Kinabukasan ay nagising si Dawn sa bulungan ng kambal.
"Hay nako James, magagalit na si mom satin niyan. Ang tagal mo mag-bihis." Naiinis na bulong ni Rachel.
Naagaw ang pansin ng dalawa nang mapansin nitong tumayo si Dawn.
"Lola nagising ka ba namin?" Tanong ni James.
"Hindi naman.... tara na sa baba para maka-kain na kayo ng Bulalo." Aya ni Dawn nang mapansin ang dalawang ayos na.
"Bulalo? Really lola?" Masayang tanong ni Rachel na parang bata.
"Yep. Hindi ako maka-tulog kanina, kaya I cook na." Paliwanag ni Dawn.
"Yey! Tara na lola, kain na tayo." Aya ni James.
Nang bumaba ang tatlo ay napansin nilang naka-hain na.
"Maupo na kayo at parating na yung bus niyo." Utos ni Gwy sa dalawa.
"Hmmmm! I miss this smell." Sabi ni Richard habang pababa ng hagdan.
"Si Juliana?" Tanong ni Dawn.
"Tita, dadalan ko nalang po, sa kwarto nalang daw po siya kakain." Sabi ni Andrei na may dalang bulalo at umakyat.
"Si Kristina pababain mo na." Utos ni Richard.
"Opo pa, inaayos lang yung books niya." Sagot ni Andrei.
"Good morning dad!" Bati ni Casey mula sa itaas, sabay binigyan ito ng halik sa pisngi.
Napatingin naman si Dawn dito na para bang hinahanap ang bati nito.
"Good morning mom.." walang siglang bati ni Casey dito.
Habang kumakain ay tahimik lang ang paligid.
"Lolo Richard, are you okay na ba?" Tanong ni Kristina dito.
"Why?" Tanong ni Richard.
"Kase last night your so drunk. To the point nga na your crying while saying lola's name." Nabigla ang lahat sa sinabi ni Kristina.
"That's not true kaya." Pag-tanggi ni Richard.
"It's true lolo, me and tita Casey help you tuck in bed." Paliwanag ni Kristina.
"Really, Ria? Can you tell us more?" Natatawang sabi ni Leo.
"Ofcourse tito." Sagot nito.
🚌...
"Ayan na yung bus. Sumakay na kayo at baka mahuli pa kayo." Sabi ni Dawn.
Agad namang nagtayuan ang tatlo at tumakbo palabas.
"Kwento mo sakin mamaya yun Ria hah!" Sigaw ni Leo dito.
Agad namang pinandilatan ng mata ni Richard si Leo.
"Sure!" Sagot nito.Nang matapos silang kumain ay agad na nag-paalam si Dawn dahil sinundo na ito ni Anton. Agad din naman silang nagsi-pasok sa kani-kanilang trabaho kaya si Juliana at ang nurse lang ang naiwan sa bahay.
Habang nasa daan si Anton at Dawn ay naka-tulala lang si Dawn sa paligid at iniisip ang mga nangyari kagabi.
"Dawn." Pag-agaw pansin ni Anton dito.
Nagulat naman si Dawn sa tawag nito kaya agad siyang natingin dito. "Huh?" Tanong nito.
"Are you okay?" Tanong ni Anton.
"Yeah, I'm okay." Maikling sagot nito at ibinalik ang atensyon sa paligid.
"Gusto mo bang sumama? Pinaki-usapan ko kasi si Mr. Torres na dito nalang namin ituloy yung meeting." Paliwanag ni Anton.
BINABASA MO ANG
We did it!
FanfictionThis is a story of Dawn and Richard in facing their problems as a family.