9

254 6 0
                                    

"Good evening po ma'am, sir." Bati sa kanila ng isang lalaki.

Tinanguan lang ito ng mga bata. At dumerecho na sa kanilang pupuntahan. Nang marating nila ang isang glass door ay agad silang pumasok.

"Pa, let's eat na." Sabi ni Juliana.

"Let's go!" Aya ni Richard sa mga bata tsaka sila nagpunta sa opisina ni Dawn.

"Mama!" Sabi ni Juliana.

"What are you doing here?" Tanong ni Dawn.

"You can't join our dinner right? Kaya sabi ni papa dito na daw kami kumain." Paliwanag ni Leo.

Napatingin si Dawn kay Richard.

"What's this ba?" Tanong ni Richard.

"It's your favorite steak." Sagot ni Leo.

"And also we bought your favorite wine." Sabi ni Juliana.

"Hmmmm, your so sweet." Sabi ni Dawn.

"Okay, let's eat na. Blyth seat beside me and your mama." Richard said.

"Dito nalang po ako." Sabi ni Blyth sabay upo sa tabi ni Leo at Casey.

Nagka-tinginan nalang si Dawn at Richard sa sinabi ni Blyth.

"After niyong kumain umuwi na kayo sa bahay at matulog na kayo, marami pa kaming tatapusin ng papa niyo." Utos ni Dawn.

"Hindi na, sa isang araw mo na tapusi yan. Marami ka na rin namang natapos. Mag-pahinga na tayo after this." Sabi ni Richard.

"Oo nga ma, sabay-sabay na tayong umuwi." Pagsang-ayon ni Leo.

"May magagawa pa ba ko?" Sabi ni Dawn na ikinatawa nila.

Gaya nga nga napag-usapan ay umuwi na ang mag-anak pagka-tapos nilang kumain.

"Matulog na hah." Bili ni Dawn bago sila magsi-pasok sa kani-kanilang kwarto.

"Blyth pwede tabi ka muna samin ni mama?" Tanong ni Richard.

Hindi kumibo si Blyth at dumerecho na ito sa kanyang kwarto.

Nagkatinginan lang ang lima sa inasta ni Blyth.

"Sige na magsi-tulog na kayo." Sabi ni Dawn sa mga anak.

"Sige ma, good night." Sabi ni Juliana tsaka sila nagsi-pasok sa kanilang kwarto.

Pumasok na'rin ang mag-asawa sa kwarto para mag-pahinga.

Kinabukasan ay maagang nagising si Dawn, agad siyang bumaba para mag-prepare ng breakfast. Nang pag-baba niya ay nakita niya si Blyth na kumakain na kasama sina Juliana.

"Ang aga namang nagising ng mga anak ko." Sabi ni Dawn.

"Si Blyth kasi ma, ginising kami isa-isa, nagugutom na daw siya." Kwento ni Leo.

"Sana si mama nalang ginising mo. Hmmm." Sabi ni Dawn sabay halik nito sa pisngi ni Blyth.

Hindi naman kumikibo si Blyth.

We did it!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon