa harap ng ospital papasok palang sya, halos magkasabay lang kami dumating siguro dahil maraming stop over ang Van na sinasakyan nya..

Dali dali akong sumunod sa kanya.

Narinig ko pa sya na umiiyak habang nakikipag usap sa receptionist.

" Gusto kong makita ang anak ko miss hindi ko ba sya pwedeng puntahan!"

Huh?! Anak?? May anak si Dani? Kailan pa ito nag ka anak?

Naguguluhan ako minabuti kong hindi na muna ako magpakita sa kanya,

Bahagya akong umatras at umupo saglit sa receiving area na nakita ko hindi kalayuan sa kanila kaya rinig ko parini ang pag iyak ni Dani.

Nang matapos nyang kausapin ang receptionist dali dali akong lumapit sa Nurse na kausap nya kanina.

"Hi Miss ask ko lang bakit umiiyak yung babae? Sino naka confine sa family nya"

Binigyan ako nito ng nagdududang tingin.

" Sorry Sir pero hindi po kami allowed na i discuss ang buhay ng pasyente namin dito."

Mataray na sagot sakin ng babaeng Nurse.

" Ah eh I'm her boss, I know her personally bigla kase syang umalis kanina in the middle of our meeting,and I'm worried kung ano ba ang nangyari umalis kase syang umiiya. Her name is Dani Canlas."

Pangungumbinsi ko pa rito na kilala ko talaga si Dani.

"Ah ganon po ba Sir ok po akala ko nakiki tsismis ka lang eh, isinugod po kase dito sa ER yung anak nya galing atang school may aksidenteng nangyari."

Para akong sinabugan ng bomba sa pagkabigla may anak na nga si Dani hindi ako nag kamali lang kanina ng pandinig pero sino ang tatay?

Asan ang tatay ng bata diba sabi ng mama nito wala itong boyfriend o ka relasyon.

" Miss would you mind ilang taon na ang anak nya?"

" Alam ko Sir 3 years old yung bata Nursery sa pinapasukang School nanjan din nga yung Adviser iyak ng iyak."

" Bakit naman nag-iiyak ?"

Pag uusisa ko pa.

" Kase sabi aksidente may nagtulak sa bata from 2nd floor e wala ata yung Teacher nung nagyari, Kawawa nga Sir e unang araw pa naman ng school tapos disgrasya agad? Ang sabi pa sinadya daw ang pagtulak dahil sabi ng kaklase nung bata may babae daw na nag aya palabas sa bata."

Pag kwento pa nito. Hindi ko alam kung ano ang iisipin ko. Kaya ba ayaw sakin ni Dani dahil may anak na ito

Dahil ba meron talaga itong ka relasyon, Pero 3 years old yung bata.

At mahigit 3years ko na din itong pinapahanap. Ibig bang sabihin nun kaya ito nawala dahil may naka relasyon ito ?

Isa lang ang alam ko kailangan kong maliwanagan.

Dali dali kong tinawagan si Ford.

" Hello Ford I need you to find everything about Dani. Alamin mo kung meron ba syang naging ka relasyon sa loob ng 3 taon na nawala sya."

" Or alamin mo kung nasan yung mga investigator na dati nating kausap."

" Tell them kailangan ko ng information about kay Dani. ASAP"

Hindi ko na hinintay na maka sagot pa sakin si Ford at agad ko binaba ang tawag.

Nagpapasalamat ako sa Nurse na kumausap sakin at dahan dahan akong pumunta ng ER.

Malakas ang loob kong mag punta sa ER dahil alam ko naman walang nakakakilala sakin .

Buti na lang din at umalis saglit ang Mama ni Dani at Teacher ng bata. Kaya malaya akong makakalapit nang hindi nila nakikita.

Kahit kinakabahan ako sa maari kong makita, hindi ko rin alam kung para saan ang kabang nararamdaman ko.

Dahan dahan kung binuksan ang pinto kahit puno ng kaba kailangan kong makita si Dani.

Nakita ko sya na dahan dahang lumapit sa anak nito at maingat na hinawakan ang kamay.

"Huhuhu anak ko sorry ano bang nangyari sayo? Bakit ka sumama sa taong hindi mo kilala"

" Nandito lang si Mami anak hindi kita iiwan."

" Laban ka lang anak ha. Hihintayin kita saka si mamita at si Tita Madi mo.

"Anak pagaling ka kagad ha miss ka na kagad ni Mama e di ba sabi mo ako susundo sayo sa school. Bakit hindi mo naman ako hinintay papunta na ako sayo e."

"Alam mo ba anak kasama ko si Daddy mo kanina, diba gusto mo na syang makilala. Pagaling ka kagad pag gising ka na at magaling ka na ipapakilala ko na si Daddy sayo promise ni Mami yan sayo please anak pagaling agad ikaw."

Umiiyak na bulong nito.

The EncounterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon