Nang matapos si Dawn at ang dalawang bata ay agad nilang inilabas ang cake para ilagay na ito sa dapat lagyan. Napansin ni Dawn na wala si Anton sa labas kaya tinanong niya ito sa mga bata.
"Si Anton?" Tanong niya kina Leo.
"Uhmm, ayun ma!" Sabay turo kay Anton na hirap na hirap na sa pag-bubuhat.
"Bakit niyo naman pinag-buhat ng lamesa?" Tanong ni Dawn tsaka niya ito nilapitan.
"Ako na nga diyan." Sabi ni Dawn kay Anton.
"Hindi na, last na naman to." Sabi ni Anton.
"Pag-pasensyahan mo na yung mga bata." Sabi ni Dawn.
"Hindi okay lang, ako din naman ang may gustong tumulong eh." Sabi nito.
"Oh siya, magbihis ka na muna. Basang-basa ka na ng pawis oh." Utos ni Dawn.
"Ma, can you call ate Juliana na and papa?" Tanong ni Casey.
Napa-lingon naman si Anton kay Dawn nang sabihin nitong sige. Wala nang nagawa si Anton kundi lumabas nalang at kunin ang kanyang extrang damit. Si Dawn naman ay pumasok na sa loob para tawagin ang dalawa.
"Hi.." malambing na bati ni Dawn kay Richard na pawis na pawis dahil kanina pa nag-luluto sa kusina.
"Uhm hello?" Nakangiting sabi ni Richard *beso
"Hindi mo man lang pinaalala sakin na ngayon pala yung dinner." Sabi ni Dawn.
"Naka-limutan ko din naman. Tinawagan lang ako ni Casey." Paliwanag nito.
"Hmmm.. Kate huh?" Mapang-inis na tanong ni Dawn. "Buti ka pa tinawagan nila." Dagdag ni Dawn.
"Hmmm, halika nga dito.. nag-tatampo pa ang ina ng mga anak ko." Sabi ni Richard tsaka niya ito niyakap na para bang wala si Anton dito.
Lingdi sa kanilang kaalaman ay naka-silip ang magulang ni Dawn at ang mga bata sa dalawa.
"Uhmm do you need anything ba? Hindi mo kasi ko pinapansin kanina, while you and the kids are decorating cakes." Sabi ni Richard.
"Uhmm oo, labas na natin tong mga foods kasi konting minutes nalang mag-cocount down na tayo." Paliwanag ni Dawn.
"Buti pa sila mom at dad umabot ng 50 years." Malungkot na sabi ni Richard.
"Eh ganun talaga eh." Sabi ni Dawn.
"Siguro, kung hindi tayo nag-hiwalay, malamang kasabay pa rin natin silang mag-count down for our 30th year." Sabi ni Richard.
"Hmmm, halika na nga." Sabi ni Dawn sabay pisil nito sa ilong ni Richard gaya ng dati.
Hinakot na ng dalawa ang kanilang mga pagkain patungong labas. Habang nag-hahakot ay napansin ni Anton na nag-tatawanan ang dalawa kaya lalo itong nainis.
"Andrei, ikaw nalang ang tumawag kay Juliana. Aayusin pa namin ni Dawn yung table eh." Utos ni Richard dito.
"Sige po dad." Sabi ni Andrei na naka-upo sa hagdan dahil nag-kakabit nang mga ilaw.
"Uhmmm, may maitutulong ba ko?" Tanong ni Anton kina Dawn at Richard nang mapansing nag-tutulong ito.
"Maupo ka nalang muna diyan, kaya na namin to. Lagi naman kami ni Dawn ang gumagawa nito kapag may mga occasions eh." Paliwanag ni Richard.
"Uhmm, sige na Anton, mamahinga ka muna. Marami-rami din yung mga lamesang nabuhat mo kanina." Sabi ni Dawn.
Gustong tumawa ni Richard sa narinig kay Dawn ngunit hindi niya magawa. Noong siya'y nangliligaw kay Dawn ay approve agad ito nang magulang ni Dawn kaya hindi siya nahirapan dito..... Alam ni Dawn na may purpose ang gustong pag-tulong ni Anton sa kanilang dalawa at alam niya din na posibleng mag-sabong ang dalawa sa isang pag-kakamali niya. Wala nang nagawa si Anton kundi sundin ang iniutos ni Dawn.
BINABASA MO ANG
We did it!
FanfictionThis is a story of Dawn and Richard in facing their problems as a family.