39

296 8 4
                                    

Ngayon na ang ganap na araw para sa pag-iisang dibdib ni Dawn at ni Richard. Simula kagabi ay hindi pa sila nag-kikita dahil ginanap nila pareho ang kanilang party kasama ang kanilang mga kaibigan. Ngayon ay inaayusan na si Dawn sa hotel na malapit sa simbahang pag-gaganapan ng kanilang masayang seremonya.

"Mom.." katok ni Casey mula sa labas.

"Pasok." Sabi ni Dawn habang inaayusan ito.

"Mom, dad wanted me to gave you this." Sabi ni Casey sabay abot ng isang maliit ma box na naglalaman ng kwintas.

"What's this?" Maluha-luhang tanong ni Dawn.

"I think kwintas yan mom." Pag-bibiro ni Casey sa ina.

Agad namang natawa si Dawn sa sinabi ng kanyang anak.

"Sige na mom, isuot mo na to kasi babalik pa ko sa room namin nila ate." Natatawang sabi ni Casey.

Agad namang kinabit ni Casey ang kwintas na bigay ni Richard sa kanyang ina at agad na nitong nilisan ang kwarto para bumalik sa kanilang kwarto.

Parang tumigil ang paligid ni Dawn sa mga sumunod na nangyari. The last thing she know is naglalakad na siya ngayon papuntang altar habang pumapatak ang kanyang mga luha. Hindi niya namalayan na nasa harap na pala siya ni Richard at kanina pa pala ito nag-hihintay na ibigay ni Dawn ang kanyang kamay.

Ngayon na ang saktong oras ng pag-binigyan nila sa isa't-isa ng kanilang mga wedding vows. Mauunang mag-bibigay ng vow si Richard at susundan naman ito ni Dawn.

"Love..."

Paunang sabi ni Richard at agad namang nag-sigawan ang mga tao sa kanilang paligid kabilang na ang kanilang pamilya.

"Una sa lahat, gusto kitang pasalamatan..... pasalamatan dahil kahit na nawalan na tayo ng pag-asang lumaban noon ay andito tayong muli, sa harap ni father at kasama na ang ating nabuong pamilya." Richard felt his tears flowing. "The day na nalaman kong ikakasal ka na kay Anton, akala ko wala na.. akala ko tapos na ang laban ko, Akala ko hindi ko na muling masisilayan ang muka sa umaga, Akala ko tatanda na akong mag-isa, pero...... muli akong nabuhayan ng sabihin sakin ni mom na wala na kayo ni Anton." Richard look at their guests. "Alam niyo yung feeling na may sakit ka at nawawalan ka na nang ganang mabuhay at lumaban... pero biglang may magandang balitang dumating at nagpa-buhay sa loob mo.." he look back at Dawn. "Kailan man, hinding-hindi ako susuko, mabawi ka lang...." muling lumuhod si Richard at muling nag-labas ng singsing. "Ms. Dawn Fontanilla.. will you marry me, again and again?" Tanong ni Richard habang naka-luhod.

Tumango na lamang si Dawn bilang sagot. Kung kanina ay matindi ang pag-iyak nito, ngayon naman ay halos dinoble ang iyak niya kanina. Agad namang pinunasan ni Richard ang luha ni Dawn at ibinigay ang pangakong sing-sing. Ngayon ay oras na ni Dawn para mag-bigay ng kanyang wedding vow para kay Richard.

"Alam mo babe, kung kaya ko lang isigaw sa buong mundo kung gaano ko nag-papasalamat dahil ibinigay ka sakin ng panginoon ay ginawa ko na. You are My greatest gift... and ofcourse my childrens also." Dawn looks at their guests. "Alam ko po na marami sa inyo ang naka-saksi sa aming hindi magandang love story noon." Dawn chuckles. "At alam ko din po na marami dito ang nakakakilala samin lalong-lalo na kay Richard.... alam po nating lahat na si Richard ay isang napaka-buting asawa at ama sa aming pamilya.... marami po sa inyo na alam na ang ugali ni Richard... pero wala pa po kayo sa gitna ng napaka-gandang ugali niya. Dumating po kami sa punto ng buhay namin noon na may lalaki ako, at alam ni Richard na yun po yung lalaking nag-papasaya sakin... alam niyo po ang sabi ni Richard sakin noon? Wala kong pake-alam if your dating 10 guys, as long as where married okay lang. parang sinak-sak po yung puso ko noong sinabi niya yon. And thise words made me realize na, I think god sent.." he looks back at him. "You nga at me. You made my life complete these past few years of my life. Like you, there are times na gusto kong isipin na ikaw si Anton, kasi may times na ikaw yung hinahanap-hanap ko, actually halos araw-araw nga. Nakaka-miss din pala yung bondings natin together non no?" Naluluhang sabi ni Dawn.

We did it!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon