11

260 8 3
                                    

Habang pauwi si Leo ng bahay ay masayang-masaya ito, hindi niya mapigilang ngumiti dahil sa nangyari kanina.

"Tatay ka na, tatay ka na!" Natutuwang sabi nito sa sarili.

Agad siyang dumerecho sa opisina para ayusin ang mga naiwan ni Richard na trabaho.

Nang natapos niya ito ay halos gabi na, kaya agad na siyang umuwi. Gaya ng mga nakakaraang araw sa labas nalang kumakain si Dawn at Richard. Si Blyth at Juliana naman ay laging sabay kumain habang si Leo ay nag-iisa.

"At bakit nakangiti habang kumakain ang binata ko?" Natatawang tanong ni Dawn habang papalapit ito sa kanya.

"Ngayon lang kayo?"tanong ni Leo.

"Oo, may mga pinabago kasing design ang mama mo." Sagot ni Richard na kagagaling lang sa labas.

"Kumain na ba kayo? Sabayan niyo nap po ako." Sabi ni Leo.

"Gusto sana namin, kaso pagod na kasi kami ng papa mo. Mamahinga na muna kami, maaga pa kasi kami bukas." Paliwanag ni Dawn.

Tumayo si Leo para lumapit sa kanila. "Okay lang ma, good night." Sabi nito sabay halik sa pisngi ng mag-asawa.

"Sige, matulog ka na din pagka-kain mo." Bilin ni Richard.

"Opo, may mga tatapusin pa din po ako sa opisina bukas." Sabi ni Leo.

Umakyat na ang dalawa sa kwarto at naiwan si Leo sa baba.

Kinabukasan gaya nga ng napag-usapan maagang umalis ang tatlo sa bahay, ang mag-asawa ay lalong naging busy dahil sa mga pinabago ni Dawn. Si Leo naman ay nagpunta na muli sa opisina. Habang Si Blyth at Juliana ay naiwang muli sa bahay.

"Ate, are you okay na ba?" Tanong ni Blyth.

"Medyo okay na din bunso." Sagot ni Juliana.

"Can we eat pizza?" Tanong ni Blyth.

"Ikaw talaga." Sabi ni Juliana sabay piga sa ilong ni Blyth. "Ang aga-aga pizza agad hanap mo. Pero, sige na nga." Natatawang sagot ni Juliana.

Agad na kinuha ni Juliana ang kanyang cellphone para itext si Andrei.

To: Andrei

          Gising ka na ba? Or basta pag nakita mo 'to, pwede mo ba kaming bili ni Blyth ng pizza? She's craving for pizza kasi, and ako din. If your busy, okay lang naman. Pwede naman ako magpa-deliver nalang.

Maya-maya pa ay tumunog ang Cellphone ni Juliana, alam na niya agad na si Andrei ito.

From: Andrei

           I'm on my way na.

Napangiti agad si Juliana ng makita niya ang text ni Andrei.

"Ate, why are you smiling?" Nagtatakang tanong ni Blyth.

"Wala bunso, parating na daw ang pizza natin." Kwento ni Juliana.

"Yey! Thank you ate!" Sigaw ni Blyth sabay yakap kay Juliana.

"Welcome baby." She said then Hug her back.

We did it!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon